Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Caritas Philippines, nananawagan sa mamamayan ng “sense of responsibility”

SHARE THE TRUTH

 1,830 total views

Nagpaabot ng pasasalamat si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – national president ng Caritas Philippines sa mga katuwang ng Simbahan na naging daluyan ng biyaya ng Panginoon lalo’t higit sa mga nangangailangan.

Ito ang mensahe ng Obispo sa thanksgiving at turn-over ng We Care Project ng Caritas Philippines sa tatlong Diyosesis ng Butuan, Malaybalay at Kidapawan.

Ayon kay Bishop Bagaforo, mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan para sa mas epektibong pagtugon sa kalagayan ng mga nangangailangan.

Partikular na pinasalamatan ng Obispo ang aktibong pakikibahagi ng iba’t ibang lokal na pamahalaan sa misyon ng Simbahan na pagpapaunlad sa buhay at kabuhayan ng mamamayan.

“Sa lahat ng mga participants na ngayon ay kasama natin sa pagbibigay nitong Thanksgiving at saka Turn-Over, maraming salamat po sa inyong tulong tulong at pakikiisa na maging matagumpay itong ating programa. Ibig ko na ding magpasalamat sa ating mga local government unit na ating mga partners, sana kung ano ang ating nasimulan ay ipagpatuloy natin at sana sama-sama tayo, maiuunlad natin ang ating kabuhayan at matugunan natin ang ating mga problema sa kabuhayan.” mensahe ni Bishop Bagaforo.

Umaasa naman ang Obispo na higit pang mapalago at mapalawak ng mga diyosesis ang misyon ng We Care Program na magkaroon ng ‘sense of responsibility’ ang bawat isa sa pagtugon sa mga problema ng baansa lalu na ang kahirapan at kagutuman.

“We would like to congratulate lahat ng ating mga participants na kung saan ay naging matagumpay ang ating Programa na We Care Program. Marami tayong mga dapat na alalahanin na ang mga bagay na ganito ay walang iba kundi ang layunin ay matulungan ang ating kapwa at higit sa lahat ay magkaroon sila ng sense of responsibility sa pagtugon sa mga problema ng ating lipunan, maliban diyan yung We Care Program ang layunin din is to empower each one of us para magkaroon tayo ng potential na makatulong upang masagot natin ang problema natin on poverty and on hunger.” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Tema ng Thanksgiving and Turn-over ng We Care Project ng Caritas Philippines sa tatlong diyosesis ang “Empowering People & Sectoral Organizations Through Partnership, Agro-Enterprise & Governance Collaboration” na naglalayong maisulong ang pagkakaroon ng magandang ugnayan ng iba’t ibang sektor ng lipunan para sa kabutihan at kapakanan ng mga mamamayan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Tunnel of friendship

 23,542 total views

 23,542 total views Mga Kapanalig, natapos noong Biyernes ang labindalawang araw na pagbisita ni Pope Francis sa apat nating karatig-bansa: Indonesia, Papua New Guinea, Timor-Leste, at Singapore. Naging makasaysayan ang pagbisita ng Santo Papa sa Indonesia. Ito kasi ang may pinakamalaking populasyon ng mga Muslim sa buong mundo, habang tatlong porsyento lamang ng populasyon nito ang

Read More »

Teenage pregnancy

 74,105 total views

 74,105 total views Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ay isa sa mga seryosong isyung kinakaharap ng Pilipinas ngayon. Taon-taon, dumarami ang mga kabataang babae, edad 10 hanggang 19, na maagang nagiging ina. Ang kalagayang ito ay may malalim na implikasyon sa kanilang personal na buhay, pati na rin sa kalagayan ng bansa sa kabuuan. Nakaka-alarma,

Read More »

THE DIVINE IN US

 21,711 total views

 21,711 total views Gospel Reading for September 12, 2024 – Luke 6: 27-38 THE DIVINE IN US Jesus said to his disciples: “To you who hear I say, love your enemies, do good to those who hate you, bless those who curse you, pray for those who mistreat you. To the person who strikes you on

Read More »

Magnanakaw ng dignidad ang traffic

 79,285 total views

 79,285 total views Kapanalig, isa sa mga hamon sa mental health ng maraming Pilipino ngayon ay ang kahirapan sa pagko-commute tungo sa trabaho at paaralan. Marami na nga sa ating mga kababayan ang nagsasabi na ang pagco-commute dito sa ating bayan ay dehumanizing na. Sa dami ng Pilipinong apektado sa pang-araw-araw na traffic sa ating bayan,

Read More »

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 59,480 total views

 59,480 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pagtatalaga sa ika-31 national shrine sa Pilipinas, pinangunahan ni Cardinal Advincula

 639 total views

 639 total views Umaasa ang Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na isabuhay ng mga mananampalataya ang mga katangiang ipinamalas ng Mahal na Inang Maria bilang daluyan ng habag, awa, pagmamahal at biyaya ng Panginoon para sa bawat isa. Ito ang bahagi ng pagninilay ng arsobispo sa ginanap na Solemn declaration ng pagtatalaga sa Pambansang

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Lumaban sa martial law, binigyang pugay ng TFDP

 4,467 total views

 4,467 total views Hinihimok ng Task Force Detainees of the Philippines ang mga Pilipino na patuloy na alalahanin ang mga matapang na lumaban para sa demokrasya at kalayaan ng bansa mula sa kadilimang dulot ng Batas Militar. Ito paalala ni TFDP chairperson Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm., sa paggunita ng ika-52 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Union of Bicol Clergy, itinakda

 4,289 total views

 4,289 total views Nakatakdang magtipon ang mga pari mula sa walong ecclesiastical jurisdictions ng Bicol region na nasa ilalim ng manto ng Mahal na Ina ng Peñafrancia na siyang patron ng rehiyon ng Bicolandia. Magtitipon ang Union of Bicol Clergy sa ika-17 hanggang ika-19 ng Setyembre, 2024 na may tema ngayong taon na “Forging Bikol Priestly

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Sambayanang Pilipino, inaanyayahan sa international “good governance” webinar

 4,366 total views

 4,366 total views Inaanyayahan ng Catholic Teachers’ Guild of the Philippines (CTGP) ang mga layko na makibahagi sa nakatakdang international webinar na tatalakay sa kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa mabuting pamamahala o good governance. Ayon kay CTGP National President Prof. Belén L. Tangco, OP, PhD, tampok sa international webinar ang anim na guest speakers’ mula

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Archdiocese of Jaro, nagpapasalamat sa NHCP

 4,778 total views

 4,778 total views Pinangunahan ni Jaro Archbishop Jose Romeo Lazo ang paglagda at pagtanggap ng certificates of transfer and acceptance sa dalawang restoration projects ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa convent at ceiling paintings ng Sta. Ana Parish Church sa Molo, Iloilo City. Naganap ang turn-over ceremony noong ika-8 ng Setyembre, 2024 kasabay

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Walang VIP sa batas

 7,573 total views

 7,573 total views Nanawagan ang social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mamamayan na bantayan ang pag-usad ng kaso ni Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy. Ito ang panawagan ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo makaraang sumuko si Quiboloy sa mga awtoridad kasama ang iba pang

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Technical education sa drug rehabilitated dependents, pinaboran ng CHR

 7,964 total views

 7,964 total views Nagpahayag ng suporta ang Commission on Human Rights (CHR) sa panukalang batas na naglalayong mabigyan ng pagsasanay at edukasyong teknikal ang mga rehabilitated drug dependents bilang bahagi ng pagbibigay ng pangalawang pagkakataon upang makapagbagong buhay. Ayon kay CHR Chairperson Richard Palpal-latoc, malaki ang maitutulong ng batas ni Senator Raffy Tulfo na Senate Bill

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, inaanyayahang makiisa “One minute for Peace”

 7,341 total views

 7,341 total views Inaanyayahan ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang mananampalataya na makibahagi sa One Minute for Peace na paglalaan ng isang minutong pananalangin para sa kapayapaan ng daigdig sa ika-8 ng Setyembre, 2024 hanggang sa ika-8 ng Hunyo ng susunod na taong 2025. Kaisa ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Paghubog sa katapatan ng mga botante, prayoridad ng PPCRV

 9,373 total views

 9,373 total views Naniniwala ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na bukod sa pagtiyak ng katapatan ng sistema ng halalan sa bansa ay mahalaga ring tutukan ang paghuhubog sa katapatan ng mismong mga botante. Ito ang binigyang diin ni PPCRV Executive Director Jude Liao kaugnay sa patuloy na suliranin ng vote buying at vote

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

TIBOK PINOY, ilulunsad ng PPCRV

 9,812 total views

 9,812 total views Tiniyak ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang pagsasakatuparan sa mandato bilang pangunahing tagapagbantay ng Simbahang Katolika sa pagkakaroon ng isang maayos at tapat na eleksyon sa Pilipinas. Ito ang ibinahagi ni PPCRV Media and Communications Director Ana De Villa Singson sa puspusang paghahanda ng PPCRV sa nalalapit na 2025 Midterm

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pag-amyenda sa Migrant Workers and Overseas Filipino Act, suportado ng CHR

 9,784 total views

 9,784 total views Supotado ng Commission on Human Rights ang panukalang pagpapalawig sa Emergency Repatriation Fund (ERF) sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Republic Act (RA) No. 8042 o mas kilala bilang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act. Nakapaloob sa House Bill 09388 na inihain ni OFW Partylist Rep. Marissa “Del Mar” Magsino ang pagbibigay ng awtoridad

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Founder ng St. Arnold Janssen Kalinga Center, pinarangalan ng Ateneo de Manila University

 10,420 total views

 10,420 total views Kinilala ng Ateneo de Manila University si Divine Word missionary priest Fr. Flaviano “Flavie” Villanueva, SVD bilang isa sa mga awardee ng 2024 Traditional University Awards. Igagawad kay Fr. Villanueva ang ‘Bukas Palad Award’ bilang pagkilala sa pambihirang misyon at adbokasiya ng Pari sa pagtulong sa mga palaboy sa Maynila at sa mga

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

20 dambana at simbahan, itinalagang Jubilee churches ng Archdiocese of Manila

 15,035 total views

 15,035 total views Umabot sa mahigit 20 mga simbahan at dambana sa Arkidiyosesis ng Maynila ang itinalagang Jubilee Churches ng arkidiyosesis para sa nakatakdang Ordinary Jubilee of the Year 2025. Ayon sa Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, mahalagang samantalahin ng mga mananampalataya ang biyayang hatid ng pananalangin at pagbisita sa mga itinalagang jubilee churches

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Samantalahin ang pagsibol ng katotohanan.

 14,971 total views

 14,971 total views Ito ang panawagan ni Arnold Janssen Kalinga Foundation founder Rev. Fr. Flavie Villanueva, SVD para sa mga kawani ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas(Philippine National Police) sa ibinunyag ni Police Lt. Col. Jovie Espenido na pagpapatupad ng quota at reward system sa marahas na implementasyon ng laban kontra illegal na droga ng administrasyong Duterte.

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

11-Diocesan Council of the Laity, magsasama-sama sa Conference on Prayer

 13,918 total views

 13,918 total views Umaasa ang implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity na maging makabuluhan at epektibo ang nakatakdang Conference on Prayer ng Ecclesiastical Province of Manila upang maihanda ang bawat layko sa Jubilee sa 2025. Ayon kay LAIKO National President Bro. Francisco Xavier Padilla, layunin ng pagtitipon

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top