Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

“Ako’y isang dayuhan at inyong pinatulóy”

SHARE THE TRUTH

 335 total views

Mga Kapanalig, nang inilarawan ni Hesus sa Kanyang mga alagad ang paghuhukom—isang yugtong mababasa natin sa Mateo 25:31-45—sinabi niya: “Tandaan ninyo, nang pagkaitan ninyo ng tulong ang isa sa mga pinakahamak, ako ang inyong pinagkaitan.” Kasama sa mga binanggit Niyang pinakahamak ay ang mga dayuhan. “Sapagkat ako’y isang dayuhan at inyong pinatulóy,” sasabihin ng Anak ng Tao sa mga nasa kanan ng kanyang trono. 

Oktubre noong isang taon nang hilingin ng Estados Unidos na pansamantalang tanggapin ng Pilipinas ang mga refugees mula sa bansang Afghanistan. Kung inyong matatandaan, bumalik sa kapangyarihan ang Taliban sa Afghanistan matapos umatras doon ang tropang Amerikano noong 2021. Ang Taliban ay kilala sa kanilang istriktong interpretasyon ng Sharia law na sanhi naman ng paglabag sa mga karapatang pantao lalo na ng mga babae.  

Ang hiling ng gobyernong US sa ating pamahalaan: patirahín muna rito ang nasa 50,000 Afghans sa loob ng hindi bababa sa dalawang buwan. Ang mga Afghans na ito ay mga dating empleyado ng gobyernong US, at ang pagtira nila sa Pilipinas, kung sakaling matutuloy, ay habang pinoproseso ang special immigrant visas upang makapasok naman sa Amerika. Sasagutin daw ng Amerika ang magiging gastos ng mga refugees katulad ng kanilang pagkain at tirahan.

Sa isang pagdinig ng Senado noong nakaraang buwan, may mga mambabatas tayong nagdadalawang-isip sa hiling na ito ng Amerika. Hindi raw kaya magiging espiya ng Amerika ang mga refugees? Tanong iyan ng kapatid ni Pangulong BBM na si Senadora Imee Marcos. Para naman sa National Bureau of Investigation at National Intelligence Coordinating Agency, maaaring maging banta ang mga dayuhan sa ating seguridad, lalo na sa mga lugar na maraming Muslim. Baka may mahalo raw na mga terorista sa mga refugees na nais ng Amerika na papasukin sa ating bansa. Mas matigas naman ang pagtutol ni Vice President Sara Duterte. Mistulang panghihimasok daw ang gustong mangyari ng Amerika sa ating kapangyarihang piliin kung sinu-sino ang mga pwedeng pumasok sa Pilipinas.

Nakalulungkot ang mga pahayag na ito, lalo na’t mayroon tayong mahabang kasaysayan ng pagkupkop sa mga dayuhang dahil sa giyera at pag-uusig ay nais umalis sa kanilang lupang sinilangan. Noong World War II, tumanggap tayo ng mahigit sanlibong Jewish refugees. Noong dekada ’70 naman, tinanggap natin ang mga tinaguriang “boat people” mula sa Vietnam na nais takasan ang giyera doon. Nasa mahigit 400,000 na refugees ang kinupkop noon ng Pilipinas. Mula 2017 naman, nagsimulang tumanggap ang ating bansa ng mga Rohingya refugees na pinagmamalupitan ng gobyerno ng Myanmar. Naging santuwaryo ng mga dayuhang ito ang ating bansa, at marami nga sa kanila ang nagkaroon na rito ng tahanang matatawag. 

Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pormal na sagot ang ating pamahalaan sa hiling Amerika. Hindi maiiwasang may mag-alalá para sa ating seguridad. Hindi rin masisisi ang mga nagsasabing ginagawa tayong kasangkapan ng Amerika para sa kaguluhang sila mismo ang nagsimula sa Afghanistan. Hindi rin daw ba pagkukunwari ang pagtanggap sa mga refugees gayong dito mismo sa atin, may mga kababayan tayong hindi tinatanggap ng kanilang kapwa? 

Matapos ang pagbabalik sa kapangyarihan ng Taliban, nanawagan noon si Pope Francis sa mga bansang pagbuksan ng pinto ang mga Afghans na naghahanap ng kanlungan. Ito ay panawagang nagmumula sa pagpapahalaga ng ating Simbahan sa dignidad ng tao, sa kapayapaan, at sa pagkakapatiran. 

Mga Kapanalig, ipagdasal nating maliwanagan ang ating mga lider sa usaping ito. Makita sana nila ang pangangailangan sa madaliang pagkilos upang tulungan ang mga dayuhang nais lamang magkaroon ng matiwasay na pamumuhay. Maging instrumento sana tayo ng pagtataguyod ng dignidad ng tao, kahit pa ng mga dayuhan. 

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 17,276 total views

 17,276 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 31,932 total views

 31,932 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 42,047 total views

 42,047 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 51,624 total views

 51,624 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 71,613 total views

 71,613 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 17,277 total views

 17,277 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,072 total views

 2,072 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 31,933 total views

 31,933 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 42,048 total views

 42,048 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 51,625 total views

 51,625 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 71,614 total views

 71,614 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 47,480 total views

 47,480 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 42,505 total views

 42,505 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,074 total views

 46,074 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 58,529 total views

 58,529 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 69,596 total views

 69,596 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 75,915 total views

 75,915 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 80,526 total views

 80,526 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 82,086 total views

 82,086 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 47,647 total views

 47,647 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top