1,727 total views
Inihayag ng Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) na hindi nakapasa ang kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung susuriin at mamarkahan ang kalagayan ng karapatang pantao sa bansa sa ilalim ng kanyang nakalipas na isang taon sa katungkulan.
Ayon kay TFDP Chairperson Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm., bukod sa patuloy na polisiya ng pamahalaan sa sinimulang war on drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte ay kapansin-pansin pa rin ang patuloy na mga kaso ng karahasan at pagpaslang sa bansa.
Pagbabahagi ng Pari, batay sa pagtatala ng Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) umaabot na sa 3-mamamahayag ang napaslang sa ilalim ng kasalukuyang administrasyong Marcos bukod pa sa mga kaso ng force disappearances ng ilang mga lider ng batayang sektor sa bansa.
“From the perspective of human rights hindi talaga siya pumasa, that means especially with my involvement is with human rights hindi talaga siya pumasa kasi patuloy pa rin yung kanyang policy on war on drugs of course hindi worst compared kay Duterte pero killings continue and we have documented also cases of human rights abuses and violations, killings 3 journalist were killed since he sworn into office, patuloy din yung mga force disappearances at saka yung mga summary executions…” Ang bahagi ng pahayag ni Fr. Buenafe sa Radio Veritas.
Binigyang diin rin ni Fr. Buenafe na siya ring executive secretary ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) ang kabalintunaan ng nagpapatuloy na mga kaso ng red-tagging sa lipunan sa kabila ng pakikibahagi ng bansa sa UN Joint Human Rights Program for Technical Assistance and Capacity Building.
Giit ng Pari, kung susumahin ang iba’t ibang mga sitwasyon at kaso ng mga karahasan na patuloy na nagaganap sa lipunan ay sadyang hindi papasa ang administrasyong Marcos sa usapin ng karapatang pantao sa bansa.
“Then the red-tagging is real makikita mo yung irony ng government while pumasok siya sa UN Joint Human Rights Program for Technical Assistance and Capacity Building but still parang red-tagging has become the norm, government officials o for that matter police officials can just red-tag o grant a person or a groups o human rights groups hindi siya pumasa sumemplang siya…” Dagdag pa ni Fr. Buenafe.
Una na ring nanawagan ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) sa iba’t ibang mga organisasyon at mga institusyon na suportahan ang panukalang batas na nagsusulong ng Human Rights Defenders Recognition and Protection Law kung saan isang signature campaign ang isinasagawa na naglalayong makapangalap ng suporta hingil sa pagsasabatas nito sa Mababang Kalupungan ng Kongreso at Senado.
Una ng binigyang diin ng TFDP ang kahalagahan ng implementasyon ng mga batas na nagbibigay proteksyon sa kapakanan ng mga human rights defenders (HRDs) sa ilalim ng UN Declaration on Human Rights Defenders.