3,481 total views
Nagtalaga ang Santo Papa Francisco ng dalawang bagong opisyal sa Dicastery for Evangelization sa Vatican.
Kabilang sa itinalaga si Filipino Priest Monsignor Erwin Balagapo at Mosignor Han Hyuntaek na magiging bahagi sa pamamahala sa Section for the First Evangelization and New Particular Churches na pinangangasiwaan ni Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle.
Batay sa appointment magsisilbi ang dalawang opisyal sa loob ng limang taon sa nasabing tanggapan.
Noong 2013 iniakda ni Msgr. Balagapo ang aklat na “Matrimony and Family: A Human Reality par Excellence According to the Teachings of Karol Wojtyla.”
Si Msgr. Balagapo ay inordinahang pari noong July 12, 1996 mula sa Archdiocese of Palo sa Leyte na kasalukuyang naglilingkod sa ibayong dagat.
Matatandaang sa Praedicate Evangelium ni Pope Francis ipinatupad ang mga pagbabago sa Roman Curia kung saan ang Dicastery for the Evangelization na dating Congregation for the Evangelization of Peoples’ ay personal na pinangasiwaan ng santo papa at hinati sa dalawang tanggapan na pinamahalaan ng Pro Prefect na sina Cardinal Tagle sa Section for the First Evangelization and New Particular Churches habang si Archbishop Salvatore Fisichella naman sa Section for Fundamental Questions regarding Evangelization in the World.