1,274 total views
Umaasa ang Commission on Human Rights na tupdin ng mga kawani ng Philippine National Police ang ipinangako na pagpapatupad ng maximum tolerance sa mga magpo-protesta sa ikalawang State of the Nation Address sa ika-24 ng Hulyo, 2023.
Ayon sa CHR mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga alagad ng batas sa malayang pagpapahayag ng mamamayan ng kanilang mga saloobin sa isang mapayapang pamamaraan.
“Law enforcers play an important role in enabling the citizens to exercise their rights in a safe and secure environment. We are hopeful that the PNP’s statement of assurance will translate to efforts by State forces to protect and facilitate the right to peaceful protest in the same manner that they will endeavor to ensure peace and order.”pahayag ng CHR.
Nanawagan naman ang komisyon sa iba’t ibang grupo na panatilihin ang kaayusan at kapayapaan sa kanilang pagpapahayag ng mga opinyon at saloobin sa paraan ng pamamahala sa bansa.
Paliwanag ng CHR, ang SONA ay isa ring pagkakataon para sa taumbayan upang ipahayag ang kanilang mga saloobin sa tunay na kalagayan ng bayan na bahagi ng karapatan ng bawat isa sa isang demokratikong bansa.
“As an important national event, SONA serves as an opportunity for many groups and individuals to express their views, stances, and grievances on important national issues. This reflects active participation in national affairs, which is vital for a thriving democracy and an inclusive and accountable governance.” Dagdag pa ng CHR.
Sa bilang ng pamahalaan, aabot sa 22,000 uniformed personnel mula sa hanay ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang itatalaga sa kapaligaran ng Batasang Pambansa Complex upang pangasiwaan ang seguridad sa SONA.