Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 188 total views

Homiliya para sa Huwebes sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 20 Hulyo 2023, Mt 11:28-30

Isang palaisipan ang sagot ng Diyos kay Moises nang tanungin Siya nito: “Ano po ba ang pangalan ninyo kung sakaling tanungin nila ako?” Wika daw ng Diyos: “Ako ang Diyos na LAGING NGAYON.” Ito ang translation ko sa I AM WHO AM.

Magandang palaisipan ito para sa atin, tayong mga nabubuhay sa lugar at panahon. Ang sandaling ito ngayon, mamaya lang ay lumipas na. At hangga’t tayo’y nasa ngayon pa, wala tayong katiyakan sa puwedeng mangyari bukas. Kahapon, ngayon, at bukas—ito ang tatlong panahon na lagi nating kailangang harapin hangga’t nabubuhay tayo dito sa mundo.

Katulad ng nabanggit ko sa homily ko kahapon, si Moises ay napadpad sa Midian dahil meron siyang tinatakasan na nakaraan. Kahit malinaw sa kanya na lumaki siya sa palasyo bilang prinsipe ng Egipto, ramdam niya ang koneksyon niya sa mga aliping Hebreo. Bahagi kasi sila ng kanyang nakaraan na ngayon ay ibig niyang takasan dahil hindi niya mabata na makita ang kanilang pagdurusa. Pero kahit mangarap siya ng kakaibang bukas sa kanila, parang lalo lang siyang nabibigatan, parang wala naman siyang magagawa para sa kanila.

Pwede nating iugnay ito sa sinabi ni Hesus sa ebanghelyo—sa paanyaya niya sa mga napapagod at nabibigatan, na bibigyan sila ng kaginhawaan. Dalawang bagay lang naman talaga ang pwedeng magpabigat sa ating mga buhay: mga bagay na nangyari sa nakaraan, at mga pinapangarap natin para sa hinaharap.

Totoo naman di ba, na minsan, may mga bagay na kahit nangyari na, kahit tapos na, ay parang hindi natin malimot-limutan. Bitbit pa rin natin o karga-karga na parang mabigat na pasanin—tulad ng mga pagkakamali, kapalpakan, at kabiguan sa nakaraan. Pati mga trauma o masasakit na karanasan, kahit tapos na, minsan parang sariwa pa rin, parang sugat na nagnanaknak, lalo na kapag hindi tayo makausad o makapagpatawad. Kapag ang galit ay natanim at naging mga hinanakit—parang kinakaladkad natin sa kasalukuyan ang nakaraan. Sa di natin namamalayan, hinahayaan natin na sirain nito ang ating kasalukuyan at hubugin nito ang hinaharap.

Pero bukod sa kahapon, pwede ring pabigatin ng bukas ang ating buhay. Kapag pinangunahan tayo ng takot at pangamba sa pwedeng mangyari, kapag parang wala tayong makitang liwanag sa darating na bukas dahil naghihinagpis na tayo o nawawalan ng pag-asa dahil sa sitwasyon natin sa kasalukuyan. May mga taong kung minsan gustong matulog at ayaw nang gumising, lalo na pag sirang-sira na ang loob ng tao.

“Matuto kayo sa akin”, sabi ng Panginoon. Ano ang dapat nating pag-aralan sa kanya? Ang pagiging “maamo at mababang-loob”. Ibig sabihin handang humarap sa kahit na anong pwedeng mangyari sa buhay nang may tiwala—na hindi man natin lubos na alam ang nangyayari, ito’y alam ng Diyos, at tayo’y nasa kamay niya, wala tayong dapat ikabahala o ipangamba.

“Dalhin ninyo ang aking pamatok”. Hindi ba parang kabalintunaan ito? Gusto niyang pagaanin ang ating mga karga sa buhay pero may pinabubuhat naman siya sa atin: ang kanyang pamatok. Ang simbolo natin sa pamatok ni Kristo ay ang krus, ang sagisag ng Pag-ibig na walang kundisyon at laging handang magsakripisyo—ito ang tanging makapagbibigay ng kahulugan at makapagpapagaan sa anumang ating kailangang danasin at pagdaanan sa buhay.

Ang yumaong dating UN Secretary General na si Dag Hammaskjöld ay ganito rin daw ang prinsipyong sinunod sa buhay:

“Sa lahat ng nakalipas na, pasasalamat; sa mga bagay na darating pa, Siya nawa. Nawa’y ang buhay ko ngayon ay maging isang tuluyang pag-oo, isang palagiang pagtalima sa iyong dakilang kalooban.”

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 37,167 total views

 37,167 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 48,242 total views

 48,242 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 54,575 total views

 54,575 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 59,189 total views

 59,189 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 60,750 total views

 60,750 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 6,133 total views

 6,133 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 8,263 total views

 8,263 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 8,262 total views

 8,262 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 8,264 total views

 8,264 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 8,260 total views

 8,260 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 9,131 total views

 9,131 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 11,333 total views

 11,333 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 11,366 total views

 11,366 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 12,720 total views

 12,720 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 13,817 total views

 13,817 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 18,026 total views

 18,026 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 13,745 total views

 13,745 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 15,114 total views

 15,114 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 15,375 total views

 15,375 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 24,068 total views

 24,068 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top