2,677 total views
Ikinadismaya ng Caritas Philippines ang kakulangan ng pamahalaan na tugunan ang suliranin ng kahirapan sa bansa.
Ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – Pangulo ng Caritas Philippines, nanatiling mahirap ang maraming Pilipino sa kabila ng inulat ng Pangulong Ferdinand Marcos sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address na lumalago ang ekonomiya ng bansa.
“The economic crisis and challenges exacerbated by the pandemic have only made things worse. While there has been economic growth, it is important to remember that the country’s economy plunged during the pandemic and we are still lagging behind our neighbors,” ayon sa mensahe ni Bishop Bagaforo.
Iginiit naman ni Marbel Bishop Allan Casicas – Corporate Secretary ng Social Arm ng Catholic Bishop Conference, sa kabila din ng isang taong pamumuno ng Pangulo ay nananatili parin ang korapsyon sa hanay ng mga opisyal ng pamahalaan.
Apela ni Bishop Casicas ang pagpapatibay ng pamahalaan sa mga hakbang na makakatulong sa pagsugpo sa katiwalian.
“The full adoption of the Integrated Financial Management Information System (IFMIS) in government agencies is a welcome initiative that has the potential to improve transparency and accountability in government spending. However, it is important for citizens to remain vigilant and monitor the implementation of the EO to ensure that it is implemented effectively and that public funds are used efficiently and transparently,” ayon naman sa mensahe ni Bishop Casicas.
Sa 2022 data ng Social Weathers Station, 32% ng mga mamamayan sa Metro Manila ang nagsasabi na sila ay mahirap, 49% naman sa Luzon, 58% sa Visayas at 59% naman sa Mindanao.