183 total views
Alalahanin ang ibang mas higit na nangangailangan ngayong kapaskuhan.
Ito ang naging pahayag ni dating CBCP president at Lingayen Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz lalo’t mas nangingibabaw ngayong Pasko ang pagsasagawa ng mga gift giving sa mga bahay ampunan at iba pang mga charity houses sa bansa.
Ayon kay Archbishop Cruz dapat ipagdiwang ang “Christmas altruism” o ang kapaskuhan ay panahon upang maipadama ang presensya ni Hesus sa mga mahihirap at kapwa nating nangangailangan na dapat iwaksi ang “egoism” o paskong makasarili.
Iginiit pa ni Archbishop Cruz na ang kapaskuhan ay pagkakataong tumanggap at magbahagi rin ng natanggap na biyaya.
“Isang magandang pagkakataon ito higit sa lahat yung mga nakaka – angat sa buhay na sobra ang kanilang pera at ang kanilang bulsa sabihin natin sana kahit papaano kundi ay magkaroon ng ‘Christmas altruism,’ ang tawag dun. Pagkat panahon nga ng pasko, altruism iyong iba naman ang alalahanin mo hindi egoism kundi altruism,” bahagi ng pahayag ni Archbishop sa panayam ng Radyo Veritas.
Samantala, ang Pilipinas bilang ika – apat sa buong mundo na may pinakamaraming Kristiyano sa nalalapit na taong 2050 kung saan batay sa ulat ng Pew Research Center 80 porsyento ng populasyon ay mga Katoliko sa mahigit 100 milyong Pilipino ang nagdiriwang ng Kapaskuhan.
Nauna na ring pinaalalahanan ni Diocese of Cubao Bishop Honesto Ongtioco at Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos ang mga mananampalataya na panatilihin ngayong kapaskuhan ang family at gospel values.
Read:
http://www.veritas846.ph/pasko-simbolo-ng-pagdamay-sa-kapwa-cardinal-tagle/
http://www.veritas846.ph/family-gospel-values-panatilihin-sa-kabila-ng-kaunlaran/
http://www.veritas846.ph/spend-time-church-ngayong-pasko/