183 total views
Lalo pang palalawakin ng Diocese of Cubao ang media apostolate sa pagpapahayag ng new evangelization o mabuting salita ng Panginoon.
Ayon kay Hello Father 911 Diocese of Cubao edition anchor Rev. Fr. Steve Zaballa na siya ring media director ng naturang diocese, layunin ng kanilang bagong studio C na tugunan ang pangangailangan ng mga mananampalataya na nakatutok sa social media.
Ipinagdarasal ni Fr. Zaballa na kanilang mas mapatatag at mapalawak pa ang ebanghelisasyon o pagpapahayag ng mabuting balita gamit ang makabagong teknolohiya na naglalayong mapalapit ang mga mga mananampalataya sa Simbahang Katolika.
“Yung purpose ng studio, ito’y isang audio and video production ng Diyosesis ng Cubao ay galing sa interes ng ating Obispo Honesto Ongtioco na pinaka – base dito na very proudly na sinabi niya kanina ay ito’y para sa interes ng evangelization. Ito’y sa purpose na sabihin muli ang istorya ng ating Panginoong Hesukristo at ang kanyang mensahe. Ang papel ng diyosesis ay ganun din na ipagpatuloy ang mga kuwentong sinabi ni Hesus ang mercy at ang kanyang kaharian,” bahagi ng pahayag ni Fr. Zaballa sa panayam ng Veritas Patrol.
Nabatid mula sa ulat ng Snapshots Global Statistical Indicators na ngayong taong 2016 tinatayang mahigit sa 3 bilyon ang populasyon ng mga internet users o halos kalahati na ng 7.3 bilyong populasyon ng mundo at patuloy pa silang nadaragdagan ng 17 porsyento kada taon.
Nakasaad naman sa Intermerifica o ang Decree on the means of Social Communication na kailangang makiayon ang Simbahan lalo na sa paggamit ng makabagong teknolohiya sa pagpapahayag ng Mabuting Balita ng Panginoon.