Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

2024 proposed budget, isinumite na sa Kamara

SHARE THE TRUTH

 3,422 total views

Inaasahang makatutugon ang panukalang P5.768-trillion 2024 national budget sa pagpapataas sa produksyon ng agricultural products tulad ng bigas at mais.

Ayon pa kay Speaker Martin Romualdez, makakatulong din ito na mapababa gastusin sa transportasyon.

“The national budget will provide increased allocations for the Department of Agriculture’s banner programs to boost the production of prime commodities such as rice, corn and high-value crops, and fisheries among others. Higher investments will also be provided for the construction of more fish ports and farm-to-market roads all over the country,” sabi ni Speaker Romualdez.
Aabot sa P181.4 B ang inilaan sa 2024 proposed budget mula sa dating P173.6 B noong 2023.

Habang tumaas naman ng 100 porsiyento ang inilaang pondo ng DBM para sa susunod na taon na nagkakahalaga ng P214.3 B mula sa dating P106 B.

Dagdag pa ni Romualdez na palalakasin din ng Build Better More Program ang mataas na investment sa imprastraktura para mapababa ang ng gastos sa transportasyon at logistics.

Kasama rin ayon kay Romualdez sa panukalang pambansang pondo ang alokasyon para sa programa ng mga lokal na pamahalaan sa agrikultura, fisheries, digitalization at infrasctructure development
Tema ng pambansang pondo ng Marcos Jr. administraton sa susunod na taon ay “Agenda for Prosperity: Securing a Future-Proof and Sustainable Economy.”

Nananatili pa ring prayoridad ng pamahalaan ang sektor ng edukasyon ayon sa Saligang Batas kung saan 16 porsyento ng kabuuang pambansang pondo ang inilaan o katumbas ng 3.3 percent na pagtaas sa alokayson.

Bunsod ito ng dagdag pondo para sa Basic Education Facilities Program, School-Based Feeding Program, instructional materials, at iba pang learning resources.”

“The health sector will have ample budget support for programs that provide accessible and inclusive public health services. Specifically, a higher allocation will be provided for the National Health Insurance Program, which aims to subsidize the health premiums of the vulnerable sector pursuant to the Universal Health Care Law,” diin ng House Speaker.

Nakapaloob din sa pondo para sa susunod na taon ang mas malaking budget para sa social protection gaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, pensyon para sa indigent senior citizens at supplementary feeding o pamamagahi ng hot meals sa may dalawang milyong mahihirap na kabataan.

Popondohan din ng gobyerno ang renewable energy projects para punan ang 35-percent ng power mix pagsapit ng 2030, ay mapailawan ang laht ng barangays pagsapit ng 2028.

Kasama rin sa pinaglaanan ng budget ang mga bagong banner program ng pamahalaan gaya ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program at Philippine Food Strategic Transfer and Alternative Measures Program maliban pa sa climate change programs at pagkamit ng bureaucratic efficiency at mas maayos na fiscal management

Bahagi rin sa national budget ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at Marawi Siege Victims Compensation Program para tulungan ang mga residenteng biktima ng Marawi siege noong 2017.

Nagpapasalamat naman ang liderato ng kamara sa kagya’t na pagsusumite ng DBM sa pangunguna ni Budget Secretary Amenah Pangandaman sa national expenditure na magbibigay ng sapat na panahon para sa kamara na masusing pag-aralan ang proposed budget at mapagtibay ng kapulungan sa Oktukbre.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 16,830 total views

 16,830 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 31,486 total views

 31,486 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 41,601 total views

 41,601 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 51,178 total views

 51,178 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 71,167 total views

 71,167 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Marian Pulgo

Makaraan ang 14-taong pagkakulong sa Indonesia: Veloso, makakauwi na ng Pilipinas

 589 total views

 589 total views Matapos ang mahigit sa isang dekadang pakikipag-usap at apela sa Indonesian government ay makakauwi na ng Pilipinas si Mary Jane Veloso, ang Filipina Overseas Filipino Worker na naaresto nuong 2010 sa Indonesia at nahatulan ng parusang kamatayan. Ito ang inanunsiyo sa inilabas na pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sinabi ng Pangulo

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Katarungan, hangad ng mga naulila ng EJK

 2,252 total views

 2,252 total views Umaasa ang mga naulilang biktima ng extra judicial killings na makakamit ang katarungan at mapapanagot ang mga nagkasala sa ipinatupad na marahas na drug war ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ginaganap na pagdinig ng Quad Committee ng Mababang Kapulungan. Ito ang panalangin ng mga naulila sa ginanap na Misa para sa

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Simbahan, nakahandang makipagdayalogo sa mga kandidato

 2,377 total views

 2,377 total views Kaugnay sa nalalapit na halalan sa susunod na taon, tiniyak ng simbahan ang kahandaan na makipagdayalogo sa mga kandidato, at sa nais na humingi ng panalangin. Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, kinakailangan ng sambayanan sa kasalukuyan ang mga pinunong may malakasakit, magtataguyod ng tunay at tapat na pamamahala na siyang pinaninindigan ng

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Pagkumpiska ng ilegal na nabiling ari-arian ng mga dayuhan, isinulong sa Kamara

 4,040 total views

 4,040 total views Inihain sa Mababang Kapulungan ang panukalang batas na magbibigay kapangyarihan sa gobyerno na bawiin o kumpiskahin ang mga ari-arian na ilegal na nabili ng mga dayuhan, lalo na ang kaugnay sa mga illegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs). Ang House Bill (HB) No. 11043, na kilala rin bilang “Civil Forfeiture Act,” ay

Read More »
Disaster News
Marian Pulgo

Batasang Pambansa, nagbigay pugay sa mga nasawi sa bagyong Kristine

 5,133 total views

 5,133 total views Magnilay, manalangin at magbigay pugay sa alaalang iniwan ng mga nasawi dulot ng Bagyong Kristine. Ito ang paghihimok ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa sambayanang Filipino kasabay na rin proklamasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagtatakda ng November 4 bilang National Day of Mourning. Sa nagdaang kalamidad, umaabot sa higit isang daan

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Duterte, hindi maikailang ipinag-utos ang pagpatay sa mga sangkot sa kalakalan ng droga

 6,230 total views

 6,230 total views Hindi maikakaila na may ipinag-utos ang dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis na paslangin ang sinumang may kinalaman sa ilegal na kalakalan ng droga. Ito ang naging reaksyon ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Permanent Committee on Public Affairs sa mga pahayag ni Duterte

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Caritas Manila, ikakasa ang 2nd-round na tulong sa mga nasalanta ng bagyong Kristine

 5,702 total views

 5,702 total views Naghahanda na ang Caritas Manila sa second-round ng pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhan ng bayong Kristine. Ito ang inihayag ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila kasabay ng isinasagawang Typhoon Kristine Telethon ng Caritas Manila at Radio Veritas. Unang nagbahagi ng kabuuang 1.2 milyong piso cash ang social arm

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila Damayan telethon for typhoon Kristine, isasagawa ng Radio Veritas

 9,318 total views

 9,318 total views Bunsod ng malawak na pinsala na iniwan ng bagyong Kristine, inaanyayahan ang mga Kapanalig ng Radio Veritas at Caritas Manila na makibahagi sa isasagawang telethon sa Lunes, Oktubre 28, 2024. Gaganapin ang Caritas Manila Damayan Typhoon Kristine Telethon sa Kapanalig na himpilan ng Radyo Veritas simula, ika-pito ng umaga hanggang sa ikaanim ng

Read More »
Disaster News
Marian Pulgo

Archdiocese of Manila, magsasagawa ng second collection para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine

 5,880 total views

 5,880 total views Ipinag-utos ng Arkidiyosesis ng Maynila ang pagsasagawa ng second collection sa lahat ng misa sa Sabado, October 26, at Linggo, October 27, bilang tugon sa pangangailangan ng mga biktima ng Bagyong Kristine, kung saan matinding napinsala ang Bicol Region at Quezon Province. Sa Circular No. 2024-75 na inilabas ni Manila Archbishop Jose Cardinal.

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Igalang ang labi ng mga yumao

 6,982 total views

 6,982 total views Mahalaga ang pagpapakita ng respeto at paggalang sa mga labi ng yumao, alinsunod sa mga turo ng simbahan. Ito ang mensahe ni Fr. Joel Saballa ng Diocese of Novaliches bilang reaksyon sa kontrobersyal na pahayag ni Vice President Sara Duterte na huhukayin niya ang labi ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. kung magpapatuloy

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Imbestigasyon ng Senado sa EJK’s, hindi naakma

 7,505 total views

 7,505 total views Walang anumang batas na nagbabawal sa senado na magsagawa ng parallel investigation sa iniimbestigahan ng Mababang Kapulungan kaugnay sa extrajudicial killings na iniuugnay sa kampanya kontra droga ng nakalipas na administrasyong Duterte. Ito ang sinabi ni House Committee on Dangerous Drugs chairman Rep. Robert Ace Barbers-na siya ring lead chair ng Quad Committee-

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Total clean-up sa PNP, panawagan ng Obispo

 8,217 total views

 8,217 total views Pinaalalahanan ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio ang mga kabataan na ang pagiging alagad ng batas ay hindi lamang isang uri ng trabaho kundi isang bokasyon. Ito ang mensahe ng Obispo sa pagkakasangkot ng ilang mga uniformed personnel, lalo na ang mga opisyal ng Philippine National Police sa isyu

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Dalawang panukalang batas, inihain sa Kamara: EJK bilang karumal-dumal na krimen, pagbabawal ng offshore gaming

 9,590 total views

 9,590 total views Dalawang panukalang batas na bunga ng isinagawang pagdinig ng Quad Committee ang isinumite sa Mababang Kapulungan, ang tuluyang pagbabawal sa POGO at pagkilala sa extra judicial killing (EJK) bilang isang karumal-dumal na krimen. Anti-Offshore Gaming Operations Act Ang Anti-Offshore Gaming Operations Act ay naglalayong ipagbawal ang lahat ng uri ng offshore gaming sa

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Parusa sa mga sangkot sa pekeng war on drugs, hiling ng mga Pari

 14,414 total views

 14,414 total views Pangunahing paksa ng ika-walong pagdinig ng Quad Committee ng Kamara ang isyu ng extra judicial killings (EJK), na iniuugnay sa war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Bago ang pagdinig, isang misa ang idinaos sa House of Representatives People’s Center na pinangunahan nina Fr. Joel Saballa-ng Caritas Novaliches, Fr. Noel

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Philippine Navy, hindi natatakot sa pagdami ng Chinese vessels sa WPS

 10,071 total views

 10,071 total views Tiniyak ng Philippine Navy ang patuloy na pagpapatrolya sa mga isla sa West Philippine Sea, sa kabila ng patuloy na banta at pananakot ng China. Ito ayon sa panayam ng programang Veritas Pilipinas kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, tagapagsalita ng Philippine Navy on West Philippine Sea, kaugnay sa patuloy na pagdami ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top