Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 644 total views

Feast of the Transfiguration of the Lord
St. John Baptiste Marie Vianney Sunday
Dan 7:9-10.13-14 2 Pt 1:16-19 Mt 7:1-9

May mga karanasan tayo na nakatatak sa ating alaala na hindi natin nakakalimutan. Nababalik-balikan natin ito at nagpapatibay ito ng loob sa atin. Para sa iba iyan ay ang kanilang graduation, o parangal na ibinigay sa kanila sa school o sa trabaho nila. Si Pedro din ay may mga ganyang karanasan kay Jesus. Isa na rito ay ang pagbabagong anyo niya sa bundok na may salita na nanggaling sa alapaap na nagsasabi: “Ito ang pinakamamahal kong anak; siya ay lubos kong kinalulugdan.” Ito ay isang malalim na religious experience para kay Pedro. Naalaala ito ni Pedro noong sumulat siya sa mga kristiyano. Dinidiin niya na ang mga sinusulat niya tungkol kay Jesus ay hindi alamat na kathang isip lang ng mga tao. Talagang naranasan niya ang kaluwalhatin ni Jesus at ang patotoo sa kanya ng Diyos Ama.

Ano ba ang nangyari noon? Iyon ay ang pagbabagong anyo ni Jesus sa bundok ng Tabor. Nagningning siya at ang kanyang kasuotan. Nasaksihan ni Pedro, ni Santiago at ni Juan ang napakagandang pangyayaring ito na ayaw nilang umalis doon. Gagawa na lang sila ng tatlong tolda para manatili sila doon. At nakita nilang nakikipag-usap si Jesus kay Moises at kay propeta Elias. Si Moises ay nabuhay nang higit na isang libo at dalawang daang taon bago dumating si Jesus at si Elias naman ay higit na walong daang taon bago dumating si Jesus. Ano ang pinag-uusapan nila? Ang tungkol sa mangyayari kay Jesus pagpunta niya sa Jerusalem.

Nagsasalita na noon si Jesus na dadakpin siya, papasakitan at papatayin sa Jerusalem. Mahirap itong tanggapin ng mga alagad niya. In the first place, sumunod sila kay Jesus kasi magaling siyang magsalita at makapangyarihan siya. Gumagawa siya ng mga pagpapagaling sa maraming tao. Nasaksihan nila ang kanyang mga milagro. Nagsasalita si Jesus tungkol sa pagdating ng paghahari ng Diyos. Kaya umaasa sila na darating na ang maluwalhati at matagumpay na paghahari ng Diyos. Wala sa kanilang pakiwari ang kahirapan at kamatayan. Kaya sila ay naguguluhan, nalulungkot at maaaring natatakot na sinasabi ni Jesus sa pahihirapan siya at papatayin sa Jerusalem.

Nagbagong anyo si Jesus. Siya ay nagpakitang maluwalhati at dakila, tulad ng Anak ng Tao sa pangitain ni Daniel sa ating unang pagbasa na binigyan ng May Kapangyarihan na nakaupo sa trono na maghahari siya sa lahat. Iyan ang anak ng tao na larawan nila kay Jesus, hindi ang anak ng tao na sugatan at hinahamak-hamak. Si Moises ay kumakatawan sa Mga Batas ng Israel at si Elias naman sa mga Propeta. Ang mga Batas at ang mga propeta ang kinakapitan ng mga Israelita na gagabay sa kanila sa kanilang kasaysayan. Sa pag-uusap ni Jesus kay Moises at kay Elias tungkol sa mangyayari sa kanya sa Jerusalem, pinapakita niya sa mga alagad na naaayon sa plano ng Diyos ang mangyayari doon sa Jerusalem. Ang paghihirap at kamatayan ni Jesus ay naaayon sa plano ng Diyos, kaya huwag silang mag-alinlangan na sumunod sa kanya. Hindi sila nagkamali na sumunod sa kanya. Mapapasakanila ang kanyang tagumpay. Magtatagumpay siya. Magiging maluwalhati din sila pero dadaan muna sila sa krus at sa kamatayan. Pinatotohanan din ng salita mula sa ulap na galing sa langit na totoong si Jesus ay galing sa Diyos Ama. Sumunod lang sila sa kanya. Makinig sila sa kanya.

Ang pagbabagong anyo ni Jesus ay assurance na binibigay ni Jesus sa mga alagad niya, at sa atin, na huwag sila at huwag tayong matakot sa kahirapan at kamatayan. Hindi ito ang hantungan natin. Ang hantungan natin ay kaluwalhatian. Makikiisa tayo sa pagbabagong anyo ni Jesus, pero makiisa din tayo sa kanyang pag-aalay ng sarili. Sabi nga ni San Pablo, makikiisa tayo sa kanyang muling pagkabuhay kung nakikiisa din tayo sa kanyang kamatayan.

Ang pakikiisang ito ay nagsimula na sa ating binyag. Binuhusan o nilublob tayo sa tubig. Namatay tayo sa kasalanan. Nilagyan tayo ng puting damit. Ito ay tanda ng bagong buhay na napapasaatin. Bilang binyagan iyan nga ang buhay natin – makiisa sa kamatayan sa kasamaan. Huwag tayo magpadala sa masasamang hilig. Tanggihan natin ang pagmamalabis. Hindi ito madali. Kailangan nating tanggihan ang ating sariling gusto. Pero huwag tayong matakot na gawin ito. Ang kamatayang ito sa ating sarili ay magdadala ng tagumpay at kaluwalahatian. Ito ay ayon sa plano ng Diyos na makikita natin sa buong kasulatan, mula pa sa mga Batas ni Moises hanggang sa pahayag ng mga propeta hanggang sa mga aral at halimbawa ni Jesus.

Kailangan natin ang ganitong assurance sa buhay natin kasi madali tayong malinlang ng mga paanyaya ng kasamaan. Madaling tayong madala ng mga boses ng mga pangako ng biglang biyaya na hindi na tayo dadaan sa paghihirap at pagsisikap. Naalaala ninyo noong nakaraang election ang mga pangako na bibigyan daw tayo ng pera mula sa kayamanan ng mga Marcos? Ilan kaya ang nadala sa ganoong pangako? Naalaala ninyo na magiging bente pesos na lang daw ang halaga ng isang kilong bigas? Nangyari ba? Marami ang mga panloloko ng madaliang kasaganaan. Ngayon dito sa Palawan may nagsasabi na sumali daw sa digital card para yumaman, na hindi na raw kakailanganin ang pera kasi hindi na gagamit ng perang papel. Digital na lang daw ang lahat. Nakakatuwa ang mga panlolokong ito. Hindi kapani-paniwala, pero ang nakakalungkot, may mga taong naniniwala at nagpapadala sa mga sabi-sabing biglang yaman at biglang biyaya. Mga kapatid, ang katotohanan ng buhay ay “no pain, no gain.” Kailangan munang maghasik upang makaani. Kailangang mamatay upang magkaroon ng bagong buhay. Oo, buhay, kaningningan, kaluwalhatian ang daratnan natin, pero dumaan muna tayo sa Kalbaryo ng kahirapan kasama ni Jesus.

Si San Juan Bautista Maria Vianney ay ang patron ng mga kura paroko. Ang kanyang kapistahan ay sa August 4. Ang pinakamalapit na linggo sa August 4 ay ang St. John Baptiste Marie Vianney Sunday. Iyan ay ngayong Linggo ngayong taon. Kaya sa araw na ito, alalahanin natin ang mga kura paroko natin, ang mga paring naglilingkod sa atin sa ating mga parokya. Sila ang nagbinyag sa atin, ang nagpapakumpisal sa atin, ang nagmimisa sa atin linggo-linggo, ang nagkasal sa atin. Sila ang dumadalaw sa atin kapag tayo ay may sakit. Sila din ang maglilibing sa atin. Magpasalamat tayo sa kanila at ipagdasal natin na maging tapat sila sa kanilang gawain at bigyan silang ng lakas, karunungan at kalusugan. May second collection din tayo bilang tulong sa patuloy na paghuhubog ng mga kaparian natin. Kailangan silang mag-retreat, dumalo ng mga seminars, magkaroon ng pagpupulong at patuloy na pag-aaral. Kung magkasakit, kailangan din silang ipagamot. Suportahan natin ang mga paring naglilingkod sa atin.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 25,651 total views

 25,651 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 40,307 total views

 40,307 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 50,422 total views

 50,422 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 59,999 total views

 59,999 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 79,988 total views

 79,988 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily November 3, 2024

 5,363 total views

 5,363 total views 31st Sunday of Ordinary Time Cycle B Dt 6:2-6 Heb 7:23-28 Mk 12:28-34 Ang lumapit kay Jesus ay isang eskriba. Ang eskriba ay ang mag-aaral sa mga kasulatan ng mga batas sa Israel. Trabaho nila ang kumopya ng manuscripts upang ipalaganap ang batas ni Moises. Wala namang printing press noon. Ang lahat ay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 27, 2024

 6,460 total views

 6,460 total views 30th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prison Awareness Sunday Jer 31:7-9 Heb 5:1-6 Mk 10:46-52 “Humayo ka. Magaling ka na dahil sa iyong pananalig.” Ito ang sinabi ni Jesus kay Bartimeo, isa bulag na namamalimos lang sa tabi ng daan. Nagbago ang buhay niya dahil sa kanyang pananalig. Marami ang nagagawa ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 20, 2024

 12,065 total views

 12,065 total views 29th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Mission Sunday Is 53:10-11 Heb 4:14-16 Mk 10:35-45 Sino ba sa atin dito ang ayaw maging dakila? Hindi ba gusto naman natin na maging dakila? Hindi naman masama ito. Dapat naman magkaroon tayo ng pangarap sa buhay. Kung wala tayong pangarap, maging papataypatay na lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 13, 2024

 9,535 total views

 9,535 total views 28th Sunday in Ordinary Time Cycle B Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Wis 7:7-11 Heb 4, 12-13 Mk 10:17-30 Nakakahanga ang binatang lalaki sa ating ebanghelyo. Patakbo siyang lumapit kay Jesus. Masigla siyang nagtanong kay Jesus. Lumuhod pa siya sa harapan ng Panginoon. Ang kanyang tinanong ay hindi ordinaryong kahilingan. “Ano ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily October 6, 2024

 11,583 total views

 11,583 total views Homily October 6, 2024 27th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 2:18-24 Heb 2:9-11 Mk 10:2-16 Naniniwala ba kayo na alam ng Diyos ang ginagawa niya? Siyempre, Diyos yata siya. Naniniwala ba kayo na mabuti sa lahat ang ginagawa ng Diyos? Siyempre, Diyos yata siya at mabait siya. Hindi naman siya gumagawa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 29, 2024

 12,911 total views

 12,911 total views 26th Sunday in Ordinary Time Cycle B National Seafarers’ Sunday Migrants Sunday Num 11:25-29 James 5:1-6 Mk 9:38-43.45.47-48 Isa sa katangian ng ating mundo ngayon ay GLOBALIZATION. Nararanasan natin na iisang mundo na lang tayo. Madali ang contact natin sa ibang bansa, sa ibang lahi, sa ibang kultura at sa ibang mga produkto

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 22, 2024

 17,157 total views

 17,157 total views 25th Sunday in Ordinary Time Cycle B Wis 2:12.17-20 James 3:16-4:3 Mk 9:30-37 Si Jesus ay kilalang guro dahil sa nakikita ng marami na binibigyan niya ng panahon ang pagtuturo at nagsisikap naman siyang gumamit na iba’t-ibang paraan upang maintindihan ng mga tao ang tinuturo niya. Tinuturuan ni Jesus ang lahat ng mga

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 15, 2024

 17,585 total views

 17,585 total views 24th Sunday of Ordinary Time Cycle B National Catechetical Day Is 50:5-9 James 2:14-18 Mk 8:27-35 “Lumayo ka, Satanas! Ang iniisip mo ay hindi sa Diyos kundi sa tao.” Sino ang sinabihan nito ni Jesus? Si Pedro! Ang ibig sabihin ng salitang Satanas ay manunukso. Tinawag ni Jesus si Pedro na Satanas kasi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 18,645 total views

 18,645 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 19,955 total views

 19,955 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 22,684 total views

 22,684 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 23,870 total views

 23,870 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 25,350 total views

 25,350 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 27,760 total views

 27,760 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 31,036 total views

 31,036 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top