172 total views
Inihayag ng SSS o Social Security System na hinihintay na lamang nila ang joint resolution ng Dalawang Kapulungan ng Kongreso para sa pagpapasa ng P2,000 dagdag sa natatanggap ng SSS pensioners kada buwan.
Ayon kay Susie Bugante, VP for public affairs and special events ng SSS, sakaling maipasa na at makarating sa kanilang tanggapan ang abiso, agad nilang ibibigay ang paunang P1,000 ngayong Disyembre at karagdagang P1,000 sa 2017.
Nagpasalamat naman ang opisyal sa dalawang bugso ng pagbibigay ng dagdag pension dahil may oras pa silang maghanap ng pondo upang punan ang ikalawang bahagi.
“Yung ating Lower House, naaprubahan nila ang Resolution at sila ay maglalabas sila ng joint Resolution with the Senate so hindi siya batas kundi Resolution at hinihintay namin ito, at kapag maipasa na at makarataing sa SSS kami naman ay handang iimplement ito. Ang SSS ay handang magpatupad ng P1,000 initially at sa 2017 another P1,000 by severs years after, para mabigyan din ng pagkakataon ang SSS na makalikom ng sapat na halaga para maipatupad ang pangalawang bugso,” pahayag ni Bugante sa panayam ng Radyo Veritas.
Sa datos ng SSS, nasa 4 na milyon lamang mula 2010 hanggang 2015 ang naidagdag sa bilang ng mga miyembro nito.
Nauna na ring binigyang pagpapahalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mga matatanda sa lipunan sapagkat sila ang kayamanan ng kasaysayan.
http://www.veritas846.ph/pagsasabatas-sa-2-libong-dagdag-na-sss-pension-madaliin/