2,293 total views
Magsilbing inspirasyon sa kapwa kabataan sa pagpapalaganap ng kabutihan at habag ng Panginoon sa sanlibutan.
Ito ang panghihimok ni University of Santo Tomas – Assistant Proffessor Maria Cecilia Tio Cuison – Director for the Office of Student Affairs sa mga magsisimulang first year college student sa pagsisimula ng School Year 2023-2024 sa unibersidad sa August 09.
Ayon kay Cuison, mahalaga din ang pagsasabuhay ng pagtutulungan ng mga estudyante sa kanilang bagong yugto ng pag-aaral sa kolehiyo.
Ito ay upang mahubog ang bawat isa bilang huwaran at mabuting mamamayan sa kanilang pagtanda.
“So we both shall journey together in your way by which you will learn, learn about life, learn about the world, learn about so many things,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Cuison.
Mahalaga din ayon pa sa opisyal ng UST ang pakikinig ng mga mag-aaral sa mga Guro, Opisyal at kawani ng unibersidad upang higit na matuto at maging handa sa kanilang mga pipiliing landas sa buhay.
Ang mensahe rin ay para sa mga dumalong first year college student sa opisyal na “Roarientation” kung saan pagkatapos ng Misa ay idinaos ang Thomasion Walk na tradisyunal na pagdaan ng mga first year college student sa Arc of the Century ng UST bilang tanda sa pagsisimula ng kanilang pagiging opisyal na Tomasino.
“This is our way warmly welcoming all of you our dear freshies, now you have seen how we welcome you with so much love likewise also this is the Thomasian by which we welcome you as you now enter the portals of university,” ayon naman sa mensahe ni Cuison para sa idinaos na Roarientation
Sa datos ng UST, aabot sa 42-libong ang kabuoan ng mga mag-aaral na magsisimula sa unang araw ng pasukan, 12-libo sa bilang ang mga first year college students.
Sa datos naman ng Department of Education para sa opisyal na pagsisimula ng bagong taon ng pag-aaral sa August 29 sa lahat ng paaralan sa buong bansa.