Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Samahan ang kabataan sa kanilang paglalakbay

SHARE THE TRUTH

 566 total views

Mga Kapanalig, matapos ipagpaliban noong 2022 dahil sa pandemya, ibinalik ngayong taon ang World Youth Day. Ginanap ito sa lungsod ng Lisbon sa bansang Portugal mula August 1 at natapos nitong Linggo, August 6. Hindi bababa sa 1,500 na Pilipino ang dumalo sa pagtitipong ito ng mga kabataan at ng Santo Papa. Kabilang sila sa mahigit 300,000 na youth pilgrims mula sa iba’t ibang bansa.  

Ang tema ng World Youth Day para sa taóng ito ay hango sa Lucas 1:39 kung saan matutunghayan natin si Maria na nagmadaling maglakbay patungo sa Juda upang bisitahin si Elizabeth. Ito ay matapos niyang malamang siya ang magiging ina ni Hesus. Sa Ingles, “Mary arose and went with haste.” Ayon kay Pope Francis, ang temang ito ay isang paanyaya sa kabataang maglakbay upang maglingkod at tumulong sa kanilang kapwa.

Mabigat na paanyaya ito para sa kabataang Pilipino, lalo na’t sa ating kultura, inaasahan silang suportahan ang kanilang pamilya—mula sa pag-aalaga sa tumatandang mga magulang hanggang sa pagtulong sa mga kapatid na nag-aaral. Mas mabigat ang responsabilidad ng kabataang mula sa mahirap na pamilya. Sila ang inaasahang mag-aahon sa kanilang pamilya mula sa kahirapan at magbibigay ng mas maginhawang buhay. Kaya naman, laging idinidikdik sa isipan ng mga batang mag-aral nang mabuti, magtapos ng pag-aaral, at maghanap ng magandang trabaho. May mga magulang na nais nilang tanggapin ng kanilang mga anak ang mga trabahong mas malaki ang suweldo, kahit pa kaakibat nito ang pangingibang-bansa. Tila mas matimbang ang layuning matulungan ng mga anak ang kanilang pamilya sa halip na makamit nila ang kanilang mga pangarap at ambisyon sa buhay. 

Kaya sa survey na ginawa noong 2021 ng Social Weather Stations (o SWS), hindi na katakatakang lumabas na ang pinakamahalagang hangarin o aspirations and life goals ng kabataang Pilipino ay ang matulungan ang kanilang mga magulang at mga kapatid. Nasa 72% ng mga respondents edad 15 hanggang 30 ang nagsabing ito ang kanilang prayoridad. Malayo ito sa iba pang mga life goals katulad ng makapagsarili (na nasa 36%), makapagtapos sa kolehiyo (na nasa 29%), at magkaroon ng sariling negosyo o makahulugang trabaho (na nasa 28% naman).

Tunay ngang napakalakas ng ating debosyon sa ating pamilya, at isa ito sa mga positibong katangiang lagi nating ipinagmamalaki. Ngunit may negatibo rin itong epekto sa ating kabataan, lalo na’t maaaring kaakibat ng pagmamahal na ito sa pamilya ang tila ba pagpapasa sa kanila ng bigat ng pagtataguyod ng kanilang mga magulang at nakababatang kapatid. Sa panahong nag-aaral sila hanggang sa nagsisimula sa trabahong kanilang napili—kung mayroon man silang makuhang trabaho—pasan-pasan na nila ang bigat ng responsabilidad sa buhay. Maraming pagkakataong nagiging hadlang ito sa kanilang kalayaan at nakaaapekto pa sa kanilang kalusugan.  

Masasabing ang pagsuporta sa pamilya ay katulad na rin ng paglilingkod sa kapwa, na siyang binibigyang-diin ng tema ng World Youth Day ngayong taon. Ngunit sa paglilingkod na ito—sa pagbibigay ng kabataan ng bahagi ng kanilang sarili sa iba—hindi sana nakalilimutang may mga pangarap din silang nais abutin, mga talentong dapat linangin, at dignidad na dapat pahalagahan. Si Pope Francis mismo na rin ang nagsabi sa Catholic social teaching na Amoris Laetitia na ang mga anak—ang kabataan—ay hindi pag-aari ng pamilya. Mayroon silang sariling buhay. Katulad ng pahiwatig sa Lucas 9:59-62 kung saan may paalala si Hesus sa mga nais sumunod sa Kanya, mayroon tayong bokasyong mas malaki pa sa ating pamilya.  

Mga Kapanalig, tayong mga nakatatanda ay inaanyayahang samahan ang kabataan sa kanilang paglalakbay, hindi ang maging hadlang sa kinabukasang naghihintay sa kanila.  

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 14,653 total views

 14,653 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 29,309 total views

 29,309 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 39,424 total views

 39,424 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 49,001 total views

 49,001 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 68,990 total views

 68,990 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 14,654 total views

 14,654 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 1,870 total views

 1,870 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 29,310 total views

 29,310 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 39,425 total views

 39,425 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 49,002 total views

 49,002 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 68,991 total views

 68,991 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 47,220 total views

 47,220 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 42,245 total views

 42,245 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 45,814 total views

 45,814 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 58,269 total views

 58,269 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 69,336 total views

 69,336 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 75,655 total views

 75,655 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 80,267 total views

 80,267 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 81,827 total views

 81,827 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 47,388 total views

 47,388 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top