3,467 total views
Tiniyak ng National Economic Development Authority (NEDA) ang patuloy na pagsusulong ng mga inisyatibong magbibigay ng trabaho at lilinang sa kakayahan ng mga manggagawa.
Ito’y matapos maitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) na umabot sa 48.84 million ang employment rate noong Hunyo 2023 na mas mataas kumpara sa 94-porsiyento o katumbas ng 46.59-employment rate noong Hunyo 2022.
Ipinangako ni National Economic Development Authority secretary Arsenio Balisacan ang paglikha ng mga training at skills upscaling program na tutulong sa mamamayan na magkaroon ng trabaho.
Kasabay ito ng pagkakaroon ng vocational education facilities na magpapataas sa kaalaman at kalidad ng serbisyo na maaring i-alok ng mga manggagawa sa kanilang employers.
“Modernizing training and vocational education facilities, as well as enhancing educational qualifications, competencies, and skills, are necessary to respond to the emergence of new demands for competencies and skills. These demands are a result of economic and technological transformations brought by emerging technologies in the market, such as artificial intelligence.” ayon sa mensahe ni Balisacan na ipinadala ng NEDA sa Radio Veritas.
Gayunman sa datos ng Philippine Statistic Authority (PSA), tumaas sa 4.5% ang inflation rate sa bansa noong Hunyo 2023 na katumbas ng 2.33-million ang unemployment kumpara sa 4.3% noong nakalipas na buwan ng Mayo na katumbas ng 2.17-milyong Pilipino ang walang trabaho.
Patuloy naman ang pakikiisa ng Manila Archdiocesan Ministry for Labor Concern sa pagpapalalim ng kaalaman ng mga manggagawa sa kanilang kakayahan at mga karapatan na dapat makamtam.
Isinakatuparan ito sa pamamagitan ng pagdaraos simula noong Hunyo 2023 hanggang Disyembre 2023 ng ‘Paralegal ng Simbahan, Manggagawa at Bayan’ o PASIMBA program na isinasagawa tuwing linggo sa Caritas Manila na nagtuturo ng catholic social teachings, labor laws at iba pang mahahalagang impormasyon na dapat matutunan ng mga manggagawa.