Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Itigil ang reklamasyon sa Manila Bay

SHARE THE TRUTH

 923 total views

Mga Kapanalig, kasama ba kayo sa mga naapektuhan ng matinding pagbaha nitong mga nakaraang linggo? Usap-usapan na naman ang mga itinuturong dahilan ng tila lumalalang pagbaha sa iba’t ibang lugar sa bansa. Dito sa Luzon, isang sanhi raw ng pagbaha ang land reclamation o pagtatambak ng lupa sa Manila Bay. 

Matapos ang ikalawang SONA ni Pangulong Marcos Jr. noong Hulyo, marami ang nadismaya sa hindi pagbanggit ng mga isyung pangkalikasan katulad ng reklamasyon sa Manila Bay. Matagal nang panawagan ng mga civil society organizations at mga siyentipiko ang pagtigil sa mga reclamation projects na nakapipinsala sa coastal ecosystems at hanapbuhay ng mga mangingisda. 

Nitong Agosto naman, nagpahayag ng pagkabahala ang US Embassy sa mga reclamation projects sa Manila Bay lalo na’t sangkot ang China Communications Construction Co. (o CCCC), isang kumpanyang blacklisted ng Amerika dahil sa papel nito sa pagtatayo ng mga artificial islands sa South China Sea. Markado rin ng World Bank at Asian Development Bank ang Chinese company na ito sa tiwaling business practices. Sinasabing ang CCCC, sa pamamagitan ng subsidiary company nito, ay may 318 ektaryang mixed-use development project na kasama diumano ang kumpanya ng negosyanteng si William Gatchalian na ama ni Senador Win Gatchalian. Gaya ng inaasahan, agad na dinipensahan ng senador ang proyekto at sinabing dumaan daw iyon sa tamang proseso.

Bilang tugon sa mga panawagan ng iba’t ibang grupo, kasalukuyang isinasagawa ng Department of Environment and Natural Resources (o DENR) ang cumulative impact assessment o pagsusuri sa pinagsama-samang epekto ng mga reclamation projects sa Manila Bay. Pahayag ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga, naproseso ang bawat proyekto nang walang pagsasaalang-alang sa kabuuan at pinagsama-samang epekto ng mga ito. 

At nitong nakaraang linggo, sinuspinde ni Pangulong Marcos Jr. ang lahat ng reclamation projects sa Manila Bay, maliban sa isang proyekto. Aniya, sumasailalim sa pagsusuri ang mga ito dahil sa nakitang mga problema sa pagsasagawa ng maraming proyekto. Nilinaw naman ng DENR na lahat ng 22 reclamation projects sa Manila Bay ang sinuspinde matapos manawagan ng transparency ang iba’t ibang grupo sa nasabing exempted na proyekto. Gaya ng sinabi ng grupong Kalikasan People’s Network for the Environment, ang ginawang paglilinaw na ito ng DENR ay isang halimbawa kung paano nagagawa ng kolektibong pagkilos ng mga concerned citizens na magsulong ng mga patakarang mangangalaga sa ating kapaligiran, sa ating common home. Sang-ayon din tayo sa pagsasagawa ng cumulative impact assessment ng DENR dahil ayon nga sa mga panlipunang turo ng Simbahan, hindi natin maaaring baguhin ang isang bahagi ng ecosystem nang hindi isinasaalang-alang ang epekto nito sa iba pang mga bahagi. Lahat ay magkakaugnay. 

Hindi natatapos sa suspensyon ng mga reclamation projects ang laban para sa pangangalaga sa kalikasan, kabuhayan ng mga mangingisda, at kapakanan ng ating mga komunidad. Batay sa mga pag-aaral at karanasan ng mga apektadong sektor, hindi sapat ang pansamantalang pagpapatigil sa mga land reclamation projects sa Manila Bay. Kailangang permanenteng itigil ang mapaminsalang reklamasyon. Kailangang isama rin sa pagsusuri ng gobyerno ang mga mamamayan, lalo na ang mga apektadong komunidad. Gawing prayoridad sana ng pamahalaan ang kapakanan ng kalikasan at mga komunidad, at huwag sanang manaig ang vested interest ng mga nasa poder at ang kikitain ng mga kumpanya. Gaya nga ng sinabi sa Levitico 25:23, hindi natin maipagbibili nang lubusan ang lupaino ang  baybayinsapagkat ito ay sa Diyos. 

Mga Kapanalig, patuloy nating ipaalala sa gobyerno ang obligasyon nitong paglingkuran ang publiko. Tanungin natin: para kanino nga ba ang mga sinasabing development projects katulad ng reklamasyon sa Manila Bay? Para kanino nga ba ang sinasabing pag-unlad na idudulot ng mga ito?  

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 32,859 total views

 32,859 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 47,936 total views

 47,936 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 53,907 total views

 53,907 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 58,090 total views

 58,090 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 67,371 total views

 67,371 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 32,860 total views

 32,860 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

KOOPERATIBA

 47,937 total views

 47,937 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NCIP

 53,908 total views

 53,908 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

FAMILY BUSINESS

 58,091 total views

 58,091 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 67,372 total views

 67,372 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang kasikatan

 50,728 total views

 50,728 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Deserve ng ating mga teachers

 48,973 total views

 48,973 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makinig bago mag-react

 99,281 total views

 99,281 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga mandaragat

 108,749 total views

 108,749 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 80,169 total views

 80,169 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

18,271 positions

 86,428 total views

 86,428 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iligtas ang mga bata

 100,745 total views

 100,745 total views Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online.  Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaya ng mga pinatay na magulang at kanilang naulila

 86,112 total views

 86,112 total views Mga Kapanalig, sa Mga Kawikaan 26:27, mababasa natin ito: “Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.” Hindi bahagi ng pananampalatayang Kristiyano ang tinatawag sa ibang paniniwala na karma. Ang alam natin, gaya ng ipinahihiwatig ng binasa nating teksto mula sa Mga Kawikaan, ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Serbisyo, hindi utang na loob

 73,703 total views

 73,703 total views Mga Kapanalig, sa kanyang birthday noong ika-13 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na naglaan ang kanyang opisina ng mahigit 300 milyong pisong pondo para gawing libre ang mga serbisyo sa mga pampublikong tertiary hospitals. Dito sa Metro Manila, isa sa mga ospital na ito ang Philippine General Hospital o PGH,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tao ang sentro ng trabaho

 86,305 total views

 86,305 total views Mga Kapanalig, kayo ba ay manggagawa o empleyado? Tuwing malakas ang ulan, bumabagyo, o bumabaha sa mga daanan, naiisip rin ba ninyong sana, katulad ng mga estudyante, wala rin kayong pasok sa inyong pinagtatrabahuhan? Noong kasagsagan ng uláng dala ng Bagyong Enteng at ng hinila nitong habagat, may isang netizen na nagsabing “’pag

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top