1,886 total views
Muling pinalakas ng mga labor group ang panawagang 150-pesos na arawang wage increase ng mga manggagawa sa buong bansa kasunod ng anim na beses na pagpapatupad ng mga kumpanya ng langis ng oil price hike.
Nagpahayag ang NAGKAISA Labor Coalition at Federation of Free Workers (FFW) ng pagkabahala sa sunod-sunod na oil price hike na umabot sa P11.50 sa halaga ng gasolina, P7.10 kada litro sa presyo ng diesel at P2.60 sa kerosene.
Natitiyak ng labor groups na ang serye ng oil price hike ay magdudulot ng panibagong pagtaas sa halaga ng mga pangunahing bilihin at serbisyo.
“Given historical context, such as the nationwide Php 25 wage increase in 1989 which did not result in significant job losses despite the several coup attempts during that period, a considerable wage adjustment is not only justified but essential at this point in time.” ayon sa mensahe ni FFW Vice President for Visayas Tiffany Ong sa Radio Veritas.
Tinukoy din ng NAGKAISA at FFW ang pagtataas ng pamasaheng sa Light Railway Transit na nagsimula ngayong Agosto.
Panawagan ng Labor groups sa mga mambabatas ang pagsasabatas ng mga isinusulong na wage hike laws na itataas simula 150-pesos hanggang 750-pesos ang suweldo ng mga manggagawa.
Sa ensklikal na Laborem Exercens ni St. John Paul II, binigyang diin na nararapat bigyang halaga ang kapakanan ng bawat manggagawa kabilang na ang pagbibigay ng wastong pasahod at benepisyo.