Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

BIYERNES, SETYEMBRE 15, 2023

SHARE THE TRUTH

 4,501 total views

Paggunita sa Mahal na Birheng Maria na Nagdadalamhati

1 Timoteo 1, 1-2. 12-14
Salmo 15, 1-2a. at 5. 7-8. 11

D’yos ko, aking kapalara’y
manahin ang iyong buhay.

Juan 19, 25-27
o kaya Lucas 2, 33-35

Memorial of Our Lady of Sorrows (White)

UNANG PAGBASA
1 Timoteo 1, 1-2. 12-14

Ang simula ng unang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Mula kay Pablo, apostol ni Kristo Hesus ayon sa kalooban ng Diyos na ating Tagapagligtas at ni Kristo Hesus na ating pag-asa –

Kay Timoteo na tunay kong anak sa pananampalataya:

Sumaiyo nawa ang pagpapala, habag, at kapayapaan buhat sa Diyos Ama at kay Kristo Hesus na ating Panginoon.

Nagpapasalamat ako kay Kristo Hesus na ating Panginoon, na nagbibigay sa akin ng lakas para sa gawaing ito, sapagkat ako’y minarapat niya at hinirang na maging lingkod. Hinirang niya ako upang maglingkod sa kanya bagamat noong una’y nagsalita ako laban sa kanya. Bukod dito’y inusig ko siya’t nilait. Sa kabila nito’y kinahabagan ako ng Diyos sapagkat hindi ko nalalaman ang aking ginagawa noong hindi pa ako naniniwala sa kanya. Iginawad sa akin ng Panginoon ang kanyang masaganang pagpapala, kalakip ang pananampalataya at pag-ibig na nasa atin dahil sa pakikipag-isa kay Kristo Hesus.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 15, 1-2a. at 5. 7-8. 11

D’yos ko, aking kapalara’y
manahin ang iyong buhay.

O Diyos, ako’y ingatan mo, ingatan ang iyong lingkod,
ang hangad ko ay maligtas kaya sa ‘yo dumudulog;
“Ika’y aking Panginoon,” ang wika ko sa aking Diyos,
“kabutihang tinanggap ko, ay ikaw ang nagkaloob.”
Ikaw lamang, O Poon ko, ang lahat sa aking buhay,
ako’y iyong tinutugon sa lahat kong kailangan.

D’yos ko, aking kapalara’y
manahin ang iyong buhay.

Pinupuri ko ang Poon na sa akin ay patnubay.
Kahit gabi diwa niya ang sa aki’y umaakay.
Nababatid ko na siya’y kasama ko oras-oras.
Sa piling n’ya kailanma’y hindi ako matitinag.

D’yos ko, aking kapalara’y
manahin ang iyong buhay.

Ituturo mo ang landas na buhay ang hahantungan,
sa piling mo’y madarama ang lubos na kagalakan;
ang tulong mo’y nagdudulot ng ligayang walang hanggan.

D’yos ko, aking kapalara’y
manahin ang iyong buhay.

AWIT TUNGKOL SA MABUTING BALITA

Ang Inang nangungulila
sa Anak n’yang nagdurusa
ay nasa tabi ng krus.

Ang puso n’ya’y nasugatan
sa talim pinaglagusan
sa pagpanaw ni Hesus.

Sa lungkot, tigib ng luha
ang babaing pinagpala
na Ina ng D’yos Anak.

Puspos ng kapighatian
ang Inang maaasahan
ng kanyang nililingap.
Sino’ng hindi maaawa
sa Inang luha nang luha
sa Anak n’yang namatay?

Sino’ng hindi magsisisi
sa pagtunghay na mabuti
sa Inang nalulumbay?

Dahil sa pagkakasala
ng lahat kaya nagdusa
ang ating Manunubos.

Agaw-buhay na namalas
ng Ina ang nililingap
ng mahal n’yang si Hesus.

Ina naming iniibig,
karamay kami sa hapis
sa pagpanaw ni Hesus.

Puso nami’y dumaramay
sa taglay mong kalungkutan
sa aming Manunubos.

*Mahal naming Inang Birhen,
kami ay iyong akaying
damayan ang ‘yong Anak.

Sa sugat ni Hesukristo
gawin mo kaming kasalo
nang may pagsintang wagas.

Habang kami’y nabubuhay
gawin mo kaming karamay
sa tiniis ni Kristo.

Kami ay iyong isama
sa hirap at pagdurusa
kasama sa Kalbaryo.

Mahal na Birheng huwaran,
sa galak at kalungkutan
susunod kami sa’yo.

Sa tiisin at tagumpay,
sa krus at kaligayahan
ng Poong Hesukristo.

Sa sugat ng Manunubos,
sa pagkapako n’ya sa krus
karamay n’ya kami.

Ang hirap sa sanlibutan
sa langit may kasiyahan
kapag si Kristo’y katabi.

Sa krus ni Hesus kasalo
kaya sa langit panalo
ang karamay n’yang tapat.

Sa pagpanaw sa daigdig
ipisan kami sa langit
upang laging magalak.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Magalak ka, Ina ng Diyos,
sa tabi ng krus ni Hesus
ikaw ay martir na lubos.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 19, 25-27

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae nitong si Maria, na asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang makita ni Hesus ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang sinabi, “Ginang, narito ang iyong anak!” At sinabi sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon, siya’y pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

o kaya:
Lucas 2, 33-35

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, namangha ang ama’t ina ng sanggol dahil sa sinabi ni Simeon tungkol sa kanya. Binasbasan sila ni Simeon, at sinabi kay Maria. “Tandaan mo, ang batang ito’y nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel, isang tanda mula sa Diyos ngunit hahamakin ng marami kaya’t mahahayag ang kanilang iniisip. Dahil diyan, ang puso mo’y para na ring tinarakan ng isang balaraw.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Mahal na Birheng Maria na Nagdadalamhati

Kasama ni Maria na nakababatid kung ano ang kahulugan ng pagdurusa, manalangin tayo sa Diyos para sa mga taong may mabibigat na pinapasan habang sinasabi natin:

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panatilihin Mo kaming tapat na tulad ni Maria, O Panginoon.

Ang mga nabibigatan dahil sa dalamhati at mga pagsubok nawa’y makatagpo ng kapayapaan at ginhawa ng loob habang pinagninilayan ang mga pighati ni Maria, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang tanggapin ang mga pighati at pagdurusa sa buhay at makita ang presensya ng Diyos sa mga iyon, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pamamagitan ng halimbawa ni Maria, tayo nawa’y maging matiisin sa pagdurusa at masigasig sa pagtupad ng mabubuting gawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa gitna ng mga kahirapan at pagsubok sa ating pang-araw-araw na buhay, matuklasan nawa natin ang tunay na kahulugan ng buhay-Kristiyano, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdurusa dahil sa karamdaman nawa’y makatagpo kay Maria ng tunay na kanlungan at aliw, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos ng lahat ng biyaya, higit pa sa lahat ng aming inaasam ang iyong balak para sa mundo. Panatilihin mo kaming nagtitiwala sa kapangyarihan ng iyong mapanligtas na pag-ibig. Hinihiling namin ito sa pamamgagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.


Dakilang Kapistahan ng Mahal na Birheng Maria na Nagdadalamhati

Hebreo 5, 7-9
Salmo 30, 2-3a. 3bk-4. 5-6. 15-16. 20

Poong D’yos na maibigin
ako ay iyong sagipin.

Juan 19, 25-27
o kaya Lucas 2, 33-35

Solemnity of Our Lady of Sorrows (White)

UNANG PAGBASA
Hebreo 5, 7-9

Pagbasa mula sa sulat sa mga Hebreo

Noong si Hesus ay namumuhay rito sa lupa, siya’y dumalangin at lumuluhang sumamo sa Diyos na makapagliligtas sa kanya sa kamatayan. At dininig siya dahil sa lubusan siyang nagpakumbaba. Bagamat siya’y Anak ng Diyos, natutuhan niya ang tunay na kahulugan ng pagsunod sa pamamagitan ng pagtitiis. At nang maganap na niya ito, siya’y naging walang hanggang Tagapagligtas ng lahat ng sumusunod sa kanya.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 30, 2-3a. 3bk-4. 5-6. 15-16. 20

Poong D’yos na maibigin
ako ay iyong sagipin.

Sa iyo, O Poon, ako’y lumalapit
upang ingatan mo, nang hindi malupig;
ang aking dalanging laging sinasambit:
“Iligtas mo ako, O Diyos na matuwid.”
ako ay pakinggan, ako ay sagipin!

Poong D’yos na maibigin
ako ay iyong sagipin.

Tanging kublihan ko, ako ay ingatan;
tagapagtanggol ko’t aking kaligtasan.
Tagapagtanggol ko at aking kanlungan,
ayon sa sabi mo, ako’y patnubayan.

Poong D’yos na maibigin
ako ay iyong sagipin.

O aking patnubay, ako ay iligtas,
sa patibong nila at umang na bitag;
sa mga kamay mo habilin ko’y buhay ko
tagapagligtas kong tapat at totoo.

Poong D’yos na maibigin
ako ay iyong sagipin.

Subalit, O Poon, ang aking tiwala
ay nasasaiyo, Diyos na dakila!
Sa iyong kalinga, umaasa ako,
laban sa kaaway ay ipagtatanggol mo;
at sa umuusig sa sinumang tao.

Poong D’yos na maibigin
ako ay iyong sagipin.

Ang pagpapala mo’y iyong ilalaan
sa mga anak mong may takot na taglay;
kagila-gilalas malasin ninuman
ang pagkalinga mo sa mga hinirang
na nangagtiwala sa ‘yong pagmamahal.

Poong D’yos na maibigin
ako ay iyong sagipin.

AWIT TUNGKOL SA MABUTING BALITA

Ang Inang nangungulila
sa Anak n’yang nagdurusa
ay nasa tabi ng krus.

Ang puso n’ya’y nasugatan
sa talim pinaglagusan
sa pagpanaw ni Hesus.

Sa lungkot, tigib ng luha
ang babaing pinagpala
na Ina ng D’yos Anak.

Puspos ng kapighatian
ang Inang maaasahan
ng kanyang nililingap.
Sino’ng hindi maaawa
sa Inang luha nang luha
sa Anak n’yang namatay?

Sino’ng hindi magsisisi
sa pagtunghay na mabuti
sa Inang nalulumbay?

Dahil sa pagkakasala
ng lahat kaya nagdusa
ang ating Manunubos.

Agaw-buhay na namalas
ng Ina ang nililingap
ng mahal n’yang si Hesus.

Ina naming iniibig,
karamay kami sa hapis
sa pagpanaw ni Hesus.

Puso nami’y dumaramay
sa taglay mong kalungkutan
sa aming Manunubos.

*Mahal naming Inang Birhen,
kami ay iyong akaying
damayan ang ‘yong Anak.

Sa sugat ni Hesukristo
gawin mo kaming kasalo
nang may pagsintang wagas.

Habang kami’y nabubuhay
gawin mo kaming karamay
sa tiniis ni Kristo.

Kami ay iyong isama
sa hirap at pagdurusa
kasama sa Kalbaryo.

Mahal na Birheng huwaran,
sa galak at kalungkutan
susunod kami sa’yo.

Sa tiisin at tagumpay,
sa krus at kaligayahan
ng Poong Hesukristo.

Sa sugat ng Manunubos,
sa pagkapako n’ya sa krus
karamay n’ya kami.

Ang hirap sa sanlibutan
sa langit may kasiyahan
kapag si Kristo’y katabi.

Sa krus ni Hesus kasalo
kaya sa langit panalo
ang karamay n’yang tapat.

Sa pagpanaw sa daigdig
ipisan kami sa langit
upang laging magalak.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Magalak ka, Ina ng Diyos,
sa tabi ng krus ni Hesus
ikaw ay martir na lubos.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 19, 25-27

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae nitong si Maria, na asawa ni Cleopas. Naroon din si Maria Magdalena. Nang makita ni Hesus ang kanyang ina, at ang minamahal niyang alagad sa tabi nito, kanyang sinabi, “Ginang, narito ang iyong anak!” At sinabi sa alagad, “Narito ang iyong ina!” Mula noon, siya’y pinatira ng alagad na ito sa kanyang bahay.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

o kaya:
Lucas 2, 33-35

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, namangha ang ama’t ina ng sanggol dahil sa sinabi ni Simeon tungkol sa kanya. Binasbasan sila ni Simeon, at sinabi kay Maria. “Tandaan mo, ang batang ito’y nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel, isang tanda mula sa Diyos ngunit hahamakin ng marami kaya’t mahahayag ang kanilang iniisip. Dahil diyan, ang puso mo’y para na ring tinarakan ng isang balaraw.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Mahal na Birheng Maria na Nagdadalamhati

Kasama ni Maria na nakababatid kung ano ang kahulugan ng pagdurusa, manalangin tayo sa Diyos para sa mga taong may mabibigat na pinapasan habang sinasabi natin:

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panatilihin Mo kaming tapat na tulad ni Maria, O Panginoon.

Ang mga nabibigatan dahil sa dalamhati at mga pagsubok nawa’y makatagpo ng kapayapaan at ginhawa ng loob habang pinagninilayan ang mga pighati ni Maria, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang tanggapin ang mga pighati at pagdurusa sa buhay at makita ang presensya ng Diyos sa mga iyon, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pamamagitan ng halimbawa ni Maria, tayo nawa’y maging matiisin sa pagdurusa at masigasig sa pagtupad ng mabubuting gawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa gitna ng mga kahirapan at pagsubok sa ating pang-araw-araw na buhay, matuklasan nawa natin ang tunay na kahulugan ng buhay-Kristiyano, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdurusa dahil sa karamdaman nawa’y makatagpo kay Maria ng tunay na kanlungan at aliw, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos ng lahat ng biyaya, higit pa sa lahat ng aming inaasam ang iyong balak para sa mundo. Panatilihin mo kaming nagtitiwala sa kapangyarihan ng iyong mapanligtas na pag-ibig. Hinihiling namin ito sa pamamgagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 3,337 total views

 3,337 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 17,993 total views

 17,993 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 28,108 total views

 28,108 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 37,685 total views

 37,685 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 57,674 total views

 57,674 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Biyernes, Nobyembre 15, 2024

 1,764 total views

 1,764 total views Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Juan, 4-9 Salmo 118, 1. 2. 10. 11. 17. 18 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Lucas 17, 26-37 Friday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 2 Juan, 4-9 Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Juan Hirang

Read More »

Huwebes, Nobyembre 14, 2024

 1,910 total views

 1,910 total views Huwebes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filemon 7-20 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Mapalad ang kinukupkop ng Poong Diyos ni Jacob. Lucas 17, 20-25 Thursday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filemon 7-20 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Filemon Pinakamamahal ko, ang iyong pag-ibig

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 13, 2024

 2,482 total views

 2,482 total views Miyerkules ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Tito 3, 1-7 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol ko’y Panginoong D’yos, hindi ako magdarahop. Lucas 17, 11-19 Memorial of Saint Martin of Tours, Bishop (White) Saturday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (II) UNANG PAGBASA Tito 3, 1-7 Pagbasa mula sa sulat ni

Read More »

Martes, Nobyembre 12, 2024

 2,683 total views

 2,683 total views Paggunita kay San Josafat, obispo at martir Tito 2, 1-8. 11-14 Salmo 36, 3-4. 18 at 23. 27 at 29 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Lucas 17, 7-10 Memorial of St. Josaphat, Bishop and Martyr (Red) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA

Read More »

Lunes, Nobyembre 11, 2024

 3,005 total views

 3,005 total views Paggunita kay San Martin ng Tours, obispo Tito 1, 1-9 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. Lucas 17, 1-6 Memorial of St. Martin of Tours, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Tito 1, 1-9 Ang simula ng

Read More »

Linggo, Nobyembre 10, 2024

 2,980 total views

 2,980 total views Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) 1 Hari 17, 10-16 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin. Hebreo 9, 24-28 Marcos 12, 38-44 o kaya Marcos 12, 41-44 Thirty-second Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA 1 Hari 17, 10-16 Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari Noong mga

Read More »

Sabado, Nobyembre 9, 2024

 3,515 total views

 3,515 total views Kapistahan ng Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan sa Laterano, Roma Ezekiel 47, 1-2. 8-9. 12 Salmo 45, 2-3. 5-6. 8-9. Sa bayan ng Dakilang D’yos batis n’ya’y may tuwang dulot. 1 Corinto 3, 9k-11. 16-17 Juan 2, 13-22 Feast of the Dedication of the Lateran Basilica in Rome (White) UNANG PAGBASA Ezekiel 47, 1-2. 8-9.

Read More »

Biyernes, Nobyembre 8, 2024

 3,310 total views

 3,310 total views Biyernes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 17 – 4, 1 Salmo 121, 1-2. 3-4a. 4b-5 Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong D’yos. Lucas 16, 1-8 Friday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 17 – 4, 1 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San

Read More »

Huwebes, Nobyembre 7, 2024

 3,465 total views

 3,465 total views Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa D’yos ay may kagalakang lubos. Lucas 15, 1-10 Thursday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 3-8a Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Read More »

Miyerkules, Nobyembre 6, 2024

 3,705 total views

 3,705 total views Miyerkules ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33 Wednesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 12-18 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga minamahal, higit na

Read More »

Martes, Nobyembre 5, 2024

 3,915 total views

 3,915 total views Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 5-11 Salmo 21, 26b-27. 28-30a. 31-32 Pupurihin kita, Poon, ngayong kami’y natitipon. Lucas 14, 15-24 Tuesday of the Thirty-first Week in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 5-11 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga kapatid, magpakababa kayo

Read More »

Lunes, Nobyembre 4, 2024

 3,779 total views

 3,779 total views Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 1-4 Salmo 130, 1. 2. 3 Sa iyong kapayapaan, D’yos ko, ako’y alagaan. Lucas 14, 12-14 Memorial of St. Charles Borromeo, Bishop (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Filipos 2, 1-4 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol

Read More »

Linggo, Nobyembre 3, 2024

 3,907 total views

 3,907 total views Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Deuteronomio 6, 2-6 Salmo 17, 2-3a. 3kb-4. 47 at 51ab Poong aking kalakasan, iniibig kitang tunay. Hebreo 7, 23-28 Marcos 12, 28b-34 Thirty-first Sunday in Ordinary Time (Green) UNANG PAGBASA Deuteronomio 6, 2-6 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: “Matakot kayo sa

Read More »

Sabado, Nobyembre 2, 2024

 4,148 total views

 4,148 total views Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10. 13-14. 15-16. 17-18. Panginoo’y nagmamahal at maawain sa tanan. Roma 8, 31b-35. 37-39 Juan 14, 1-6 Commemoration of All the Faithful Departed (All Soul’s Day) (Violet or White) UNANG PAGBASA 2

Read More »

Biyernes, Nobyembre 1, 2024

 4,291 total views

 4,291 total views Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. 1 Juan 3, 1-3 Mateo 5, 1-12a Solemnity of All Saints (White) UNANG PAGBASA Pahayag 7, 2-4. 9-14 Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag Ako’y si Juan, at nakita kong

Read More »
Scroll to Top