Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kailangan namin ng tulong ng Simbahan-Lagman

SHARE THE TRUTH

 202 total views

Humingi ng suporta sa Simbahang Katolika ang grupo ng mga mambabatas na tutol sa pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa.

Hinihimok ni Albay Cong. Edcel Lagman, House Leader ng opposition block at miyembro ng “Magnificent 7” ang mga obispo na magpadala sa kanila ng mga pag-aaral at inputs kung bakit tutol sila sa re-imposition ng death penalty.

Ayon sa mambabatas, pagsasama-samahin nila ang mga inputs na ito upang maging malakas at mapaghandaan nila ang debate dito na magaganap sa pagbubukas muli ng Kongreso sa Enero a-16, 2017.

Maliban sa mga taong-Simbahan, humingi rin ng suporta si Lagman sa iba pang civil society groups at sa mamamayan na tutol sa death penalty na ibigay ang kanilang mga apela upang makita ng mga mamambatas kung gaano kalakas ang mga nasa anti-death penalty.

“Kaya hinihingi namin ang inputs ng mga tutol sa death penalty gaya ng Simbahang Katolika at pagsasama samahin namin yan para mapaghandaan naming mabuti ang debate sa Enero. Mahalaga din ang suporta ng taong bayan, na baka kung Makita ng mga kongresista yan, eh dumami na ang tutol diyan, kalaban natin maging ang Pangulong Duterte dahil malinaw na sinabi niya ibabalik niya ang parusang bitay. Kailangan naming ang support ng civil society, ng Simbahan at iba pang sektor na tutol sa death penalty, kami naman ay kinatawan ninyo.” Pahayag ni Lagman sa panayam ng programang Veritasan.
Nauna ng pumasa sa Committee level ang panukalang re-imposition ng death penalty at pag-uusapan na ito sa plenaryo sa pagbubukas ng Kongreso.

Idinagdag pa ni Lagman na hindi na kailangan ang death penalty lalo na at umiiral na ngayon ang extrajudicial killings sa mga pinaghihinalaang mga kriminal na dapat sa halip na bawian ng buhay ay bigyan ng pagkakataon na magbagong buhay.

“Magkaisa tayo, merun na tayong EJK at dadagdagan mo pa ng death penalty na yan ay culture of violence pareho, ang murderer ang estado sa death penalty, ang EJK hindi inaamin na sanction by the state.” Ayon pa sa mambabatas.

Binigyang diin pa ni Lagman na hindi deterrent o nagpapaudlot ng krimen ang death penalty at napatunayan na ito sa ibat-ibang mga bansa.

Sa katunayan sa Pilipinas, bagamat umiiral na ang EJK, nagpapatuloy pa rin ang krimen

“Bakit nagpapatuloy pa rin sila sa paggawa eh alam na nilang may EJK, yan ang classis argument na hindi deterrent, kasi walang takot ang mga tao kaya hindi deterrent, dahil ang drug menace ay not only a police problem but a property and health problems sa ibang bansa, na nagsimula sila sa violence against drug menace, hindi sila nag succeed, like Thailand and Columbia.” Pahayag pa ng ni Lagman.

Una ng pinayuhan ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs ang mga mambabatas maging ang gobyerno na ayusin muna ang sistema ng katarungan (justice system) sa bansa sa halip na ibalik ang death penalty.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng komisyon, maraming flaws ang justice system sa bansa na kailangan ng agarang solusyon gaya na lamang ng may mga naco-convict na hindi naman mga tunay na salarin.

Sa pinakahuling World Congress Against Death Penalty na kada ikatlong taon ginaganap at nang magsimula ito 18 taon na ang nakalilipas 140 mga bansa na ang nagtanggal ng parusang bitay kabilang na dito ang Pilipinas dahil sa hindi naman napatunayang nagpababa ito ng krimen.

Sa social doctrine of the Church, ang kapatawaran pa rin ang dapat manaig at hindi ang pagpapataw ng parusang kamatayan sa mga sangkot sa karumal-dumal na krimen lalo na at hindi rin ito akma sa Christian values at nananatili ang Simbahan sa pagsunod sa utos ng Diyos na “Thou shall not kill”.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 44,274 total views

 44,274 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 59,351 total views

 59,351 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 65,322 total views

 65,322 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 69,505 total views

 69,505 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 78,786 total views

 78,786 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Veritas Team

Pamahalaan at simbahan sa Pilipinas, nakikiramay sa pagpanaw ni Queen Elizabeth II

 96,693 total views

 96,693 total views Nakikiisa ang sambayanang Filipino sa pagpanaw ng Reyna ng Britanya na si Queen Elizabeth II sa edad na 96. Ayon kay President Ferdinand Marcos Jr., kilala si Queen Elizabeth sa debosyon ng paglilingkod sa kanyang nasasakupan. “It is with profound sadness that we receive the news of the passing of Her Majesty Queen

Read More »
Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 60,386 total views

 60,386 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa pagtatapos ng halalan. Ayon sa Obispo, bilang halal na opisyal at pinili ng mas nakakaraming Filipino, kinakailangang maisakatuparan ng bagong pangulo ang pangakong ‘pagkakaisa’ ng buong bansa. “To

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 59,470 total views

 59,470 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan sa isinagawang Veritas Truth Survey ang 2,400 respondents sa kanilang perception kung sino sa mga presidential hopeful ang sumusunod sa Catholic values at beliefs. Lumabas sa nationwide V-T-S na nakuha

Read More »
Latest News
Veritas Team

Manindigan laban sa Anti-Terror Act of 2020, panawagan ng mamamayan sa taongbayan

 22,670 total views

 22,670 total views July 5, 2020, 10:43AM Umaasa ang chairperson ng Church People-Workers’ Solidarity (CWS)  at CBCP NASSA/Caritas Philippines Vice Chairman San Carlos Bishop Gerardo Alminaza na maamyendahan at maipawalang bisa ang pagpapasa ng kontrobersyal na Anti-Terror Act of 2020 kung patuloy na mananawagan ang mamamayan sa pamahalaan. Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte

Read More »
Latest News
Veritas Team

Guilty verdict sa opisyal ng Rappler, itinuturing na isang persecution

 22,657 total views

 22,657 total views June 16, 2020, 12:47PM Naniniwala ang mataas na opisyal ng simbahan na sinadyang patahimikin at idiin sa kasong cyberlibel si Rappler CEO Maria Ressa. Ayon kay Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, makikita ang pagsisikap na idiin sa kaso si Ressa at ang kanyang researcher na si Reynaldo Santos Jr. sa

Read More »
Latest News
Veritas Team

Tutukan ang COVID-19 pandemic at Marawi rehab sa halip na Anti-Terrorism bill-AMRSP

 22,661 total views

 22,661 total views June 4, 2020, 11:35AM Manila,Philippines — Nagpahayag ng pangamba ang Association of Major Religious Superiors in the Philippines o AMRSP sa pagpapasa ng mababang kapulungan ng Kongreso sa Anti-Terrorism Bill na mag-aamyenda ‘Human Security Act of 2007′ na sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa pahayag na inilabas ng grupo, nangangamba ito sa

Read More »
Latest News
Veritas Team

Pabuya sa pagtuklas ng gamot: ‘Fabunan, vaccine,’ subukan muna

 22,751 total views

 22,751 total views Muling nanawagan si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani sa pamahalaan na subukan ang Fabunan Antiviral Injection na pinaniniwalaang nakagagamot sa coronavirus disease. Ito ay matapos maglabas ng pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang magbigay ng P10M para sa makadidiskubre ng gamot laban sa COVID-19. “Si President Duterte nag-aalok ng P10M para

Read More »
Latest News
Veritas Team

Kasong sedition laban sa mga matataas na opisyal ng CBCP, ibinasura ng DOJ

 22,555 total views

 22,555 total views Ibinasura ng Department of Justice ang kasong “conspiracy to commit sedition, inciting to sedition, cyber libel, libel, estafa, at obstruction of justice” laban sa tatlong Obispo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, mga pari at Vice President Leni Robrero. Kinumpirma ni Justice Undersecretary Markk Perete ang D-O-J panel resolution na nagpapawalang sala

Read More »
Latest News
Veritas Team

Divorce: Hindi lang usapin ng kababaihan, kundi ng buong pamilya

 22,560 total views

 22,560 total views Naniniwala ang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na hindi dapat madaliin ang pagpasa ng divorce bill. Lalu na’t mas maraming mga suliranin ang Pilipinas na higit na dapat bigyang tuon. Ito ang pahayag ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs kaugnay sa minadaling pag-apruba

Read More »
Politics
Veritas Team

Radio Veritas, Grace Poe, no.1 sa Veritas Truth Survey

 22,030 total views

 22,030 total views Nangunguna sa Veritas Truth Survey si Senatorial candidate Grace Poe. Pumasok naman sa magic 12 ng Veritas Truth Survey sina: Isinagawa ang survey sa mga Katolikong botante mula sa iba’t-ibang parokya ng 86 Arkidiyosesis at Diyosesis ng Simbahang Katolika sa Pilipinas.  

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, wala na sa katinuan

 21,993 total views

 21,993 total views Hinamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity si pangulong Rodrigo Duterte na tingnan muna ang mga nagawa nito sa bansa bago bantaan ang kaniyang mga kritiko. Ayon sa Obispo, kung nagbibiro na naman ang Pangulo ay hindi na dapat ito pansinin subalit kung seryoso si

Read More »
Politics
Veritas Team

Martial law hindi na kailangan

 22,004 total views

 22,004 total views Ito ang panawagan ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo sa panukalang palawigin o i-extend muli ang batas militar sa Mindanao. Iginiit ni Bishop Bagaforo na hindi kailangan ang ML dahil sa top priority ng Administrasyong Duterte ay magkaroon ng peace and order sa bansa. Binigyan diin ng Obispo na napapanahon ng bumalik sa

Read More »
Politics
Veritas Team

VP Leni Robredo: One-on-One sa Veritasan Part 2

 22,001 total views

 22,001 total views DRUG REHAB HINDI PAGPATAY Ang simbahan ang magbibigay ng guidance sa community na eto yung mga mabubuting gawin. In fact, marami kaming mga engagement with the church halimbawa kabahagi kami ng koalisyon ng mga organisasyon na nagsusulong ng community rehabilitation ng mga drug addicts, ‘yun tamang paraan para i-convert hindi ‘yung pagpatay. Kabahagi

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, Walang moral authority

 22,007 total views

 22,007 total views Walang karapatan ang Pangulong Rodrigo Duterte na magsabi sa pagtataguyod ng karapatang mabuhay gayung may higit na sa 20,000 ang napatay sa Anti-drug War campaign. Ito ayon kay dating Solicitor General Atty. Florin Hilbay sa katatapos lamang na State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo sa pagbubukas ng 17th Congress. “Hindi naman

Read More »
Politics
Veritas Team

CBCP, Tutol sa pag-aarmas ng mga Pari

 22,047 total views

 22,047 total views Naninindigan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP laban sa pag-aarmas ng mga Pari. Sa kabila ito nang magkasunod na pamamaril at pagpaslang sa Pari. Mariing tinututulan ni CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles na bigyan ng armas ang mga Pari para sa kanilang kaligtasan. Iginiit ni Archbishop Valles na bilang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top