2,325 total views
Inaanyayahan ng Manila Cathedral ang bawat isa na makibahagi sa pag-alala sa dalawang dating cardinal na nagsilbing arsobispo ng Arkidiyosesis ng Maynila.
Bilang pag-alala at paggunita sa ika-95 kaarawan ni Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin na ika-30 Arsobispo ng Maynila ay magsasagawa ng isang exhibit ang Manila Cathedral katuwang ang Serviam Foundation at Archdiocesan Archives of Manila.
Tampok sa nasabing exhibit ang mga larawan at ilang memorabilia ng dating pastol.
“On August 31, 2023, we will be remembering and celebrating the 95th Birth Anniversary of the 30th Archbishop of Manila, Jaime L. Cardinal Sin. To honor his memories of Serviam (I will Serve), in partnership with the Serviam Foundation and the Archdiocesan Archives of Manila, the Manila Cathedral will be holding an exhibit of photos and memorabilia of the good cardinal.” Ang bahagi ng paanyaya ng Manila Cathedral sa Facebook post nito.
Pangungunahan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang Banal na Misa para sa kaarawan ni Cardinal Sin sa ika-31 ng Agosto, 2023 ganap na 12:10 ng tanghali na susundan naman ng pagbabasbas sa puntod ng Cardinal.
Kasunod nito ay pangungunahan din ni Bishop Santos ang pagbabasbas at pagpapasinaya sa exhibit na may titulong ‘Living the Serviam’ na matatagpuan sa Blessed Souls Chapel sa Manila Cathedral at magtatagal hanggang sa ika-10 ng Setyembre, 2023.
“Holy Mass for his birth anniversary will be on August 31, 2023 at 12:10 in the afternoon. Most Rev. Ruperto C. Santos, Bishop of Antipolo, will preside over the Holy Eucharist. After the Mass, the blessing of the tomb of Cardinal Sin will follow. After which, we shall witness the Blessing and Opening of the exhibit located at the Blessed Souls Chapel.” Ayon sa Manila Cathedral.
Inaanyayahan din ng Manila Cathedral ang lahat sa paggunita ng ika-50 taong kamatayan ni Manila Archbishop Rufino Cardinal Santos.
Bilang pag-alala at paggunita sa 50th Death Anniversary ni Cardinal Santos ay magsasagawa rin ng isa pang exhibit ang Manila Cathedral katuwang ang Archdiocesan Archives of Manila kung saan itatampok ang mga larawan at ilang memorabilia ng dating pastol, kabilang na ang ilang sa mga personal na gamit at liturgical paraphernalia na ipinagkatiwala ng Santos Family sa Manila Catherdal.