2,667 total views
Ipinarating ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang pasasalamat sa lahat ng bumubuong Pari, Relihiyoso at Laiko sa Diyosesis ng Cubao.
“Ano yung tatlong haligi? Kaparian, Religious and the Consecrated and last is Laiko, itong tatlong ito ang nagbibigay ng liwanag sa buong mundo through their sama-sama, yun ngang sabi ni Pope Francis yung togetherness sa paglalakbay hindi pwedeng may naiiwan, hindi pwedeng isinasantabi ngunit nakikinig ang bawat isa mayroong siyang maiambag, yun ang ating binibigyan ng pansin,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Ongtioco.
Ginawa ni Bishop Ongtioco ang pasasalamat dahil sa pananatiling matatag ng Diyosesis makalipas ang 20-taon ng pagkakatatag kung saan natutugunan ang bawat sektor ng mahihirap, edukasyon at iba pang bahagi ng lipunan.
“Marami tayong dapat ipasalamat sa Diyos, tapos yung tribunal diocesan tribunal, marami tayong natulungan sa mga hirap sa kanilang buhay dahil minsan nagkakaroon ng problema so to regularize their marriage status ay mayroon tayong diocesan tribunal na tumutulong upang maayos ang kanilang buhay bilang pamilya,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Ongtioco.
Sa tala, matatagpuan sa Diyosesis ang National Shrine of Our Lady of Lourdes, ang mga Minor Basilica ng Our lady of Mount Carmel at National Shrine of Our Lady Most Holy Rosary kasama ang mga Diocesan Shrine ng Sacred Heart, Diocesan Shrine of Santo Niño at Diocesan Shrine of Jesus the Divine Word.