2,496 total views
Sinuportahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education ang Youth Servant Leadership Education Program (YSLEP) ng Caritas Manila at pagdaraos ng 2023 YSLEP telethon ngayong August 31 2023 live sa Radio Veritas.
Ayon sa chairman ng komisyon na si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao, sa tulong ng mga makikiisa sa gawain ay makakalikom ng sapat na pondong makakatulong sa pag-aaral ng mga kabataang pinapaaral ng Caritas Manila.
Dahil sa inisyatibo ay tiwala si Bishop Mangalinao na magkakaroon ng mas maayos na hinaharap ang YSLEP scholars upang makamit ang kanilang pangarap.
“My dear Listeners and participants to the on-going YSLEP TELETHON DRIVE! Thank you for supporting this noble cause for our YOUTH! Your kind generosity surely helps thousands of our young people to realize their dreams for a better future for themselves and those around them.” mensahe ni Bishop Mangalinao sa Radio Veritas.
Ipinagdarasal ni Bishop Mangalinao na matanggap ng mga makikiisa sa gawain ang pagpapala ng Panginoon.
Layon ng telethon na makalikom ng limang milyong pisong pondo para sa pag-aaral ng humigit-kumulang na 5-libong YSLEP scholars.
Tema ng 2023 YSLEP Telethon ay ‘BUILDING A HUMANE FUTURE THROUGH SERVANT LEADERSHIP.