Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Alam ba nila ang nangyayari sa ibaba?

SHARE THE TRUTH

 346 total views

Mga Kapanalig, kayo ba ay minimum wage earner? O may kapamilya ba kayong ang iniuuwing sahod ay nasa ₱610 sa isang araw? Nagkakasya ba sa inyong pang-araw-araw na gastusin ang sahod na ito?  

Kung si Secretary Alfredo Pascual ng Department of Trade and Industry (o DTI) ang tatanungin, “pwedeng pagkasyahin” ang sahod na ito para suportahan ang mga pangangailangan ng isang pamilyang ay limang miyembro.1 Matatandaang noong isang buwan, tumaas ng kuwarenta pesos ang minimum wage sa Metro Manila sa harap ng nagtataasang presyo ng mga pangunahing bilihin katulad ng bigas, karne, at gulay. Ginamit ni Kabataan Party List representative Raoul Manuel ang pagdinig ng House Committee on Appropriations ukol sa badyet ng DTI para sa 2024 upang hamunin si Secretary Pascual na subukang pagkasyahin sa loob ng isang buwan ang suweldong natatanggap ng mga minimum wage earners.2  

Ito ang ikalawang pagkakataon sa loob ng Agosto na may nasambit ang kalihim ng DTI na tila ba malayo sa realidad na nararanasan ng mga ordinaryong Pilipino, lalo na ng mahihirap. Minsan na niyang pinayuhan ang mga Pilipinong mag-adjust ng kanilang diyeta at maghanap na lang ng alternatibo sa kanin. Dahil mahal ang bigas sa mga pamilihan, maaaring subukan daw ang pagkain ng kamote o puting mais na mura na, mas masustansya pa.3 Hindi naman mali si Secretary Pascual ngunit makatutulong siguro kung ang ganitong mga mungkahi ay hindi magmumula sa mga opisyal nating dapat nagtitiyak na may sapat na pagkain para sa lahat. Hindi kasama sa trabaho ng mga nasa gobyerno ang ilipat sa mga mamamayan ang paghahanap ng solusyon sa mga problemang hindi naman sila ang pangunahing sanhi o labas sa kanilang kontrol.  

May bigat ang mga salitang nagmumula sa bibig ng mga nasa pamahalaan, kaya mahalagang alam nila kung ang mga salitang sasambitin nila ay maaaring makapagpalakas o makasira ng loob ng mga tao. Paalala nga sa Mga Kawikaan 21:23, “Ang pumipigil sa kanyang dila ay umiiwas sa masama.” Kaya dapat nag-iisip nang mabuti ang ating mga lingkod-bayan bago sila magsalita. 

Alam din sana nila ang tunay na nangyayari sa ibaba ng tore kung saan sila maginhawang nag-oopisina o sa labas ng kanilang malalaking bahay kung saan sagana ang kanilang pagkain at mahimbing ang kanilang pagtulog. Sigurado naman tayong malawak ang kaalaman at karunungan ng mga pinagkatiwalaang pangasiwaan ang kanilang opisina sa gobyerno. Ngunit iba pa rin kung naririnig nila ang mga dumaraing sa ibaba, ang mga may pasakit sa buhay araw-araw, at ang mga ordinaryong mamamayang dapat na inaalalayan ng pamahalaan. Kung batid nila ang mga pinagdaraanan ng mga pinaglilikuran nila, tiyak na ang anumang manggagaling sa bibig ng mga nasa pamahalaan ay sasalamin sa kanilang malasakit. 

At ang malasakit na ito sana ang nagtutulak sa ating mga lingkod-bayang gawin ang lahat para sa kapakanan ng mga mamamayan, ang pangunahing tuon ng trabaho ng gobyerno, ayon nga sa mga panlipunang turo ng Simbahan. Sa Catholic social teaching na Pacem in Terris, sinabi ni Pope John XXIII na ang pinakamahalagang gawaing itinalaga sa mga opisyal ng pamahalaan ay ang pagkilala, paggalang, pagprotekta, at pagtataguyod ng mga karapatan at tungkulin ng mga mamamayan.4 

Mga Kapanalig, malaking responsibilidad ang nakaatang sa mga nagpapatakbo ng ating gobyerno. Ang kanilang mga ginagawang hakbang ay kasimbigat ng kanilang mga salita. Kaya kasabay sana ng pagpapatupad nila ng mga hakbang na makatutulong sa mga mamamayan—lalo na sa mahihirap—na magkaroon ng nakabubuhay na sahod at ng kakayanang makabili ng sapat na pagkain, maging maingat at sensitibo rin sana ang ating mga lingkod-bayan sa mga salitang kanilang sasambitin sa publiko. 

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 15,649 total views

 15,649 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 30,305 total views

 30,305 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 40,420 total views

 40,420 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 49,997 total views

 49,997 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 69,986 total views

 69,986 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 15,650 total views

 15,650 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 1,940 total views

 1,940 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 30,306 total views

 30,306 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 40,421 total views

 40,421 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 49,998 total views

 49,998 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 69,987 total views

 69,987 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 47,306 total views

 47,306 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 42,331 total views

 42,331 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 45,900 total views

 45,900 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 58,355 total views

 58,355 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 69,422 total views

 69,422 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 75,741 total views

 75,741 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 80,353 total views

 80,353 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 81,913 total views

 81,913 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 47,474 total views

 47,474 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top