1,401 total views
Tinututulan ni Cagayan de Oro 2nd district Representative Rufus Rodriguez ang partnership sa pagitan ng Commission on Higher Education at mga pamantasan sa China.
Iginiit ni Rodriguez na dapat isantabi ang nilagdaang partnership sa pagitan ng China at ni CHED commissioner Prospero de Vera, lalo’t patuloy ang ginagawang paniniil sa Pilipinas kaugnay sa West Philippine Sea.
“The CHED, particularly Chairman Prospero de Vera, should cancel those partnerships. While we have been protesting against continuous Chinese aggression in the West Philippine Sea, here we have the CHED going the opposite direction by engaging with Chinese universities,” ayon kay Rodriguez.
Paliwanag pa ng mambabatas, ang pakikipag-unayan ay tila maling mensahe na hindi nagkakaisa ang bansa sa paninindigan laban sa panggigipit ng China, lalo na ang pagtataboy sa mga sundalo at mangingisda sa islang pag-aari ng Pilipinas.
Nagpahayag din ng suporta si Rodriguez sa ginawa ng sandatahang lakas na pagpapahinto sa pagpapadala ng mga sunndalo sa China para mag-aral, pagsasanay at pagbisita.
“We cannot have a frenemy and a bully joining us in watching over our own backyard, on which it has encroached and it does not want to leave despite our repeated protestations and arbitral victory,” dagdag pa ng mambabatas.
Sa halip na sa China, hinimok ng mambabatas si De Vera na makipag-ugnayan at makipagtulungan sa mga unibersidad sa Estados Unidos, Japan, South Korea, Australia at iba pang mga bansang kaalyado ng bansa.
Giit pa ni Rodriguez, ang mga nabanggit na bansa ay una na ring nagpahayag ng pakikiisa at pagkilala sa pagmamay-ari ng bansa sa pinagtatalunang teritoryo.