2,272 total views
Mahalaga ang tungkulin ng mga kabataan sa pangangalaga sa nag-iisang tahanan.
Ito ang mensahe ni Camillian Philippine Province vicar provincial Fr. Dan Cancino, bilang pakikibahagi ng mga Kamilyano sa pagdiriwang ng Season of Creation 2023.
Ayon kay Fr. Cancino, ang panahon ng paglikha ay pagkakataon upang higit na mabigyang-pansin ang nangyayaring climate crisis at mapangalagaan ang inang kalikasan para sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon.
“Climate change remains one of the most significant challenges facing humanity, and we need to emphasize the urgency of tackling this issue,” pahayag ni Fr. Cancino.
Sinabi ng pari na makakatulong ang pagsasagawa ng mga talakayang tututok sa pagtugon sa pagkasira ng kapaligiran sanhi ng labis na pang-aabuso ng mga tao.
Iginiit ni Fr. Cancino na ang tunay na layunin ng Season of Creation ay muling gisingin ang kamalayan ng bawat isa, lalo na ng mga kabataan upang isapuso at isabuhay ang pagiging mabubuting katiwala ng sangnilikha, alinsunod sa ensiklikal na Laudato Si’ ng Kanyang Kabanalan Francisco.
“We need to focus on the spiritual aspect of environmental stewardship was explored through prayers, meditations, and reflections. Together we can emphasize once again the climate-related events focused on raising awareness about the impacts of global warming to the youth and we let them appreciate and act on and for their future–for our common home,” ayon kay Fr. Cancino.
Batay sa inilabas na Children’s Climate Risk Index Report ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) noong Agosto 2021, naitala ang Pilipinas bilang pang-31 sa mga bansang lantad ang kabataan sa mga epekto ng climate change.