2,142 total views
Nagpahayag ng suporta ang Commission on Human Rights (CHR) sa Senate Bill (SB) No. 2031 o “Jails and Prisons Monitoring Act of 2023,” na panukalang nagsusulong ng kapakanan at kaligtasan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa loob ng mga bilangguan.
Ayon sa CHR, naaangkop na bigyang proteksyon ang kapakanan,digdinad at karapatan ng mga PDLs na bahagi ng kanilang karapatang pantao.
“The Commission on Human Rights (CHR) expresses its strong support for the passage of Senate Bill (SB) No. 2031 or the “Jails and Prisons Monitoring Act of 2023,” which seeks to ensure the safety and security of persons deprived of liberty (PDLs) while serving their sentence.” Ang bahagi ng pahayag ng CHR.
Inihayag ng Komisyon ng Karapatang Pantao na ang panukalang batas ay naangkop na pagtugon ng pamahalaan sa Republic Act No. 9745 or “An Act Penalizing Torture and Other Cruel, Inhuman, and Degrading Treatment or Punishment” in 2009 na nagsusulong din ng pagbibigay halaga ng estado sa mga karapatan ng mga PDLs.
“SB 2031 reiterates these human rights commitments by the State by improving transparency in jails and places of detention, as well as improving the pursuit of accountability of duty-bearer in cases of human rights violations.” Dagdag pa ng CHR.
Nakapaloob sa panukalang batas na SB 2031 na inihain sa Senado ni Senator Raffy Tulfo ang pagtiyak ng kaligtasan at kapakanan ng mga PDLs at prison personnel sa bansa sa pamamagitan ng paglalatag ng karagdagang seguridad sa mga bilangguan kabilang na ang paglalagay ng karagdagang security monitoring systems, closed-circuit television (CCTV) cameras, motion sensors.
Unang inihayag ng CHR ang pakikibahagi sa taunang paggunita ng Simbahan sa Prison Awareness Week kung saan napiling tema ng 36th Prison Awareness Sunday ngayong taon ang “The Correctional Community: Journeying Together in Mutual Support on a Mission of Love” na layuning paigtingin ang pagmimisyon para sa kapakanan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs).