2,264 total views
Nanawagan ng suporta ang Federation of Free Workers (FFW) sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa pagsusulong ng 150-pesos sa minimum wage sa mga manggagawa.
Ito ang buod ng mensaheng ipinadala ng grupo kay CBCP President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David para sa pakikiisa ng simbahan para sa kabutihan ng mga manggagawa.
“We are aware of the arguments put forth by business groups, including ECOP, PCCI, and FFCCCI, who express concerns about the potential impact of wage increases on the business environment. However, we firmly believe that increasing wages will not only improve the quality of life for workers but also contribute to a stronger consumer base, which, in turn, fuels economic growth.” mensaheng ipinadala ni Matula sa Radio Veritas.
Partikular na tinukoy ni Matula ang kahalagahan ng pagsasabuhay ng ensiklikal ni Saint John Paul II na Laborem Exercens na ngayong taon ay ginugunita ang ika-42 taon ng pagkakalathala.
Ayon sa Labor Group, sa tulong ng pakikiisa ng simbahan ay naniniwalang kagyat na maipaparating sa pamahalaan at mga mambabatas ang kahalagahan na itaas ang natatanggap na suweldo at benepisyo ng mga manggagawa.
“We encourage all parties to engage in constructive dialogue to find solutions that promote the well-being of Filipino workers without compromising the nation’s economic prospects. Your guidance and support in this endeavor would be invaluable, and we look forward to the possibility of working together for the benefit of our nation’s workforce.” ayon pa sa mensaheng ipinadala sa Radio Veritas ng FFW.
Kasama ring nanawagan ng pakikiisa ang FFW sa mga Muslim at iba pang Evangelical Churches upang mapalakas ang apela at makamit ng mga manggagawa ang nararapat na pasahod.
Bukod sa 150-pesos ay isinusulong rin ng Makabayan Bloc sa kongreso ang hanggang sa 750-pesos wage hike upang makamit ang 1,160-pesos na Family Living Wage.