Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 389 total views

Mga Kapanalig, hindi maikakailang tumatak sa isipan ng mga botanteng Pilipino ang pangako noong kampanya ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr na pabababain niya ang presyo ng bigas sa bente pesos kada kilo. Kung mananalo raw siya, isa sa mga gagawin niya sa unang taon ng kanyang administrasyon ang pagbibigay ng subsidiya sa mga magsasaka. Ipag-uutos din daw niyang bilhin ng gobyerno ang ani ng ating mga magsasaka sa mas mataas na presyo. Hahabulin din daw ng kanyang pamahalaan ang mga cartel na kumokontrol sa suplay ng bigas sa pamilihan. Kapag mas masagana ang ani ng ating mga magsasaka, sasapat daw ang suplay ng bigas kaya’t hindi na raw kailangang mag-import ng bigas mula sa ibang bansa.1 

Fast forward sa kasalukuyan, patuloy ang pag-aray ng marami sa presyo ng bigas. Sa mahal nito sa mga pamilihan, naglabas na ang pangulo ng kautusang nagtatakda ng price ceiling sa bigas. Ang isang kilo ng regular-milled rice ay hindi pwedeng ibenta nang lampas sa ₱41, habang ₱45 naman ang pinakamataas na presyo ng isang kilo ng well-milled rice. Maraming manininda ang hiráp sa pagsunod sa price ceiling dahil lugi sila. Binibili kasi nila nang mas mahal sa itinakdang price ceiling ang bigas mula sa mga supplier. 

Kaya naman, maging si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay nagsabing “daydreaming” o tila pananaginip nang gising ang bente pesos na kilo ng bigas. Tanggapin na lang daw nating hindi mararating ang ganitong presyo ng bigas. Masyado raw itong mababa at hindi makatotohanan batay sa kasalukuyang kalagayan ng pandaigdigang pamilihan.2  

Mabigat na pahayag ito mula sa dating presidenteng nagbitiw din ng pangakong mawawala ang problema natin sa kriminalidad, katiwalian, at ipinagbabawal na gamot sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan. Kapag mabigo raw siya, magbibitiw siya sa puwesto.3 Tiyak na marami ring bumoto sa kanya dahil sa pangakong ito—isang pangakong katulad ng pagbababa ng presyo ng bigas ay hindi natupad. Hindi rin naman bumaba sa puwesto ang dating pangulo. Ilang buwan bago matapos ang kanyang termino, inamin ni dating Pangulong Duterte sa isang talumpating nagkamali siya. Nadala lang daw siya ng “payabangan” noong panahon ng kampanya.4  

Hindi natin alam kung marami sa mga bumoto sa dati at kasalukuyan nating mga pangulo ang nadismaya sa mga napakong pangako ng kanilang mga piniling iluklok sa pinakamakapangyarihang posisyon sa gobyerno. Ngunit ang malinaw, lahat tayo ay damay sa pinili ng mas nakararami—ng labing-anim na milyong botanteng nasa likod ng pagkapanalo ng isang lider na akala nila ay may kamay na bakal at ng tumataginting na 31 milyong botanteng nagluklok sa anila’y magbabalik sa atin sa pinaniniwalaan nilang “golden age”. Sa kanilang pagboto, pinanghawakan nila ang mga pangakong malinaw namang suntok sa buwan. Patuloy pa rin ang kriminalidad at kalat pa rin ang ipinagbabawal na gamot. Ngayon naman, presyong ginto na ang mga bilihin. 

Isa sa mga batayang prinsipyo ng mga panlipunang turo ng Simbahan ay ang tinatawag na common good o kabutihang panlahat. Ito sana ang gumagabay sa atin sa tuwing may eleksyon. Ito sana ang isinasaalang-alang natin kapag pumipili tayo ng mga mamumuno sa ating bayan. Ito sana ang mangibabaw kaysa sa magagandang pangakong naririnig natin. Kapag hinayaan nating maloko tayo ng mabubulaklak na salita at matatayog na mga pangarap na malayo sa realidad, mabibigo tayong makamit ang kabutihang panlahat. 

Mga Kapanalig, “ang dila ng may unawa ay nagbubunga ng kaalaman, ngunit ang bibig ng mangmang ay bukal ng kahangalan.” Maging paalala sana ang bersong ito mula sa Mga Kawikaan 15:2 sa tuwing sinusuyo ng mga pulitiko ang sagrado nating boto tuwing eleksyon. Sabi nga, huwag na sana tayong laging magpabudol. 

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 62,278 total views

 62,278 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »

KOOPERATIBA

 77,355 total views

 77,355 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 83,326 total views

 83,326 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 87,509 total views

 87,509 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 96,787 total views

 96,787 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buwan ng mga Katutubong Pilipino

 62,279 total views

 62,279 total views Mga Kapanalig, itinalaga ang Oktubre bilang Buwan ng mga Katutubong Pilipino. Ang tema ng pagdiriwang sa taóng ito ay “Mga Katutubo at Katutubong Dunong: Pahalagahan, Pangalagaan, at Parangalan.” Binibigyang-diin ng temang ito ang pagkilala at pagtataguyod sa mahalagang papel sa buhay ng ating bayan ng mga katutubo at ng kanilang mga kaalaman at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

KOOPERATIBA

 77,356 total views

 77,356 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NCIP

 83,327 total views

 83,327 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

FAMILY BUSINESS

 87,510 total views

 87,510 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 96,788 total views

 96,788 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang kasikatan

 53,355 total views

 53,355 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Deserve ng ating mga teachers

 51,600 total views

 51,600 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makinig bago mag-react

 101,908 total views

 101,908 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga mandaragat

 111,376 total views

 111,376 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 82,796 total views

 82,796 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

18,271 positions

 89,055 total views

 89,055 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iligtas ang mga bata

 103,372 total views

 103,372 total views Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online.  Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaya ng mga pinatay na magulang at kanilang naulila

 88,739 total views

 88,739 total views Mga Kapanalig, sa Mga Kawikaan 26:27, mababasa natin ito: “Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.” Hindi bahagi ng pananampalatayang Kristiyano ang tinatawag sa ibang paniniwala na karma. Ang alam natin, gaya ng ipinahihiwatig ng binasa nating teksto mula sa Mga Kawikaan, ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Serbisyo, hindi utang na loob

 76,330 total views

 76,330 total views Mga Kapanalig, sa kanyang birthday noong ika-13 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na naglaan ang kanyang opisina ng mahigit 300 milyong pisong pondo para gawing libre ang mga serbisyo sa mga pampublikong tertiary hospitals. Dito sa Metro Manila, isa sa mga ospital na ito ang Philippine General Hospital o PGH,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tao ang sentro ng trabaho

 88,932 total views

 88,932 total views Mga Kapanalig, kayo ba ay manggagawa o empleyado? Tuwing malakas ang ulan, bumabagyo, o bumabaha sa mga daanan, naiisip rin ba ninyong sana, katulad ng mga estudyante, wala rin kayong pasok sa inyong pinagtatrabahuhan? Noong kasagsagan ng uláng dala ng Bagyong Enteng at ng hinila nitong habagat, may isang netizen na nagsabing “’pag

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top