5,413 total views
Hinimok ng Archdioces of Jaro ang mamamayan na palalimin ang kaalaman sa pagtatanim ng kawayan sa buong Pilipinas.
Ito ang mensahe ni Msgr.Meliton Oso – Social Action Director ng Arkidiyosesis sa paggunita ngayong buwan ng Setyembre bilang Philippine Bamboo month.
Inihalimbawa ng Pari ang bayan ng Maasin sa Iloilo na kilala bilang ‘Bamboo Capital of the Philippines’ na nagpaunlad sa kabuhayan ng mamamayan sa lugar.
“In addition this benefits in the bamboo can be a big help in fighting climate change in trying to prevent floodings and also a good source of livelihood in the future if we are able to plant enough bamboos to encourage everyone to take into account more seriously the planting of bamboos as tree in the social action network are trying to establish bamboo forest with the strict intentions to fight climate change to stop flooding and off course to generate job or source of income for our people especially the poor so maybe embrace the planting of bamboos the planting of bamboos very seriously,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Msgr.Oso
Ayon kay Msgr. Oso, bukod sa kabuhayan sa pamamagitan ng mga produktong gawa sa kawayan ay naaayon din sa isinusulong ng Laudato Si ang pagtatanim ng kawayan.
Nabatid na mas mataas ng 30% ang sinasalang carbon dioxide ng bamboo forest kumpara sa karaniwang punong kahoy.
“It shall help us in our efforts to generate funds especially for our families and for the future education of our children at the same time we educated them to be more caring about mother earth to care the environment and one big help,” ayon pa sa panayam kay Msgr.Oso.
Noong 2021, naitala ang pagtaas ng Bamboo Export industry ng hanggang 23% kung saan ina-angkat ang kawayan sa ibang bansa bilang raw materials sa paggawa ng ibat-ibang klase ng kasangkapan o kagamitan at pagtatayo ng bahay.