5,588 total views
Nagpahayag ng pasasalamat ang Commission on Human Rights (CHR) sa Senate Bill No. 2440 o CHR Charter na naglalayung higit na palakasin ang tungkulin at misyon bilang isang independent national human rights institution (NHRI).
Nasasaad sa panukalang batas na ini-akda ni Senator Robinhood Padilla ang pagpapalawak sa mandato ng CHR kabilang na ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa mga kaso ng paglabag sa karapatang tao gayundin sa iba pang mga pangunahing karapatang tinataglay ng bawat mamamayan.
“The Commission on Human Rights (CHR) expresses its utmost gratitude on the filing of the Senate Bill No. 2440, also known as the CHR Charter, which seeks to further empower and strengthen CHR’s role as the country’s independent national human rights institution (NHRI).
Authored by Senator Robinhood Padilla, the proposed bill aims to broaden the CHR mandate by expressly including investigations of violations, not just civil and political rights, but also economic, social and cultural rights. The proposed CHR Charter will necessarily lay-out an expanded structural, operational, and functional independence.” Ang bahagi ng pahayag ng CHR.
Inaasahang higit na mapapalakas ng panukalang batas ang kapasidad ng kumisyon upang maisakatuparan ang mandato na maging tagapagbantay at tagapagsulong ng karapatang pantao sa lipunan.
Umaasa naman ang kumisyon sa suporta ng mga mambabatas sa naturang CHR Charter upang kanilang higit na maisulong at matiyak ang pagbibigay halaga at proteksyon sa mga karapatang tinataglay ng bawat mamamayan sa lipunan.
“Previously regarded as a ‘toothless tiger,’ the passage of this bill will give teeth to the Commission through the full realization of its independence and the clear establishment of its role as a watchdog, monitor, advocate, and educator of the government. CHR is hopeful of the support of the Philippine Congress for human rights protection and promotion through the strengthening of the Commission.” Dagdag pa ng CHR.
Binuo ang Commission on Human Rights, matapos ang Martial Law noong 1987 sa ilalim ng Article 13, Section 17 at 18 ng Saligang Batas upang tiyaking hindi umaabuso at lumalabag ang pamahalaan at mga ahensya ng gobyerno sa karapatang pantao ng bawat Filipino.
Kaugnay nito, suportado ng Simbahang Katolika ang mandato at misyon ng komisyon sa pagsusulong ng paninindigan sa pagbibigay halaga sa karapatang pantao at sa mismong buhay ng bawat nilalang na kaloob ng Panginoon sa sangkatauhan.