178 total views
Humingi ng panalangin mula sa mga mananampalataya si Archbishop of Ozamiz Martin Jumoad para sa kaligtasan at katahimikan ng pasko ng mga taga Basilan na dati niyang tahanan.
Ayon sa arsobispo, kahit nasa ibang lugar na siya, naaalala pa rin niya ang mga taga Jolo at Basilan dahil sa kaguluhang nagaganap doon.
Sa kabila na rin ito ng pasasalamat ng arsobispo dahil sa matahimik ang lugar na kanyang napuntahan ngayon.
“Peaceful dito I’m very happy, pero nagdarasal pa rin ako para sa Jolo at Basilan, I know how to live in chaotic place, yan ang pinag iba…We have to pray for Basilan and Jolo that our people our Catholic faith will be able to celebrate and join the Misa de Gallo in a prayer for spirit and in a loving way.” Pahayag ni archbishop Jumoad sa panayam ng Radio Veritas.
Una ng pinangunahan ng Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Guiseppe Pinto ang instalasyon kay archbishop Jumoad bilang bagong arsobispo ng Archdiocese ng Ozamiz sa Immaculate Conception Cathedral sa Ozamiz City noong November 30, 2016.
Nito lamang nakaraang Abril ng taon, 23 ang napatay habang 80 ang nasugatan sa labanan sa pagitan ng mga sundalo at bandidong Abu Sayyaf kung saan higit 20,000 ang mga residenteng nilisan pansamantala ang kanilang mga tahanan bunsod ng kaguluhan.