3,837 total views
Kinundena ng Department of National Defense ang pahayag ng China na sinisira ng sariling defense forces ng Pilipinas ang kalikasan at mga karagatan ng bansa.
Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr, kasinungalingan at kabaliktaran ang naging pahayag ng China ng dahil sa kanilang patuloy na pang-aangkin sa West Philippine Sea (WPS).
Sinabi ni Teodoro na dahil sa patuloy na pagtatayo ng mga illegal na imprastraktura at reclamations activities sa WPS ay tunay na sinisira ng China ang karagatan at mga likas na yamang pagmamay-ari ng Pilipinas.
“The statement of China that the grounded Sierra Madre is causing irrevocable harm is to put it as politely as possible–hypocritical, talk about the pot calling the kettle black! China continues to damage the WPS by its illegal reclamation activities in the SCS and it was found to be a violator of international law in the 2016 Arbitral Award when such activities damaged the marine environment,” ayon sa mensahe ni Teodoro na ipinadala ng DND sa Radio Veritas.
Iginiit ng kalihim na ang pahayag ay pinapababa lamang ng China ang tiwala sa kanila ng international community.
Inihayag ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Mao Ning na kasinungalingan ang paratang ng Pilipinas na sinisira ng China ang kalikasan dahil sa kanilang mga illegal reclamations projects sa West Philippine Sea.
Iginiit ni Ning na mas nakakasira sa karagatan at coral reefs ang pananatili ng barko ng Republika ng Pilipinas o BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
“Disingenuous propaganda lines such as this only serve to expose China’s insincerity and will only heighten the mistrust by the Filipino people and the rest of the world of the Chinese government,” pahayag ni Teodoro.
Naunang ipinatupad ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pananalangin ng Oratio Imperata para sa kahinahunan at kapayapaan sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.