Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 10,638 total views

Homily for 25th Sun in OT, 24 Sept 2023, Mt20:-16a

Sa Tagalog, iba pala ang meaning ng PAREHAS sa PATAS. Pwedeng parehas ang laban pero hindi patas. Pero ang dalawang salitang ito ay concerned lang sa isang bagay: DAPAT PANTAY.

Halimbawa, may tatlong bata, magkakaiba sila ng height: maliit, katamtaman at matangkad. Gusto nilang manood ng basketball, pero may bakod. Si matangkad, nakikita na niya ang laro. Sina maliit at katamtaman, walang makita. Gumawa sila ng paraan—naghanap ng matutungtungan. Nakahanap sila ng tatlong case o lalagyan ng bote ng beer na pwedeng tungtungan. Ano ang parehas? Tig-iiisa sila. Sila namang tatlo ang nakahanap, lahat sila may karapatan, di ba? Pero ano ang patas? Dalawa kay maliit, isa kay medium, at wala kay matangkad. Equality and concern nila: pantay-pantay. Pero hindi naman sila talaga magkakapantay. Ang tunay na equality na gusto nila, bilang magkakaibigan ay makapanood silang lahat. Ah, hindi na equality ang tawag doon sa Ingles, kundi EQUITY. Ang PATAS, kung minsan, parang hindi parehas.

Ganito rin ang isyu sa parable na ating narinig sa ating Gospel reading ngayon: ang kuwento ng mga trabahador na pinagtrabaho sa ubasan. May nagcomplain. Bakit naman ganyan? Hindi kayo patas. Bakit pare-pareho lang ang pinasahod ninyo sa amin, e maaga kaming nag-umpisa at buong araw nagtrabaho. Ang iba sa kanila tanghali na nagsimula, ang iba hapon na, at meron pa ngang isang oras lang gumawa. Ta’s pare-pareho kami ng tinanggap? Unfair naman kayo.

Sabi ng amo: hindi kita dinadaya; iyon naman ang pinagkasunduan natin at legal na pasahod sa isang araw ng trabaho, di ba? Naiinggit ka ba dahil generous ako sa iba? Dahil binigyan ko sila ng konsiderasyon? Palagay ko may hirit pa ang nagko-complain: bakit sa kanila lang kayo generous? Hindi ba pwedeng ipantay ninyo ang konsiderasyon ninyo sa lahat? Di ba pwedeng SANA ALL?

Ah, ito ang mentalidad na tinutumbok ng parable: ang tinatawag sa Ingles na SENSE OF ENTITLEMENT: karapatan. Entitled ka sa tamang sahod sa tinrabaho mo. Pero tatawagin mo rin bang karapatan ang magdemand ng bonus? Parang sinasabi ng amo, “Di ba’t ako ang may karapatan sa desisyon ko kung sino ang bibigyan ko ng extrang konsiderasyon?”

Noong taon na tumira ako ng one year sa Holy Land, sa Jerusalem, minsan nadaan ako sa isang lugar malapit sa Damascus Gate ng old City, kasama ko ang isang kaklase. May nakita akong maraming mga tao na nakatayo, may hawak na karatula at may nakasulat: karpintero, tubero, mason, electrician, welder, atbp. Sabi ng classmate ko, “Iyan ang background doon sa parable tungkol sa mga workers na iba’t ibang oras nakuha para magtrabaho.” Buong akala ko tumatambay lang sila doon; naghahanap pala ng oportunidad na makapagtrabaho.

Palagay ko hindi rin alam ng amo noong una, kaya lagi niyang sinasabi, “Bat ba kayo tatayo-tayo lang diyan?” Ang nagpabago sa pananaw niya ay iyung kinuha niyang huli. “Ba’t ba kayo tumatambay lang?” Sinagot siya, “Hindi po, sir. Kanina pa po kami rito, wala pong kumuha sa amin.” Wow, 5pm na, hindi pa sila gumi-give up, baka sakali, kahit isang oras lang na trabaho, may kitain pa rin sila. Hindi naman sila nag-eexpect ng buong araw na sahod.

Minsan, mukhang parehas lang sitwasyon, pero hindi pala patas. Oo parehas na requirement—college graduate, fluent in English. Pero palagay mo ba, parehas lang nilang ituturing ang may Ateneo o De la Salle diploma doon sa graduate ng Pamantasan ng Culi-Culi? Parehas lang ba nilang ituturing ang English na tama naman pero may Visayan accent, doon sa may American accent?

May ganyang pelikula noon tungkol sa unang black women na nagtrabaho sa NASA bilang researchers, mathematicians at scientists. Required din sila na pumasok na well-dressed at high heeled ang shoes. Nakikilala na rin ang talino nila. Pero siyempre, disadvantaged na agad ang pagiging black at pagiging babae nila. “Hidden Figures” ang pamagat ng pelikula. Minsan, nasita ng boss ang leader ng researchers—dahil nagtatagal siya sa toilet breaks at coffee breaks. Unfair daw siya sa mgakapwa empleyado. Noon lang naglakas ng loob magsalita ang babaeng itim: “Kasi ho, kailangan kong lumakad nang four blocks away para makahanap ng ‘toilet for colored people’. At lahat ng kapehan dito sa building ay ‘for whites only’. Kaya tatakbo ulit ako nang malayo nanaka-high heels para uminom ng panis na kape.” Natauhan ang boss; akala niya parehas ang sitwasyon ng mga trabahador niya; hindi pala patas. Kaya inalis na ang segregation.

Hindi na equality kundi equity ang issue kapag sinabi natin, “you have to level the playing field.” Kaya may kasabihan, “All people are equal but some are more equal than others.” Gusto natin parehas lang pero madalas makalimutan natin hindi patas ang lipunan. Madalas mapaboran ang malakas, sikat, may koneksyon, kakulay, kamaganak, katropa.

Sa kaharian ng Diyos, iba ang criteria ng parehas at patas. Parang magulang sa mga anak. Hindi naman laging pare-pareho ang ibibigay sa mga anak dahil hindi naman pare-pareho ang sitwasyon at pangangailangan nila. Kung may kalamay, parehas ka kung pare-pareho ang putol mo sa kalamay para sa limang anak mo, parehas pero hindi patas. Sa mga Hudyo, si Yahweh ay Diyos daw na walang favoritism. Sa Deut 10: 17-18, sinasabi, “Pinapanigan niya ang mga balo at ulila, mga migrante at mga dehado sa lipunan…” So may pinapaboran din pala siya? OO, yung dukha, nahuhuli at nasasantabi. Kasi, patas siya.

May kuwentong Hudyo tungkol sa dalawang magkapatid: pinamanahan ng parents nila ng lupa, pero hindi ito hinati. Trabahuin daw nila at maghati na lang sila sa pakinabang. Pareho silang farmer. Ang panganay ay tumandang binata. Ang bunso ay nag-asawa at may limang anak. Napagkasunduan nila, 50-50 ang hatian sa pakinabang. Minsan isang gabi, di makatulog si panganay, iniisip ang kapatid na bunso. Nakukunsensya siya, “Marami ang anak ng kapatid kong bunso, mas malaki ang pangangailangan niya. Pero alam ko ma-pride yun, baka magtalo pa kami. Mamayang gabi pag tulog na sila, maglilipat ako ng 20 kaban sa kamalig niya.” Paggising niya, nagulat siya—hindi nabawasan ang palay niya. Parang nadagdagan pa nga. Iyun pala, pareho sila ng iniisip ng kapatid niya. Hanggang minsan isang gabi, nagkasalubong sila. Noon nila naintindihan kung bakit parang hindi nababawasan ang kani-kanilang kamalig. At naiyak sila at nagyakapan. Sa dilim ng gabi at sa kutitap ng mga bituin, ang Diyos Ama sa langit ay nakatanaw, maligaya sa nakitang pagmamahalan ng magkapatid.”

Ang daming nagbabago kapag nagkasalubungan ang mga tao sa malasakit, hindi na sa usapin lang ng parehas, kundi sa usapin ng patas.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 15,843 total views

 15,843 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 30,499 total views

 30,499 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 40,614 total views

 40,614 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 50,191 total views

 50,191 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 70,180 total views

 70,180 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 7,021 total views

 7,021 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 9,151 total views

 9,151 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 9,150 total views

 9,150 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 9,152 total views

 9,152 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 9,148 total views

 9,148 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 10,020 total views

 10,020 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 12,222 total views

 12,222 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 12,255 total views

 12,255 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 13,609 total views

 13,609 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 14,705 total views

 14,705 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 18,913 total views

 18,913 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 14,632 total views

 14,632 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 16,001 total views

 16,001 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 16,263 total views

 16,263 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 24,956 total views

 24,956 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top