4,413 total views
Inaanyayahan ng Diocesan Shrine of Jesus in the Holy Sepulchre sa Landayan, San Pedro ang mananampalataya na dumalo sa kapistahan ni Kapistahan ni San Miguel Arkanghel at ng mga Arkanghel sa ika-29 ng Setyembre, 2023.
Sa paggunita ng kapistahan, pangungunahan ni Father Anton CT Pascual – Pangulo ng Radio Veritas at Executive Director ng Caritas Manila ang banal na misa.
“Ang Hesus sa Banal na Sephulchre o Dambana ni Lolo Uweng sa Landayan, San Pedro, Laguna ay maglulunsad ng Caritas Manila sa Landayan, bilang bahagi ng pagdiwang ng Kapistan ni San Miguel Arkangel at ng mga Arkanghel, sa September 29, huling Biyernes ng buwan na ito, Ito ay gaganapin sa isang concelebrated Mass na pangungunahan ni Rev. FR. Anton C. T. Pascual, Executive Director ng Caritas Manila, inaanyayahan ang makakadalo sa makabuluhang kaganapang ito,” ayon sa mensaheng ipinadala ng Dambana sa Radio Veritas.
Sa gawain ay ilulunsad ng Social Service Development Ministry ng Social Arm ng Archdiocese of Manila ang ‘Caritas Manila sa Landayan’.
Nagsisilbi din ang dambana bilang tahanan ng imahen ni Hesus na nakahimlay sa Banal na Sto.Sepulchro ay kasing tanda ng kampana ng Santo Sepulcro naipatala noong 1836.
September 29, 1969 ng ganap na ideklara ang simbahan bilang isang parokya na bahagi ng Diyosesis ng San Pablo ang Diocesan Shrine of Jesus in the Holy Sepulchre.