Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ipagtanggol ang environmental defenders

SHARE THE TRUTH

 584 total views

Mga Kapanalig, nanatiling pinakapeligrosong bansa ang Pilipinas sa buong Asya para sa mga environmental defenders o tagapagtanggol ng kalikasan. Batay sa report ng Global Witness, isang international NGO, may naitalang 177 environmental defenders na pinaslang noong 2022. Labing-anim sa kanila ay mula sa Asya at labing-isa o mayorya ng mga pinatay ay mula sa Pilipinas. Isang dekada nang nangunguna ang Pilipinas sa Asya bilang “deadliest country for environmentalists”.

Mula 2012, may 281 environmental defenders na naitalang pinaslang sa bansa. Karamihan sa mga kasong ito ay sinsabing may kaugnayan sa kanilang pagtutol sa pagmimina. Binanggit sa report ang kaso ng minahan sa Sibuyan Island sa probinsya ng Romblon. Matatandaang may mga nasugatang mamamayan ng Sibuyan nang gawin nilang barikada ang kanilang mga sarili upang pigilan ang pagpasok sa kanilang komunidad ng mga truck ng mining company na Altai Philippines Mining Corporation. Labis na tinutulan ng mga taga-Sibuyan at iba’t ibang environmental groups ang pagmimina sa probinsya dahil sa mga pinsalang maaaring idulot nito sa mga natural na yaman ng isla at kabuhayan ng mga taga-roon. 

Malaki rin ang banta sa mga environmental defenders na pinoprotektahan ang ating mga karagatan at tabing-dagat mula sa mga mapaminsalang paraan ng pangingisda at mga reclamation projects. Kamakailan lang, natagpuan na sina Jonila Castro at Jhed Tamano, mga environmental defenders na lumalaban sa mga proyektong reklamasyon sa Manila Bay, matapos silang dukutin ng mga militar. Itinatanggi ng militar ang akusasyon ng mga dalaga at sinabing sila ay mga sumukong miyembro ng isang rebeldeng grupo. Iginiit naman nina Jonila at Jhed na dinukot sila ng militar, na hindi sila miyembro ng rebeldeng grupo, at nilalabanan lamang nila ang mga reclamation projects na sisira sa Manila Bay at kabuhayan ng mga mangingisda.  

Nababahala ang mga environmental groups sa laman ng Global Witness report. Para sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (o Pamalakaya), ang report ay isang nakababahalang katotohanan para sa bawat tagapagtanggol ng kalikasan sa ilalim ng peligrosong kalagayan ng pulitika sa bansa. Kinundena naman ng Advocates of Science and Technology for the People (o Agham) ang pananahimik at kawalan ng aksyon ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos sa pagpatay at pagdukot sa mga environmental defenders. Dagdag pa ng Agham, sa kabila raw ng mga pagtutol sa mga proyektong mapanira sa kalikasan, inaaprubahan pa rin ng pamahalaan ang mga ito.

Binibigyang-diin ng mga panlipunang turo ng Simbahan na ang tamang pagtingin ng tao sa kalikasan ay kinakailangang puno ng pagpapahalaga at pasasalamat. Walang karapatan ang taong abusihin o sirain ang kalikasan. Sa panalangin nga ni San Francisco ng Assisi, tinatawag niyang kapatid natin ang araw, buwan, hangin, tubig, at lahat ng nilikha. Lahat tayo ay nilalang ng Diyos. Bawat isa sa atin ay may karapatang makapagbigay-puri sa ating Tagapaglikha sa pamamagitan ng ating pag-iral sa mundong ito. 

Ang karapatang ito ang ipinaglalaban ng mga environmental defenders. Binibigyan nila ng malalim na pagpapahalaga ang kalikasan at itinuturing itong kapatid. Sa kasamaang palad, mayroon pa ring mga Cain sa panahon natin ngayon, mga Cain na pumapaslang ng kanyang kapatid–ang kapatid nating kalikasan at ang kapatid nating pinoprotektahan ito. Hindi lang isang Abel ang pinapatay ng mga Cain na ito kundi daan-daang kapatid nating lumalaban sa mga proyektong mapanira sa kalikasan.  

Mga Kapanalig, matapos patayin ni Cain si Abel sa Genesis 4, itinanggi niyang alam niya kung nasaan ang kapatid niya at sinabing, “Ako ba’y tagapagbantay ng aking kapatid?” Sa gitna ng mga pagpaslang sa mga environmental defenders at pagsira sa ating kalikasan, nawa’y bantayan at ipagtanggol natin ang ating mga kapatid–ang kalikasan at ang mga tagapagtanggol nito.  

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 15,920 total views

 15,920 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 30,576 total views

 30,576 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 40,691 total views

 40,691 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 50,268 total views

 50,268 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 70,257 total views

 70,257 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 15,921 total views

 15,921 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 1,953 total views

 1,953 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 30,577 total views

 30,577 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 40,692 total views

 40,692 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 50,269 total views

 50,269 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 70,258 total views

 70,258 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 47,326 total views

 47,326 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 42,351 total views

 42,351 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 45,920 total views

 45,920 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 58,375 total views

 58,375 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 69,442 total views

 69,442 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 75,761 total views

 75,761 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 80,373 total views

 80,373 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 81,933 total views

 81,933 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 47,494 total views

 47,494 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top