Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Trabaho Para sa Bayan Act

SHARE THE TRUTH

 1,017 total views

Mga Kapanalig, ang dignidad ng paggawa at ang karapatan ng mga manggagawa ay isa sa mga pinahahalagahan ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan. Ang paggawa—o pagtatrabaho—ay higit sa pagkakaroon ng hanapbuhay para mabuhay. Sa pagtatrabaho, tayong mga tao ay nakikilahok sa patuloy na paglikha ng Diyos. Pinagpapala ng Diyos ang ating paggawa nang maibahagi natin sa iba ang mga bunga nito, ayon nga sa Deuteronomio 14:29. Kaakibat ng pagtataguyod sa dignidad ng paggawa ang paggalang sa karapatan ng mga manggagawa—ang karapatang magkaroon ng trabaho, makatanggap ng disente at sapat na sahod, at magkaroon ng pribadong pag-aari.

Sa maraming aspeto, ang dignidad sa paggawa sa Pilipinas ay hindi laging naitataguyod. Sa opisyal na datos ng pamahalaan, nasa 2.27 milyong Pilipino ang walang trabaho noong Hulyo 2023. Katumbas ito ng unemployment rate na 4.8%, mas mataas sa 4.5% noong Hunyo. Mas mababa naman ito kumpara noong kaparehong buwan noong isang taon. Itunuturong sanhi ng mataas na unemployment rate ang mas mabagal na economic activity sa ating bansa. 

Ngunit ang interesanteng datos tungkol sa paggawa sa Pilipinas ay ang tungkol sa underemployment. Itinuturing na underemployed ang isang manggagawa kapag may trabaho nga siya pero gusto pa rin niyang madagdagan ang oras ng kanyang pagtatrabaho para sa dagdag na bayad. Underemployed din ang mga manggagawang gustong magkaroon ng karagdagang trabaho o sideline, sa madaling salita. 

Ang mataas na underemployment rate ay sinasabing patunay na bumababa ang kalidad ng trabaho (o job quality) sa isang bansa. Noong Hulyo 2023, nasa 15.9% ng mga manggagawang Pilipino ang nagsabing sila ay underemployed. Mas mataas ito sa 12% noong Hunyo at sa 13.8% noong Hulyo ng nakaraang taon. Ang 15.9% na underemployment rate ay katumbas ng 7.1 milyong underemployed na Pilipino. Tumaas nga raw ang tinatawag na invisible underemployment rate; ibig sabihin, mas maraming Pilipino ang nagbabanat ng buto nang 40 oras o higit pa sa isang linggo, pero gusto pa nilang magtrabaho pa nang mas matagal para sa dagdag na kita. 

Ang kawalan at kakulangan ng trabaho sa ating bansa ang nais tugunan ng administrasyong Marcos Jr sa pamamagitan ng Trabaho Para sa Bayan Act. Pinirmahan ito ng pangulo bago matapos ang Setyembre. Bubuuin ng batas na ito ang Trabaho Para Sa Bayan Inter-Agency Council na gagawa ng isang national employment master plan. Nakapaloob daw sa planong ito ang mga hakbang na susuporta sa mga micro-, small-, and medium-sized enterprises (o MSMEs). Magkakaroon din ng mga programang magpapahusay o magpapataas sa kasanayan ng mga manggagawa o ang tinatawag na upskilling upang makahanap sila ng ibang trabahong humihingi ng mga bagong kasanayan. Maglalatag din ang master plan ng mga hakbang na magbibigay ng insentibo sa mga employers, lilikha ng trabaho para sa kabataan, at tutulong sa mga OFWs na bumabalik sa bansa. Hindi lang sana sa papel ang magagandang layunin ng bagong batas na ito.

Mga Kapanalig, kumplikadong problema ang kawalan at kakulangan ng trabaho. Sanga-sanga ang mga dahilan kung bakit maraming hindi makahanap ng trabaho at kung bakit nakukulangan ang mga manggagawa sa trabahong mayroon sila. Lubhang mababa ang sahod sa ating bansa gayong napakataas naman ng gastusin natin dahil sa mahal ng mga bilihin at serbisyo. Ang kalidad ng edukasyon ay hindi nakalilikha ng mga manggagawang may mga akmang kasanayan. Ang mga trabahong nangangailangan ng mga manggagawa ay iyong mga hindi nagpapasahod nang regular at sapat. Sa madaling salita, ang uri ng ekonomiyang mayroon tayo ay hindi naglilingkod sa tao. Ito ang pinakamalaki nating problema. Ito ang katotohanang dapat pagnilayan at pagsumikapang tugunan ng ating pamahalaan kung seryoso ito sa pagbibigay ng trabaho para sa bayan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 38,611 total views

 38,611 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 49,686 total views

 49,686 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 56,019 total views

 56,019 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 60,633 total views

 60,633 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 62,194 total views

 62,194 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 38,612 total views

 38,612 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 49,687 total views

 49,687 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 56,020 total views

 56,020 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 60,634 total views

 60,634 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 62,195 total views

 62,195 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 43,514 total views

 43,514 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 66,176 total views

 66,176 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 71,752 total views

 71,752 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 77,233 total views

 77,233 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 88,346 total views

 88,346 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 84,345 total views

 84,345 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 72,047 total views

 72,047 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 80,529 total views

 80,529 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 73,588 total views

 73,588 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 80,512 total views

 80,512 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top