7,565 total views
Biyernes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)
Roma 7, 18-25a
Salmo 118, 66. 68. 76. 77. 93. 94.
Poon, ituro mo sa sa βkin
ang utos mo upang sundin.
Lucas 12, 54-59
Friday of the Twenty-ninth Week in Ordinary TimeΒ (Green)
UNANG PAGBASA
Roma 7, 18-25a
Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma
Mga kapatid, alam kong walang mabuting bagay na nananahan sa akin, ibig kong sabihiβy sa aking katawang makalaman. Kayang-kaya kong magnasa ng mabuti, hindi ko lang magawa ang mabuting ninanasa ko. Sapagkat hindi ko ginagawa ang mabuting ibig ko, kundi ang masamang hindi ko ibig ang siya kong ginagawa. Kung ginagawa ko ang hindi ko ibig, hindi na ako ang may kagagawan nito kundi ang kasalanang nananahan sa akin.
Ito ang natuklasan ko: kapag ibig kong gumawa ng mabuti, ang masama ay malapit sa akin. Sa kaibuturan ng aking puso, akoβy nalulugod sa kautusan ng Diyos. Subalit nararamdaman kong may ibang tuntunin sa mga bahagi ng aking katawan at itoβy salungat sa tuntunin ng aking isip. Dahil dito, akoβy naalipin ng kasalanang nananahan sa mga bahagi ng aking katawan. Kahabag-habag ang kalagayan ko! Sino ang magliligtas sa akin sa katawang ito na nagdudulot sa akin ng kamatayan? Ang Diyos sa pamamagitan ni Hesukristo na ating Panginoon! Salamat sa kanya!
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 118, 66. 68. 76. 77. 93. 94.
Poon, ituro mo sa sa βkin
ang utos mo upang sundin.
Akoβy bigyan mo ng dunong, ng tunay na karunungan,
yamang akoβy nagtiwala sa utos mong ibinigay.
Poon, ituro mo sa sa βkin
ang utos mo upang sundin.
Kay buti mo, Panginoon! Kay ganda ng iyong loob,
sa akin ay ituro mo ang bigay mong mga utos.
Poon, ituro mo sa sa βkin
ang utos mo upang sundin.
Aliwin mo sana ako niyang pag-ibig mong lubos,
katulad ng binitiwang pangako sa iyong lingkod.
Poon, ituro mo sa sa βkin
ang utos mo upang sundin.
Sa akin ay mahabag ka, at ako ay mabubuhay,
ang lubos kong kasiyahaβy nasa iyong kautusan.
Poon, ituro mo sa sa βkin
ang utos mo upang sundin.
Ang utos moβy susundin ko, di ko ito tatalikdan,
pagkat dahil sa utos mo, ako ngayoβy nabubuhay.
Poon, ituro mo sa sa βkin
ang utos mo upang sundin.
Ang lingkod moβy iyong-iyo, kaya ako ay iligtas,
ang pagsunod sa utos mo ay siya kong sinisikap.
Poon, ituro mo sa sa βkin
ang utos mo upang sundin.
ALELUYA
Mateo 11, 25
Aleluya! Aleluya!
Papuri sa Diyos Ama
pagkat ipinahayag nβya
Hari sβya ng mga aba!
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Lucas 12, 54-59
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao, βKapag nakita ninyong makapal ang ulap sa kanluran, sinasabi ninyong uulan, at gayun nga ang nangyayari. At kung umihip ang hanging timog ay sinasabi ninyong iinit, at nagkakagayon nga. Mga mapagpaimbabaw! Marunong kayong bumasa ng palatandaan sa lupaβt sa langit, bakit hindi ninyo mabasa ang mga tanda ng kasalukuyang panahon?
Bakit hindi ninyo mapagpasiyahan kung alin ang matuwid? Kapag isinakdal ka sa hukuman, makipag-ayos ka sa nagsakdal habang may panahon; baka kaladkarin ka niya sa hukuman, at ibigay ka ng hukom sa tanod, at ibilanggo ka naman nito. Sinasabi ko sa iyo: hindi ka makalalabas doon hanggaβt hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang sentimo.β
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-29 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes
Sinasabi ng Panginoon na maging handa tayo sa araw ng kanyang pagbabalik. Dumulog tayo sa Ama habang nananalangin, naghahanda, at naghihintay sa pagdating ng Panginoon.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ihanda mo kami sa iyong paghahari, Panginoon.
Ang Simbahan nawaβy tumugon sa panawagan sa pagbabago at pagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga taong may mabuting kalooban nawaβy sama-samang kumilos upang bigyang tuldok ang giyera at suklam, paniniil at kawalang katarungan, manalangin tayo sa Panginoon.
Tayo nawaβy mas higit na maging mulat sa presensya ni Kristo sa gitna ng mahihirap at nagdurusa, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit nawaβy mabigyan ng lakas at pag-asa, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang ating mga kaibigan at kamag-anak na yumao nawaβy tumanggap ng walang hanggang kaligayahan sa piling ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.
Makapangyarihang Ama, pakinggan mo ang aming mga panalangin. Buksan mo ang aming mga mata sa iyong presensya. Gawin mo kaming malapit sa iyo araw-araw. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.