Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

LINGGO, OKTUBRE 29, 2023

SHARE THE TRUTH

 6,744 total views

Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Exodo 22, 20-26
Salmo 17, 2-3a 3bk-4. 47 at 51ab

Poong aking kalakasan,
iniibig kitang tunay.

1 Tesalonica 1, 5k-10
Mateo 22, 34-40

Sunday of the Thirtieth Week in Ordinary Timeย (Green)
Prison Awareness Sunday

UNANG PAGBASA
Exodo 22, 20-26

Pagbasa mula sa aklat ng Exodo

Ito ang sinasabi ng Panginoon: โ€œHuwag ninyong aapihin ang mga taga-ibang bayan; alalahanin ninyong nangibang-bayan din kayo sa Egipto. Huwag din ninyong aapihin ang mga babaing balo at ang mga ulila. Kapag inapi ninyo sila at dumaing sa akin, diringgin ko sila. Dahil dito, kapopootan ko kayo at lilipulin sa pamamagitan ng digmaan. Sa gayoโ€™y mababalo rin ang inyu-inyong asawa at mauulila ang inyong mga anak.

โ€œKapag nangungutang sa inyo ang mga kababayan ninyong mahihirap, huwag kayong hihingi ng tubo, tulad ng ginagawa ng mga usurero. Kapag may nagsanla sa inyo ng balabal, ibalik ninyo iyon sa kanya bago lumubog ang araw sapagkat iyon lamang ang pambalot niya sa katawan; wala siyang kukumutin sa pagtulog. Kapag siyaโ€™y dumaing sa akin, diringgin ko siya sapagkat akoโ€™y mahabagin.โ€

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 17, 2-3a 3bk-4. 47 at 51ab

Poong aking kalakasan,
iniibig kitang tunay.

O Panginoon kong aking kalakasan,
minamahal kita nang tunay na tunay.
Panginooโ€™y batong hindi matitibag,
matibay kong muog at Tagapagligtas.

Poong aking kalakasan,
iniibig kitang tunay.

Dโ€™yos ko ang sa akin ay sโ€™yang nag-iingat,
Tagapagtanggol ko at aking kalasag.
Sa โ€˜yo, Panginoon, akoโ€™y tumatawag
sa mga kaaway akoโ€™y โ€˜yong iligtas.

Poong aking kalakasan,
iniibig kitang tunay.

Panginooโ€™y buhay, siyaโ€™y Tagapagligtas,
matibay kong muog, purihin ng lahat.
Sa piniling hari, dakilang tagumpay,
ang kaloob ng Dโ€™yos sa kanyang hinirang.

Poong aking kalakasan,
iniibig kitang tunay.

IKALAWANG PAGBASA
1 Tesalonica 1, 5k-10

Pagbasa mula sa unang sulat
ni Apostol San Pablo sa mga taga-Tesalonica

Mga kapatid, nakita ninyo kung paano kami namuhay sa inyong piling โ€“ itoโ€™y ginawa namin para sa inyong kabutihan. Tinularan ninyo kami, at ang Panginoon. Tinanggap ninyo ang Mabuting Balita, at dahil ditoโ€™y nagdanas kayo ng katakut-takot na hirap. Gayunman, taglay pa rin ninyo ang kagalakang kaloob ng Espiritu Santo. Kayaโ€™t naging huwaran kayo ng mga kapatid sa Macedonia at Acaya. Sapagkat hindi lamang ang salita ng Panginoon ang lumaganap sa Macedonia at Acaya sa pamamagitan ninyo. Pati ang balita tungkol sa inyong pananampalataya ay kumalat sa lahat ng dako. Anupaโ€™t hindi na kailangang magsalita pa kami tungkol dito. Sila na ang nagbabalita kung paano ninyo kami tinanggap. Sila rin ang nagsabing tinalikdan na ninyo ang pagsamba sa mga diyus-diyosan upang maglingkod sa tunay at buhay na Diyos, at maghintay sa kanyang Anak na si Hesus. Siya ang muling binuhay na magbabalik mula sa langit at magliligtas sa atin sa darating na poot ng Diyos.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Juan 14, 23

Aleluya! Aleluya!
Ang sa akiโ€™y nagmamahal
tutupad sa aking aral.
Amaโ€™t akoโ€™y mananahan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 22, 34-40

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, nagtipun-tipon ang mga Pariseo nang mabalitaan nilang napatahimik ni Hesus ang mga Seduseo. At isa sa kanila, isang dalubhasa sa Kautusan ang nagtanong kay Hesus upang subukin ito: โ€œGuro, alin po ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?โ€ Sumagot si Hesus, โ€œIbigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos. Ito naman ang pangalawa: โ€œIbigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong Kautusan ni Moises at ang turo ng mga propeta.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Inatasan tayo ng Panginoon na gawin ang lahat sa liwanag ng pagmamahal. Sa diwa ng pananampalataya ating hingin ang kanyang gabay upang maging kasangkapan sa paghihilom ng mga sakit at lumbay na dinaranas ng bawat isa sa panahong ito ng pandemiya sa pamamagitan ng kanyang walang maliw na pag- ibig. Sa bawat panalangin, ating itutugon:

Panginoon sa iyong pag-ibig, dinggin mo ang aming panalangin!

Upang ang simbahan na laganap sa buong daigidig sa pamumuno ni Francisco na ating Santo Papa, mga Obispo at ng lahat ng Kaparian ay maging daluyan ng mapanumbalik at walang maliw na pag-ibig ng Diyos sa atin. Manalangin tayo sa Panginoon!

Upang ang mga namumuno sa ating pamahalaan, ang sangay ng ehekutibo, hudikadura at lehislatura ay magka-isa at kanilang alalahanin na sila ay pinagkatiwalaan ng Diyos ng karunungan para gamitin sa tamang paraan upang ang dinaranas nating mga pagyurak sa karapatang pantao ay magkaroon ng lunas. Manalangin tayo sa Panginoon!

Upang ang mga taong naatasang mangalaga sa larangan ng kalusugan ay bigyan ng lakas ng loob na magampanan nila ang kanilang tungkulin sa pagliligtas ng buhay ng mga taong dinapuan ng karamdaman. Manalangin tayo sa Panginoon!

Upang ang mga naatasang mangalaga sa ating mga kapatid na nasa loob ng piitan, ang Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Corrections at sa lahat ng mga piitan sa ating bansa ay magampanan ang kanilang tungkulin ng may kasamang pagmamahal ayon sa kautusan ng ating Panginoon. Manalangin tayo sa Panginoon!

Upang ang lahat ng Kristiyano ay tumugon sa panawagan ng Panginoon sa pagbabahagi ng walang maliw na pag ibig ng Diyos; at mapaghilom ang mga sakit at lumbay na dinaranas ng bawat isa dulot ng ibaโ€™t-ibang karamdamang pisikal at emosyonal na nagpapahirap sa mga tao. Manalangin tayo sa Panginoon!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan.ย (Tumigil saglit.)ย Manalangin tayo!

Panginoon, sa pamamagitan ng iyong wagas na pag-ibig sa amin, pinagkalooban mo kami ng buhay at kaligtasan. Tulungan mo kami na tuparin ang pinaka mahalagang utos na โ€œIbigin ang Diyos ng buong puso, kaluluwa, isip at kalakasan.โ€ Gayundin naman, patuloy nawa kaming maging tagapag-bahagi ng pag-asa sa aming kapwa lalo na ngayong panahon ng pandemiya. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ng iyong anak na si Hesus kasama ng Banal na Espiritu.

Amen!

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 11,243 total views

 11,243 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More ยป

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 21,358 total views

 21,358 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More ยป

Phishing, Smishing, Vishing

 30,935 total views

 30,935 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng โ€œlove onlineโ€? mag-ingat po sa paghahanap ng โ€œwrong loveโ€ sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More ยป

Veritas Editorial Writer Writes 30

 50,924 total views

 50,924 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa โ€œlongtimeโ€(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes โ€œDidithโ€ Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si โ€œDidithโ€ ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More ยป

Climate justice, ngayon na!

 42,028 total views

 42,028 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More ยป

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Biyernes, Nobyembre 15, 2024

 1,510 total views

 1,510 total views Biyernes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Juan, 4-9 Salmo 118, 1. 2. 10. 11. 17. 18 Mapalad ang sumusunod sa utos ng Poong Diyos. Lucas 17, 26-37 Friday of the Thirty-second Week in Ordinary Timeย (Green) UNANG PAGBASA 2 Juan, 4-9 Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Juan Hirang

Read More ยป

Huwebes, Nobyembre 14, 2024

 1,656 total views

 1,656 total views Huwebes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filemon 7-20 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Mapalad ang kinukupkop ng Poong Diyos ni Jacob. Lucas 17, 20-25 Thursday of the Thirty-second Week in Ordinary Timeย (Green) UNANG PAGBASA Filemon 7-20 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo kay Filemon Pinakamamahal ko, ang iyong pag-ibig

Read More ยป

Miyerkules, Nobyembre 13, 2024

 2,227 total views

 2,227 total views Miyerkules ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Tito 3, 1-7 Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6 Pastol koโ€™y Panginoong Dโ€™yos, hindi ako magdarahop. Lucas 17, 11-19 Memorial of Saint Martin of Tours, Bishopย (White) Saturday of the Thirty-second Week in Ordinary Time (II) UNANG PAGBASA Tito 3, 1-7 Pagbasa mula sa sulat ni

Read More ยป

Martes, Nobyembre 12, 2024

 2,429 total views

 2,429 total views Paggunita kay San Josafat, obispo at martir Tito 2, 1-8. 11-14 Salmo 36, 3-4. 18 at 23. 27 at 29 Nasa Dโ€™yos ang kaligtasan ng mga matโ€™wid at banal. Lucas 17, 7-10 Memorial of St. Josaphat, Bishop and Martyrย (Red) Mga Pagbasa mula sa Martes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA

Read More ยป

Lunes, Nobyembre 11, 2024

 2,751 total views

 2,751 total views Paggunita kay San Martin ng Tours, obispo Tito 1, 1-9 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. Lucas 17, 1-6 Memorial of St. Martin of Tours, Bishopย (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Tito 1, 1-9 Ang simula ng

Read More ยป

Linggo, Nobyembre 10, 2024

 2,807 total views

 2,807 total views Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) 1 Hari 17, 10-16 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalulโ€™wa ko, โ€˜yong purihin ang Panginoong butihin. Hebreo 9, 24-28 Marcos 12, 38-44 o kayaย Marcos 12, 41-44 Thirty-second Sunday in Ordinary Timeย (Green) UNANG PAGBASA 1 Hari 17, 10-16 Pagbasa mula sa unang aklat ng mga Hari Noong mga

Read More ยป

Sabado, Nobyembre 9, 2024

 3,343 total views

 3,343 total views Kapistahan ng Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan sa Laterano, Roma Ezekiel 47, 1-2. 8-9. 12 Salmo 45, 2-3. 5-6. 8-9. Sa bayan ng Dakilang Dโ€™yos batis nโ€™yaโ€™y may tuwang dulot. 1 Corinto 3, 9k-11. 16-17 Juan 2, 13-22 Feast of the Dedication of the Lateran Basilica in Romeย (White) UNANG PAGBASA Ezekiel 47, 1-2. 8-9.

Read More ยป

Biyernes, Nobyembre 8, 2024

 3,139 total views

 3,139 total views Biyernes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 17 โ€“ 4, 1 Salmo 121, 1-2. 3-4a. 4b-5 Masaya tayong papasok sa tahanan ng Poong Dโ€™yos. Lucas 16, 1-8 Friday of the Thirty-first Week in Ordinary Timeย (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 17 โ€“ 4, 1 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San

Read More ยป

Huwebes, Nobyembre 7, 2024

 3,293 total views

 3,293 total views Huwebes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 3, 3-8a Salmo 104, 2-3. 4-5. 6-7 Ang may pusong tapat sa Dโ€™yos ay may kagalakang lubos. Lucas 15, 1-10 Thursday of the Thirty-first Week in Ordinary Timeย (Green) UNANG PAGBASA Filipos 3, 3-8a Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos

Read More ยป

Miyerkules, Nobyembre 6, 2024

 3,532 total views

 3,532 total views Miyerkules ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 12-18 Salmo 26, 1. 4. 13-14 Panginooโ€™y aking tanglaw, siyaโ€™y aking kaligtasan. Lucas 14, 25-33 Wednesday of the Thirty-first Week in Ordinary Timeย (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 12-18 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga minamahal, higit na

Read More ยป

Martes, Nobyembre 5, 2024

 3,744 total views

 3,744 total views Martes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Filipos 2, 5-11 Salmo 21, 26b-27. 28-30a. 31-32 Pupurihin kita, Poon, ngayong kamiโ€™y natitipon. Lucas 14, 15-24 Tuesday of the Thirty-first Week in Ordinary Timeย (Green) UNANG PAGBASA Filipos 2, 5-11 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mga kapatid, magpakababa kayo

Read More ยป

Lunes, Nobyembre 4, 2024

 3,607 total views

 3,607 total views Paggunita kay San Carlos Borromeo, obispo Filipos 2, 1-4 Salmo 130, 1. 2. 3 Sa iyong kapayapaan, Dโ€™yos ko, akoโ€™y alagaan. Lucas 14, 12-14 Memorial of St. Charles Borromeo, Bishopย (White) Mga Pagbasa mula sa Lunes ng Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) UNANG PAGBASA Filipos 2, 1-4 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol

Read More ยป

Linggo, Nobyembre 3, 2024

 3,735 total views

 3,735 total views Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (B) Deuteronomio 6, 2-6 Salmo 17, 2-3a. 3kb-4. 47 at 51ab Poong aking kalakasan, iniibig kitang tunay. Hebreo 7, 23-28 Marcos 12, 28b-34 Thirty-first Sunday in Ordinary Timeย (Green) UNANG PAGBASA Deuteronomio 6, 2-6 Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio Sinabi ni Moises sa mga tao: โ€œMatakot kayo sa

Read More ยป

Sabado, Nobyembre 2, 2024

 3,976 total views

 3,976 total views Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano Mga Pagbasa para sa Unang Misa 2 Macabeo 12, 43-46 Salmo 103, 8 at 10. 13-14. 15-16. 17-18. Panginooโ€™y nagmamahal at maawain sa tanan. Roma 8, 31b-35. 37-39 Juan 14, 1-6 Commemoration of All the Faithful Departed (All Soulโ€™s Day)ย (Violet or White) UNANG PAGBASA 2

Read More ยป

Biyernes, Nobyembre 1, 2024

 4,119 total views

 4,119 total views Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal Pahayag 7, 2-4. 9-14 Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. 1 Juan 3, 1-3 Mateo 5, 1-12a Solemnity of All Saintsย (White) UNANG PAGBASA Pahayag 7, 2-4. 9-14 Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag Akoโ€™y si Juan, at nakita kong

Read More ยป
Scroll to Top