28,822 total views
Muling hinikayat ni Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle ang lahat ng mananampalataya na patuloy na ipanalangin ang isinasagawang Synod of Bishops sa Vatican.
Ang 16th Ordinary General Assembly of the Synod of Bishops ay isasagawa hanggang sa October 29, at susundan ng ikalawang bahagi ng pagtalakay sa October ng susunod na taon.
Ayon kay Cardinal Tagle-prefect of the Dicastery for Evangelization at dating arsobispo ng Maynila -ang ginagawang talakayan ay hindi lamang tungkol sa pananampalataya kundi bahagi ang buong sangkatauhan.
“So please pray for us. You are a part of this Synod, you are not just spectators, this is a synod for the whole church. Everyone is walking with the others,” ayon kay Cardinal Tagle.
Bukod kay Cardinal Tagle na bahagi ng kinatawan ng Roman Curia, kabilang din sa mga Filipinong delegado sina Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara ang pangulo at pangalang pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines; at si Manila Archbishop Jose Cardinal Rosales.
Bahagi din sinodo ang Filipinang layko at Theologian na si Estella Padilla na kabilang sa 70-non bishop members with voting power na itinalaga ni Pope Francis.
Related story: Synod on Synodality: ‘The whole church is called to the mission’-Bishop David