484 total views
Ang Mabuting Balita, 21 Oktubre 2023 – Lucas 12: 8-12
KAGANAPAN NG BUHAY
Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Sinasabi ko sa inyo, ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilanlin din naman ng Anak ng Tao sa harapan ng mga anghel ng Diyos. Ngunit ang magtatwa sa akin sa harapan ng mga tao ay itatatwa ko rin naman sa harapan ng mga anghel ng Diyos.
“Ang sinumang magsalita laban sa Anak ng Tao ay mapatatawad; ngunit ang lumait sa Espiritu Santo ay hindi mapatatawad. Kapag kayo’y dinala nila sa sinagoga, o sa harapan ng mga tagapamahala at ng mga maykapangyarihan upang litisin, huwag ninyong isipin kung paano ninyo ipagtatanggol ang sarili o kung ano ang inyong sasabihin. Sapagkat sa oras na iyon, ang Espiritu Santo ang magtuturo sa inyo kung ano ang dapat ninyong sabihin.”
————-
Paano hindi magiging masyadong makapangyarihan ang Espiritu Santo? Ito ay ang Espiritu ng Diyos! Kung itatwa natin ang pamamalagi ng Espiritu Santo, itinatatwa natin ang pamamalagi ng Diyos. Isa sa mga dahilan kung bakit ang Pananampalataya, o ang paniniwala sa mga bagay na hindi nakikita, ay maaaring mangyari, ay sapagkat hindi tayo katawan lamang. Tayo ay nabubuhay sapagkat mayroon tayong espiritu. Kapag iniwan ng espiritu natin ang ating katawan, PATAY NA TAYO.
Sa pamamagitan ng ating Binyag, tayo ay binigyan ng napakagandang pagkakataong makipag-ugnayan sa Espiritu ng Diyos upang makamit natin ang KAGANAPAN NG BUHAY. Sa pagtatapos ng buhay natin dito sa lupa, magkakaroon tayo ng pinakadakilang pagkakataong makaisa ang Espiritu ng Diyos sa buhay na walang hanggan!
Pinasasalamatan ka namin, O Panginoon, sa pagpapadala mo sa amin ng iyong Espiritu, na nagbigay sa amin ng napakagandang pagkakataon na mabuhay ng ganap!