Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 705 total views

Mga Kapanalig, bilang mga tao, tayo ay may mga karapatang dapat na makamit. Nakaugat ang mga ito sa ating dignidad. At sa ating pananampalatayang Katoliko, ang dignidad na ito ay nagmumula sa katotohanang nilikha tayong kawangis ng Diyos. Itinuturo din sa ating ang dignidad ng tao ay mapangangalagaan kung pangangalagaan din ang ating mga karapatan. Ang bawat isa ay may karapatang mabuhay at makamit ang mga bagay na kailangan para sa isang disenteng buhay. Sa pagkamit ng mga karapatang ito, dapat nating gampanan ang ating mga tungkulin sa ating kapwa, sa ating pamilya, at sa ating bayan.

May mga pagkakataong lumalabis tayo sa paggigiit sa mga bagay na sa ating tingin ay dapat nating matanggap, sa mga bagay na lampas sa ating mga karapatan. Naniniwala tayong may mga pribiliheyo tayong dapat na ibigay sa atin. Umaabot tayo sa puntong naniniwala tayong umiikot sa atin ang buong mundo. Ang mga sinasabi nating mga karapatan natin ay hindi na umuusbong sa ating pagiging nilikha ng Diyos. Hindi na sila ginagarantiya ng mga batas ng bansa. Nagsisimula na tayong humingi ng mga benepisyo at kaginhawahan bilang isang “karapatan”. Ito ang tinatawag na sense of entitlement.

Kahit noong panahon ni Hesus, maraming may sense of entitlement. At ang kanilang mga ginagawa sa ngalan ng sense of entitlement na ito ang pinuna ng ating Panginoon. Sa Mateo 23:6-7, halimbawa, matutunghayan natin ang mga Pariseo na laging “nais… ay ang mga upuang pandangal sa mga handaan at ang mga pangunahing upuan sa sinagoga. Gustung-gusto nilang binabati sila sa mga palengke, at tawaging ‘guro.’” “Mas ginusto nilang parangalan sila ng tao kaysa parangalan ng Diyos,” wika naman sa Juan 12:43. Kaya naman, ang turo ni Hesus sa kanyang mga alagad—at sa ating nais maging tagasunod Niya—“Sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kailangang itakwil ang kanyang sarili.” Mababasa natin ‘yan sa Mateo 16:24.

Nakalulungkot na sa panahon natin ngayon, kitang-kita ang mga may sense of entitlement. Nabalitaan ninyo marahil ang balita tungkol sa isang nag-viral na video na ipinakitang pansamantalang pagpapatigil sa daloy ng trapiko sa Commonwealth Avenue dito sa Quezon City. Ayon sa pulis na kausap na kumuha ng video, may daraan daw kasing VIP o very important person. Ilang minutong pinatigil ang daan-daang motorista upang komportableng makatawid ng highway ang convoy ng hindi pa rin pinapangalanang VIP. 

Nakalulungkot na mataas na opisyal ng gobyerno ang sinasabing VIP, isang opisyal na nanumpang maglilingkod sa taumbayan, isang opisyal na alam sana ang pinagdadaanan ng mga mamamayang katulad ng mga motoristang laging naiipit sa trapiko. Kung totoo man ito, wala na yata talaga ang panahong walang wangwang, walang sirena, walang mga naghahawi ng mga sasakyan para makadaan ang mga VIP. Sa madaling salita, wala na ang pagbabawal sa mga abusado sa kalsada, sa mga gumagamit sa kanilang kapangyarihan para sa kanilang kaginhawahan, sa mga may sense of entitlement.

Ang mas nakapagtataka pa, sa halip na ipaalam sa publiko kung sino ang umabala sa mga motorista at mananakay para lamang tumawid, ang hinabol at nais kasuhan ng mga pulis ay ang nag-upload ng video. Inalis din muna sa puwesto ang pulis na nagbanggit ng pangalan ng VIP, bagamat sigurado namang sumusunod lamang siya sa iniutos ng mga nakatataas sa kanya.

Mga Kapanalig, maalala sana ng ating mga lider na ang kanilang posisyon ay hindi nagbibigay sa kanila ng kapangyarihang mag-astang mga hari at reynang laging pinaglilingkuran. Sila ang dapat na naglilingkod sa taumbayan. Kaakibat sana ng paglilingkod na ito ang pagiging maláy at mulát sa nararanasan ng kanilang mga pinaglilingkuran. Hindi nila ito magagawa kung matindi ang kanilang sense of entitlement.

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Moral conscience

 1,981 total views

 1,981 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 9,104 total views

 9,104 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 16,307 total views

 16,307 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »

Bulag na tagasunod

 21,661 total views

 21,661 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 29,267 total views

 29,267 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Moral conscience

 1,982 total views

 1,982 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagpa-parking/budget insertions

 9,105 total views

 9,105 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Season of Creation

 16,308 total views

 16,308 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bulag na tagasunod

 21,662 total views

 21,662 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwag kalimutan ang mga desaparecidos

 29,268 total views

 29,268 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Setyembre ay Philippine Film Industry Month. Sinimulan ito noong 2021 upang pangalagaan at pagyamanin ang kultura ng pelikulang Pilipino batay sa prinsipyo ng pagkakaisa sa pagkakaiba-iba o “unity in diversity”. Pinahahalagahan din ang pagkakaroon ng malayang artistic and intellectual expression. Ngunit taliwas sa pagdiriwang na ito ang tila

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipaliwanag ang OVP budget

 33,689 total views

 33,689 total views Mga Kapanalig, nag-trending noong isang linggo sa social media ang panawagang bigyan ng zero budget ang Office of the Vice President. Ito ay matapos ang mainit na pagdinig ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa budget ng OVP para sa susunod na taon.  Sa pagdinig, panay ang pag-iwas ni Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nang binawi ang palakpakan

 73,272 total views

 73,272 total views Mga Kapanalig, humupa na ang palakpakan ng mga pulitiko sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dahil dito, nalulungkot si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, isa sa numero unong tagasuporta ng dating pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang hepe ng Philippine National Police (o PNP), ipinatupad ng nakaraang administrasyon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalala sa mga mister

 80,826 total views

 80,826 total views Mga Kapanalig, madalas gamitin ang Efeso 5:22-24 para pangatwiranan ang pagpapasailalim ng mga babae sa kanilang asawa. Ganito ang mababasa natin: “Mga babae, pasakop kayo sa sarili ninyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya… Kung paanong

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makatotohanang datos

 76,709 total views

 76,709 total views Mga Kapanalig, tumaas siguro ang kilay ninyo nang marinig ang sinabi ng National Economic and Development Authority (o NEDA) na ang isang Pilipinong may ₱64 para ipambili ng pagkain sa isang araw ay hindi maituturing na food poor. Take note, pang-isang araw na ang ₱64. Ibig sabihin, kung tatlong beses kumakain ang isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng mga Baybaying Komunidad

 88,256 total views

 88,256 total views Bilang arkipelago, tayo ay napapaligiran ng mga katubigan. Ang ating mga dalampasigan ay hindi lamang nagtataglay ng likas na kagandahan, nagsisilbi ring silang pangunahing kabuhayan ng maraming komunidad. Ang mga baybaying komunidad ay umaasa sa karagatan para sa kanilang ikinabubuhay, mula sa pangingisda, pag-aalaga ng mga yamang-dagat, hanggang sa turismo. Subalit, ang kanilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Seniors

 92,363 total views

 92,363 total views Ang mga nakakatanda o senior citizens ay isang mahalagang bahagi ng ating lipunan. Sila ay ating mga haligi ng pamilya na nagtaguyod ng mga henerasyon. Hindi matatawaran ang kanilang naging ambag sa sa kasaysayan at pag-unlad ng bansa. Sa kabila ng kanilang kahalagahan, ang mga senior citizens sa Pilipinas ay nahaharap sa iba’t

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sanitasyon

 69,260 total views

 69,260 total views Ang sanitasyon ay isang mahalagang aspeto ng kalusugan ng tao na may direktang epekto sa kalidad ng buhay ng mamamayan at public health. Dito sa ating bayan, ang sanitasyon ay malaking hamon lalo pa’t marami sa ating mga komunidad ay may limitadong access na malinis na tubig at maayos na palikuran. Alam mo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Leptospirosis: problema sa pag-uugali o pagbabaha?

 69,228 total views

 69,228 total views Mga Kapanalig, matapos ang malalakas na ulan at malalang pagbaha dala ng bagyo at habagat noong Hulyo, dumami muli ang kaso ng leptospirosis sa bansa. Sabi ng Department of Health (o DOH) noong nakaraang linggo, mahigit 2,100 na kaso na ang naitala mula sa simula ng taon hanggang noong Agosto 3. Bagamat mas

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

We deserve better

 68,579 total views

 68,579 total views Mga Kapanalig, sa isang open letter o sulat bilang pasasalamat sa mga nagpahayag ng pagsuporta sa kanya matapos niyang sabihing may mga banta sa kanyang kaligtasan, hindi pinalampas ni Vice President Sara Duterte ang pagkakatong pasaringan ang gobyerno. Pinuna niya ang pamahalaan dahil hinahayaan daw nitong magutom, mabuhay sa kahirapan, at mabiktima ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

World Humanitarian Day

 62,112 total views

 62,112 total views Mga Kapanalig, ngayon ay World Humanitarian Day. Paano nagsimula ito? Sa araw na ito noong Agosto 2003, o mahigit dalawang dekada na ang nakaraan, 22 na humanitarian aid workers ang nasawi sa pambobomba sa United Nations Headquarters sa Baghdad, Iraq. Limang taon pagkatapos ng trahedyang iyon, idineklara ng United Nations General Assembly ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top