12,825 total views
Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang patuloy na pagsuporta sa kampanya ng Philippine Charity and Sweepstakes Office (PCSO) upang labanan ang illegal online lotto operators sa bansa.
Ayon kay Interior Secretary Benhur Abalos, tutulungan ng kagawaran ang PCSO upang matukoy ang cyber criminals na kumikita ng bilyon-bilyong piso habang lalong naghihirap ang mamamayang higit na nangangailangan ng tulong.
Ginawa ni Abalos ang pahayag matapos na magsampa ng kaso si PCSO General Manager Mel Robles laban sa mga indibidwal sa likod ng apat na kumpanyang sangkot sa iligal na operasyon ng online lottery sa bansa.
“We are one with the PCSO in its desire to provide help especially medical assistance to as many poor people as possible. But they (PCSO) can’t fulfill their mandate if there are evil people who were stealing the agency’s revenue using their technological know-how.” pahayag ni Abalos.
Inatasan naman ng kalihim ang Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group upang puspusang matukoy ang mga grupo o indibidwal na maaaring sangkot sa ilegal na operasyon.
Una nang inihayag ni Robles na bilyon-bAilyong piso ang nalulugi sa PCSO dahil sa iligal na gawain ng mga kawatan na nakaantala sa pagpapatupad ng mga programa ng ahensya para sa mga mahihirap.
“You can just imagine the damage these suspects are doing to the causes and advocacies of PCSO which is mandated to provide all forms of assistance to the people especially the poor.” giit ni Abalos.
Inihain ng PCSO ang mga reklamong usurpation of authority, illegal gambling at paglabag sa RA 1169 laban sa Eplayment Corporation, Paymero Technologies Limited, GlobalComRCI International, and Blockchain Smart-Tech Co. I.T. Consultancy sa Mandaluyong Prosecutors Office.
Kaugnay ito sa operasyon ng “Pakilotto” at “Surelotto” na pawang mga website at mobile application na ginagamit ang mga pangalan, logo, at lottery games ng PCSO.
Pinaalalahanan naman ng simbahan ang mamamayan na mag-ingat laban sa iba’t ibang uri ng scam o panloloko ng mga kawatan na layong manlinlang at makapanghamak ng kapwa.