9,348 total views
Pinuri ng Federation of Free Workers ang panawagan ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa pamahalaan na payagang makapasok sa Pilipinas ang International Criminal Court (ICC) upang imbestigahan ang patayang naganap sa War on Drugs ng administrasyon ng dating pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Atty.Sonny Matula – Pangulo ng FFW, ito ay upang mabigyang katarungan ang mga nasawi sa kampanya at mapatunayan ng dating pangulo na inosente ito sa malawakang Extra Judicial Killings (EJK).
“Pacta sunt servanda” (treaties must be observed in good faith) and as a good member of the family of nations, we humbly urge the government to rejoin the ICC. Hindi dapat mag-alangan o maduwag ang gobyerno at baliwalain ang ating mga internasyonal na pangako sa Rome Statute. Hindi lang ito, may UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea) pa tayong gustong ipatupad laban sa Tsina sa West Phil Sea.” ayon sa mensaheng ipinadala ni Matula sa Radio Veritas.
Positibo si Matula na maibibigay ang katarungan sa naiwang pamilya ng mga nasawi War on Drugs at makatanggap ng compensation.
Iginiit ni Matula na si Archbishop Villegas ay isang “respected voice and compassion.
“Archbishop Socrates Villegas, a respected voice of reason and compassion, made a significant statement this week, emphasizing the importance of allowing ICC investigators to enter the Philippines. He passionately urged for a thorough probe into allegations of human rights abuses associated with the government’s campaign against illegal drugs” ayon pa sa mensahe ni Matula.
Kaugnay sa suliranin ng EJK, muling kinundena ng Church – People Workers Solidarity ang patuloy na pagpaslang sa mga lider manggagawa, human rights advocates at environmentalist na tanging ipinaglalalaban ang katarungan panlipunan.
Sa datos ng FFW at mga labor group sa bansa, si Jude Thaddeus Fernandez ng Kilusang Mayo Uno CALABARZON ang ika-72 biktima ng pagpaslang sa mga labor leader at member simula ng maupo bilang punong ehekutibo si dating pangulong Duterte.
Ayon sa Commission on Human Rights, sa kanilang datos aabot sa 30-libo ang mga mamamayan na naging biktima ng War on Drugs higit na mas mataas kumpara sa datos ng pamahalaan na aabot lamang sa mahigit limang libo.