11,386 total views
Nagpapasalamat ang Federation of Free Workers (FFW) sa American Federation of Labor and Congress of Industrial Organizations (AFL-CIO) sa paggagawad ng parangal sa Philippine Labor Movement (PLM).
Ibinahagi ni Atty.Sonny Matula – pangulo ng FFW na nakatakdang tanggapin ng grupo bilang kinatawan ng PLM ang George Meany–Lane Kirkland Human Rights Award sa patuloy na pagsusulong ng kapakanan at karapatang pangtao ng mga manggagawa.
“This prestigious award from the AFL-CIO reaffirms the significance of our work and underscores the strength derived from international solidarity. The FFW firmly believes that this award provides added impetus for the Philippine labor movement to forge a future where Filipino workers and their unions can exercise their rights without fear,” ayon sa ipinadalang mensahe ng FFW sa Radio Veritas.
Tiniyak naman ni Matula ang patuloy na pagsusulong ng mga adbokasiya at pagkilos na makakabuti sa manggagawa lalu na ang apela sa pagtataas ng suweldo at pagkamit ng mga manggagawa ng wastong benepisyo.
“Throughout the years, the FFW, alongside partner organizations within the Philippine labor movement, such as Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (SENTRO), Kilusang Mayo Uno (KMU), Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), the Alliance of Concerned Teachers (ACT), Public Services Labor Independent Confederation (PSLINK), and BPO Industry Employee Network (BIEN), has cultivated strong bonds with AFL-CIO affiliates, including the Communications Workers of America (CWA) and the American Federation of Teachers (AFT),” ayon pa sa FFW.
Ang FFW ay ang labor group na itinatatag 75 taon na ang nakakalipas na mayroong ng 200 libong miyembro sa ibat ibang bahagi ng Pilipinas.
Patuloy din ang mga sangay ng simbahan katulad ng Manila Archdiocesan Ministry for Labor Conccern at Church People Workers Solidarity sa pakikiisa sa mga manggagawa upang mapalakas ang kanilang mga panawagan at maisulong ang pagwawaksi sa pagpaslang sa hanay ng mga labor leaders at members.