11,836 total views
Ginunita ng Spanish Embassy to the Philippines o Agencia Española de Cooperación Internacional para el Desarrollo (AECID) ang ika 30-taong pakikipagtulungan sa Pilipinas upang mapabuti ang kalidad ng pamumuhay ng mga pinakamahihirap sa lipunan.
Ito ay sa pamamagitan ng pagdaraos ng photo exhibit sa Instituto Cervantes De Manila na itinampok ang mahahalagang pagtutulungan sa nakalipas na 30-taon upang matugunan ang pangangailangan ng mga mahihirap, nasasalanta ng bagyo at iba pang pinaka-nangangailangan sa lipunan.
Ang tema ng pagdiriwang ay ‘Stronger Togethre: Celebrating 30 years of Spanish Cooperations in the Philippines’ na tanda ng matibay ng alyansa at relasyon ng dalawang bansa.
“Aecid Philippines has made substantial initiatives and gains to fight against poverty and sustainable human development, strengthening democracy and attending to the diversity of Philippine society, with special attention and focus on the poorest and most vulnerable sectors. It has also adopted the development framework the United Nations’ Sustainable Development Goals (SDGs) while working closely with the Philippine government and its national social and economic program to address development issues in the country,” mensahe ng Instituto Cervantes De Manila sa Radio Veritas.
Binuksan ang photo exhibit noong October 19 na magtatagal hanggang December 31, 2023 sa Instituto Cervantes De Manila sa Intramuros.
1974 ng magsimula ang ugnayan ng Pilipinas at AECID kung saan 1992 ng ganap na maitatag ang ahensya sa Pilipinas.
Sa bahagi ng simbahan, patuloy ang Caritas Philippines, Caritas Manila at iba pang social arm ng simbahan upang matugunan ang pangangailangan ng mga pinakanangangailangan.
Noong 2022, naitala ng Caritas Philippines na umabot sa mahigit 500-million pesos ang nailaan na pondo sa humanitarian at disaster relief effort at iba pang programa.
Habang noong 2020 hanggang 2021 sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic ay umabot sa higit 2-bilyong piso ang nailaan na pondo ng Caritas Manila sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mahihirap, nasasalanta ng bagyo at pagpapaaral sa mga Youth Servant Leadership and Education Program.