19,941 total views
Inihayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education na ang paggunita sa araw ng mga banal ay paalala na ang langit ang hangganan ng lahat ng nabubuhay.
Ayon kay CBCP-ECCCE chairman, Bayombong, Nueva Vizcaya Bishop Jose Elmer Mangalinao, nangangahulugan ito na sa kabila ng kamatayan sa lupa ay makakamtan pa rin ang buhay na walang hanggan sa langit kasama ang Panginoong Diyos.
“All Saints Day celebration is a reminder that we are all heaven-bound. We are children of God, and where God is, we shall be. This is the day we celebrate the feast of all saints, known and unknown, popular and unpopular, famous and not so famous, but all of them have lived heroic lives,” mensahe ni Bishop Mangalinao sa Radio Veritas.
Sinabi ni Bishop Mangalinao na kahanga-hanga ang pananampalataya ng mga banal sapagkat kahit sa payak na pamumuhay ay kanila pa ring naipahayag ang kagalakan at marubdob na pag-ibig sa Diyos.
Kaya hamon ng obispo sa bawat isa na tularan ang kabanalan ng mga santo na tumugon sa misyon at buong pusong inialay ang buhay upang paglingkuran ang Panginoon.
“When they said yes to God’s will, they have given their all—time, talents, and treasure—all the days of their lives, in all ways for always with immense joy and passion,” saad ng obispo.
Paanyaya rin ni Bishop Mangalinao sa mga mananampalataya na manalangin at humingi ng paggabay mula sa mga banal upang maging mabuting alagad at tagasunod ni Kristo.
“Let us ask their intercessions that we may have an open mind and heart in learning from their way of life… the way of God! Let us ask our dear Lord to fuel our desire to become saints on earth as in heaven,” ayon kay Bishop Mangalinao.
Unang hiniling ni San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto, vice chairman ng CBCP-ECCCE, na ang kabanalan ng mga Santo nawa’y higit na magpatatag sa pananampalataya ng bawat isa sa kabila ng iba’t ibang pagsubok na kinakaharap.