318 total views
Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal
Pahayag 7, 2-4. 9-14
Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6
Panginoon, ang bayan mo
ay dumudulog sa iyo.
1 Juan 3, 1-3
Mateo 5, 1-12a
Solemnity of All Saintsย (White)
UNANG PAGBASA
Pahayag 7, 2-4. 9-14
Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag
Akoโy si Juan, at nakita kong umaakyat sa gawing silangan ang isa pang anghel, taglay ang pantatak ng Diyos na buhay. Humiyaw siya sa apat na anghel na binigyan ng Diyos ng kapangyarihang maminsala sa lupa at sa dagat, โHuwag muna ninyong pinsalain ang lupa, ang dagat, o ang mga punongkahoy. Hintayin ninyong matatakan sa noo ang mga lingkod ng ating Diyos.โ At sinabi sa akin ang bilang ng mga tinatakan โ sandaaโt apatnapuโt apat na libo buhat sa labindalawang lipi ng Israel.
Pagkatapos nooโy nakita ko ang napakaraming taong di kayang bilangin ninuman! Silaโy mula sa bawat bansa, lahi, bayan, at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono ng Kordero nakadamit ng puti at may hawak na mga palaspas. Sabay-sabay nilang sinabi, โAng kaligtasan ay mula sa Kordero, at sa ating Diyos na nakaluklok sa trono!โ Tumayo ang lahat ng anghel sa palibot ng trono, ng matatanda, at ng apat na nilalang na buhay. Silaโy nagpatirapa sa harap ng trono at sumamba sa Diyos. Ang wika nila โAmen! Sa ating Diyos ang kapurihan, kadakilaan, karunungan, pasasalamat, karangalan, kapangyarihan, at kalakasan magpakailanman! Amen!โ
Tinanong ako ng isa sa matanda, โSino ang mga taong nakadamit na puti at saan sila nanggaling?โ โHindi ko po alam,โ tugon ko. โKayo ang nakaaalam.โ At sinabi niya sa akin, โSila ang mga nagtagumpay sa kabila ng mahigpit na pag-uusig. Nilinis nila at pinaputi sa dugo ng Kordero ang kanilang damit.โ
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6
Panginoon, ang bayan mo
ay dumudulog sa iyo.
Ang buong daigdig, lahat ng naroon,
may-ariโy ang Diyos, ating Panginoon;
ang mundoโy natayo at yaong sandigaโy
ilalim ng lupa, tubig kalaliman.
Panginoon, ang bayan mo
ay dumudulog sa iyo.
Sino ang marapat umahon sa burol,
sa burol ng Poon, sino ngang aahon?
Sinoโng papayagang pumasok sa templo?
Sinoโng tutulutang pumasok na tao?
Siya, na malinis ang isip at buhay,
na hindi sumamba sa diyus-diyusan;
tapat sa pangako na binibitiwan.
Panginoon, ang bayan mo
ay dumudulog sa iyo.
Ang Panginoong Diyos, pagpapalain siya,
ililigtas siyaโt pawawalang-sala.
Gayun ang sinumang lumalapit sa Diyos
silang lumalapit sa Diyos ni Jacob.
Panginoon, ang bayan mo
ay dumudulog sa iyo.
IKALAWANG PAGBASA
1 Juan 3, 1-3
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Juan
Mga pinakamamahal, isipin ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig sa atin ng Ama! Tinatawag niya tayong mga anak ng Diyos at iyan ang totoo. Ito ang dahilan kung bakit hindi tayo nakikilala ng mga makasanlibutan; hindi nila kinikilala ang Diyos. Mga minamahal, sa ngayon, tayoโy mga anak ng Diyos, ngunit hindi pa nahahayag ang magiging kalagayan natin. Gayunman, alam nating sa pagparitong muli ni Kristo, tayoโy matutulad sa kanya, sapagkat makikita natin siya sa kanyang likas na kalagayan. Kayaโt ang sinumang may pag-asa sa kanya ay nagpapakalinis, tulad ni Kristo โ siyaโy malinis.
Ang Salita ng Diyos.
ALELUYA
Mateo 11, 28
Aleluya! Aleluya!
Kayong mabigat ang pasan
ay kay Hesus maglapitan
upang kayoโy masiyahan.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Mateo 5, 1-12a
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, nang makita ni Hesus ang napakakapal na tao, umahon siya sa bundok. Pagkaupo niyaโy lumapit ang kanyang mga alagad, at silaโy tinuruan niya ng ganito:
โMapalad ang mga aba na wala nang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.โ
โMapalad ang mga nahahapis sapagkat aaliwin sila ng Diyos.โ
โMapalad ang mga mapagpakumbaba, sapagkat tatamuhin nila ang ipinangako ng Diyos.โ
โMapalad ang mga nagmimithing makatupad sa kalooban ng Diyos, sapagkat ipagkakaloob sa kanila ang kanilang minimithi.โ
โMapalad ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos.โ
โMapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos.โ
โMapalad ang mga gumagawa ng daan sa ikapagkakasundo, sapagkat silaโy ituturing ng Diyos na mga anak niya.โ
โMapalad ang mga pinag-uusig dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.โ
โMapalad kayo kapag dahil sa akiโy inaalimura kayo ng mga tao, pinag-uusig at pinagwiwikaan ng lahat ng uri ng kasamaan na pawang kasinungalingan. Magdiwang kayo at magalak, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit.โ
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
PANALANGIN NG BAYAN
Nobyembre 1
Lahat ng Mga Banal
Bilang Bayan ng Diyos dito sa lupa, pag-isahin natin ang ating mga panalangin at ang mga panalangin ng lahat ng mga banal sa Langit para sa mga pangangailangan ng mga lalaki at babae sa lahat ng dako.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Sa pamamagitan ng mga panalangin ng mga banal, dinggin mo kami, O Panginoon.
Ang Simbahan nawaโy ihatid sa Kaharian ng Langit ang lahat ng kanyang mga anak, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga taong may mabubuting kalooban nawaโy makatanggap ng tunay na buhay at kapayapaang di-nagmamaliw sa pamamagitan ng mapantubos na Dugo ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.
Tayo nawaโy pagkalooban ng Eukaristiya ng lakas upang makapamuhay nang matuwid dahil sa pag-asang makakapiling natin ang mga banal sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga inuusig dahil sa pagiging matuwid nawaโy matatag na magpatuloy sa daan ng kabanalan, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga yumaong mahal natin sa buhay nawaโy makasama ang mga banal sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama ng kabanalan at biyaya, iniaalay namin ang aming mga kahilingan kasama ng mga panalangin ng Mahal na Birheng Maria at ng lahat ng mga banal, taglay ang pagtitiwala sa iyong habag na nahayag sa kanilang mga dakilang buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.