5,863 total views
Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
Karunungan 6, 12-16
Salmo 62, 2. 3-4. 5-6. 7-8
Aking kinasasabikan,
Panginoon, ikaw lamang.
1 Tesalonica 4, 13-18
Mateo 25, 1-13
Thirty-second Sunday in Ordinary TimeΒ (Green)
UNANG PAGBASA
Karunungan 6, 12-16
Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan
Ang Karunungan ay maningning at di kumukupas,
madaling natatagpuan ng naghahanap sa kanya,
at nakikita agad ng mga nagpapahalaga sa kanya.
Madali siyang nagpapakilala sa mga naghahangad sa kanya.
Hanapin mo siyang maaga at agad mo siyang matatagpuan,
Makikita mo siyang nag-aabang sa iyong tarangkahan.
Isipin mo lamang siyaβy magkakaroon ka ng ganap na pagkaunawa;
hanapin mo siyaβt matatahimik ang iyong kalooban.
Pagkat hinahanap niya ang mga karapat-dapat sa kanya.
at makikita ka niya saan ka man naroon.
Siyaβy maamo at sasamahan ka niya sa bawat iniisip mo.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 62, 2. 3-4. 5-6. 7-8
Aking kinasasabikan,
Panginoon, ikaw lamang.
O Diyos, ikaw ang aking Diyos na lagi kong hinahanap;
ang uhaw kong kaluluwaβy tanging ikaw yaong hangad;
Para akong tuyong lupa na tubig ang siyang lunas.
Aking kinasasabikan,
Panginoon, ikaw lamang.
Bayaan mong sa santwaryo, sa lugar na dakong banal,
ikaw rooβy mamasdan ko, sa likas mong karangalan.
Ang wagas na pag-ibig moβy mahigit pa kaysa buhay.
Kaya akoβy magpupuriβt ikaw ang pag-uukulan.
Aking kinasasabikan,
Panginoon, ikaw lamang.
Habang akoβy nabubuhay, akoβy magpapasalamat,
at ako ay dadalangin na kamay koβy nakataas.
Itong aking kaluluwaβy kakaing may kasiyahan,
magagalak na umawit ng papuring iaalay.
Aking kinasasabikan,
Panginoon, ikaw lamang.
Laman ka ng gunita ko samantalang nahihimlay,
magdamag na ang palaging iniisip ko ay ikaw;
pagkat ikaw sa tuwina ang katulong na malapit,
sa lilim ng iyong pakpak galak akong umaawit.
Aking kinasasabikan,
Panginoon, ikaw lamang.
IKALAWANG PAGBASA
1 Tesalonica 4, 13-18
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Tesalonica
Mga kapatid, ibig naming malaman ninyo ang katotohanan tungkol sa mga namatay na, nang hindi kayo magdalamhati, tulad ng mga taong walang pag-asa. Naniniwala tayong si Hesus ay namatay at muling nabuhay. Kaya naman, naniniwala tayong bubuhayin din ng Diyos ang lahat ng namatay na nananalig kay Hesus β upang isama sa kanya.
Ito ang aral ng Panginoon na sinasabi namin sa inyo: pagparito ng Panginoon, tayong mga buhay ay hindi mauuna sa mga namatay na. Sa araw na yaon, kasabay ng malakas na utos, ng tinig ng arkanghel, at ng tunog ng trumpeta ng Diyos, bababa ang Panginoon mula sa langit. Bubuhayin muna ang mga namatay na nananalig kay Kristo. Pagkatapos, tayong mga buhay pa ay titipunin niya sa ulap at isasama sa mga binuhay upang salubungin sa papawirin ang Panginoon. Sa gayoβy makakapiling niya tayo magpakailanman. Kaya nga, mag-aliwan kayo sa pamamagitan ng mga aral na ito.
Ang Salita ng Diyos.
o kaya: Maikling Pagbasa
1 Tesalonica 4, 13-14
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Tesalonica
Mga kapatid, ibig naming malaman ninyo ang katotohanan tungkol sa mga namatay na, nang hindi kayo magdalamhati, tulad ng mga taong walang pag-asa. Naniniwala tayong si Hesus ay namatay at muling nabuhay. Kaya naman, naniniwala tayong bubuhayin din ng Diyos ang lahat ng namatay na nananalig kay Hesus β upang isama sa kanya.
Ang Salita ng Diyos.
ALELUYA
Mateo 24, 42a. 44
Aleluya! Aleluya!
Tayo ay laging magtanod
sapagkat di natin talos
ang pagbabalik ni Hesus.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Mateo 25, 1-13
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad ang talinghagang ito: βDito maitutulad ang pagpasok sa kaharian ng Diyos: may sampung dalagang lumabas upang sumalubong sa lalaking ikakasal. Bawat isaβy may dalang ilawan. Ang lima sa kanilaβy hangal at ang limaβy matalino. Ang mga hangal ay nagdala ng kanilang mga ilawan ngunit hindi nagbaon ng langis. Subalit ang matatalinoβy nagdala ng langis bukod pa sa nasa kanilang ilawan. Nabalam ng dating ang lalaking ikakasal, kayaβt inantok silang lahat at nakatulog.
Ngunit nang hatinggabi naβy may sumigaw: βNarito na ang lalaking ikakasal! Salubungin ninyo!β Agad nagbangon ang sampung dalaga at inayos ang kanilang ilawan. Sinabi ng mga hangal sa matatalino, βBigyan naman ninyo kami ng kaunting langis. Aandap-andap na ang aming mga ilawan, e!β βBaka hindi magkasiya ito sa ating lahat,β tugon ng matatalino. βMabuti paβy pumunta muna kayo sa nagtitinda at bumili ng para sa inyo.β Kayaβt lumakad ang limang hangal na dalaga. Samantalang bumibili sila, dumating ang lalaking ikakasal. Ang limang nakahanda ay kasama niyang pumasok sa kasalan, at ipininid ang pinto.
Pagkatapos, dumating naman ang limang hangal na dalaga. βPanginoon, papasukin po ninyo kami!β sigaw nila. Ngunit tumugon siya, βSinasabi ko sa inyo: hindi ko kayo nakikilala.β Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang oras.β
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
Batid natin ang kahandaan sa pagsalubong sa Panginoon ay bunga ng personal na paghahanda at biyayang banal. Buong kababaang-loob at pananalig nating hilingin ito para sa ating sarili at buong sangkatauhan. Maging tugon natin ay:
Panginoon, pagpalain mong kamiβy maging handa!
Para sa Simbahan, ang pamayanan ng lahat ng naghihintay sa pagbabalik ng Panginoon: Nawa siyaβy maging malinaw na tanda ng buhay na pananampalataya, praktikal na pag-ibig at masiglang pag-asa para sa sangkatauhan. Manalangin tayo!
Para sa Santo Papa, mga obispo, at lahat ng ibang pinunong espiritwal: Nawa tuwina silang maging inspirasyon natin sa kanilang karunungan at kahandaang sumalubong sa Panginoon. Manalangin tayo!
Para sa mga naniniwalang tanging pananampalataya lamang ang magtatamo para sa atin ng buhay na walang hanggan: Nawa maunawaan nilang kailangan din nila ang langis ng buhay na alinsunod sa mga kahingiang moral ng kanilang pananampalataya. Manalangin tayo!
Para sa mga malapit na sa dulo ng kanilang buhay: Nawa matatag nilang salubungin ang Panginoon nang may maalab na sulo ng buhay na pananampalataya at langis ng bukas-palad na katapatan sa mga utos ng Diyos. Manalangin tayo!
Para sa ating lahat at iba pang kaanib ng ating pamayanan sa parokya: Nawa maipakita natin ang ating pagtulong sa isaβt isa habang nagsisikap tayong mabuhay sa harap ng Panginoon. Manalangin tayo!
Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan.Β (Tumigil saglit.)Β Manalangin tayo!
Panginoong Hesus, ikaw ang Dakilang Ikakasal na nag-aanyaya sa amin sa piging ng buhay na walang hanggan. Panatilihin mong nag-aalab ang aming buhay sa pananampalataya at pagmamahal upang kamiβy patuluyin sa kapistahan ng Kaharian kung saan ka nabubuhay at naghahari nang walang hanggan. Amen!