1,291 total views
Miyerkules ng Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)
o kayaΒ Paggunita sa Dakilang San Alberto, obispo at pantas ng Simbahan
Karunungan 6, 1-11
Salmo 81, 3-4. 6-7
Magbangon ka, Poong Diyos,
upang tanan ay masakop.
Lucas 17, 11-19
Wednesday of the Thirty-second Week in Ordinary TimeΒ (Green)
orΒ Optional Memorial of St. Albert the Great, Bishop and Doctor of the ChurchΒ (White)
UNANG PAGBASA
Karunungan 6, 1-11
Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan
Mga hari, pakinggan ninyo ito at unawain;
mga namamahala sa buong daigdig, pag-aralan ninyo ito.
Makinig kayo, mga pinuno ng maraming bansa;
kayo, na ang ipinagmamalaki ay ang dami ng inyong mga nasasakupan.
Ang pamamahala ninyoβy kaloob ng Panginoon,
At ang kapangyarihaβy mula sa Kataas-taasan.
Siya ang susuri ng inyong mga gawa at sisiyasat ng inyong mga panukala.
Kung sa inyong pagiging tagapamahala ng kanyang kaharian ay hindi kayo magiging tapat,
kung hindi ninyo susundin ang Kautusan,
at kung hindi kayo mamumuhay ayon sa kanyang kalooban,
madali siyang paririto at parurusahan kayo ng mabigat na parusa.
Walang katulad ang bigat ng parusang inilalaan niya sa mga namumuno at makapangyarihan.
Ang mga aba ay kahahabagan at patatawarin,
ngunit ang mga nasa kapangyarihan ay mahigpit na hahatulan.
Ang Panginoon ng lahat ay hindi natatakot kaninuman, gaano man siya kadakila.
Siya ang may likha sa lahat, sa dakila at sa aba,
kayaβt pare-pareho lang ang tingin niya sa lahat.
Ngunit mas mahigpit ang paghatol niya sa mga nasa kapangyarihan.
Kaya, mga hari, sinasabi ko sa inyo ang mga bagay na ito,
upang matuto kayo at nang hindi kayo magkamali.
Ito ay mga banal na bagay at kung gagamitin ninyo sa paraang banal, kayo rin ay magiging banal.
Pag natutunan ninyo ang mga aral na ito,
Maipagtatanggol ninyo ang inyong sarili sa Araw ng Paghuhukom.
Kaya nga, pahalagahan ninyo ang aking mga aral,
unawain ninyo ito at kayoβy matuto.
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 81, 3-4. 6-7
Magbangon ka, Poong Diyos,
upang tanan ay masakop.
Bigyan ninyong katarungan ang mahina at ulila,
at huwag ninyong aapihin ang mahirap at may dusa.
Ang marapat na tulungaβy ang mahina at mahirap,
sa kamay ng masasama silaβy dapat na iligtas!
Magbangon ka, Poong Diyos,
upang tanan ay masakop.
βAng sabi ko, kayoβy diyos, anak ng Kataas-taβsan,
ngunit tulad nitong tao, lahat kayoβy mamamatay;
katulad din ng prinsipe, papanaw ang inyong buhay.β
Magbangon ka, Poong Diyos,
upang tanan ay masakop.
ALELUYA
1 Tesalonika 5, 18
Aleluya! Aleluya!
Ang Dβyos Amaβy naghahangad
lagi tayong pasalamat
kaisa ng kanyang Anak.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Lucas 17, 11-19
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas
Sa paglalakbay ni Hesus patungong Jerusalem, nagdaan siya sa hangganan ng Samaria at Galilea. Nang papasok na siya sa isang nayon, siyaβy sinalubong ng sampung ketongin. Tumigil sila sa malayu-layo at humiyaw ng: βHesus! Panginoon! Mahabag po kayo sa amin!β nang makita sila ay sinabi niya, βHumayo kayo at pakita sa mga saserdote.β At samantalang silaβy naglalakad, gumaling sila. Nang mapuna ng isa na siyaβy magaling na, nagbalik siyang sumisigaw ng pagpupuri sa Diyos. Nagpatirapa siya sa paanan ni Hesus at nagpasalamat. Ang taong itoβy Samaritano. βHindi ba sampu ang gumaling?β tanong ni Hesus. βNasaan ang siyam? Wala bang nagbalik at nagpuri sa Diyos kundi ang dayuhang ito?β Sinabi sa kanya ni Hesus, βTumindig kaβt humayo sa iyong lakad! Pinagaling ka dahil sa iyong pananalig.β
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules
Labis na mapagbigay ng biyaya, kagalingan, at kapatawaran ang Panginoon. Subalit ipinagwawalang-bahala natin ang mga ito. Nakakalimutan natin siyang pasalamatan. Dalhin natin ang ating mga panalangin sa kanya sa diwa ng pasasalamat.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Sa pasasalamat, tumatawag kami sa Iyo, Panginoon.
Ang Simbahan sa lupa nawaβy patuloy na hilumin sa kapangyarihan ng Espiritu Santo ang mga may wasak na buhay, manalangin tayo sa Panginoon.
Atin nawang purihin at pasalamatan ang Diyos sa mga biyaya ng buhay, pananampalataya, kalusugan, kaligayahan, at alab ng pagmamahalan ng pamilya, kaibigan, at komunidad, manalangin tayo sa Panginoon.
Tayo nawaβy laging magpasalamat sa lahat ng aspeto ng ating buhay para sa pag-ibig na ibinuhos sa atin ng Diyos noong angkinin niya tayo bilang kanyang mga anak, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit at mga nabibigatan sa buhay nawaβy makita ang katangi-tanging pag-ibig at kalinga ng Diyos sa pamamagitan ng pagmamalasakit ng kanilang mga kapamilya, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga yumao nawaβy mapabilang sa mga banal sa pagsamba sa Diyos sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama naming Diyos, pinasasalamatan ka namin para sa aming mga buhay at sa bagong buhay na iyong ipinagkakaloob sa amin sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.