Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Bagong simula sa ating barangay

SHARE THE TRUTH

 12,664 total views

Mga Kapanalig, kumusta ang naging takbo ng eleksyon sa inyong barangay kahapon? Sana naman ay naging tahimik, maayos, at malinis ang pagboto sa mga uupo sa inyong pamahalaang pambarangay at sa Sangguniang Kabataan. Wala sanang naging aberya. Wala sanang naging dayaan.

Ang barangay ay tinatawag na basic political unit sa ating bansa. Ito ang pangunahing tagapagplano at tagapagpatupad ng mga programa ng gobyerno, kabilang ang paghahatid ng mga batayang serbisyo at mga proyektong dapat na pinakikinabangan ng mga mamamayan. Sa barangay din dapat naririnig ang boses ng mga tao, lalo na sa mga usaping direktang nakaapekto sa kanila, kabilang ang pag-aayos ng mga hidwaan at alitan ng mga magkakabarangay. Sa madaling salita, sa barangay nagsisimula ang demokrasya.  

Kumbaga sa isang barkong pampasahero, ang punong barangay ang tumatayong kapitan habang ang mga kagawad naman ang kanyang mga katuwang sa pagtitiyak na maayos ang kalagayan ng sasakyan at ng mga pasahero. Ang SK naman ang nakatutok sa mga kabataang sakay ng barko. Sa biyaheng ito, dapat na marunong ang kapitan at ang kanyang mga kasamahan sa pagtitiyak na tutungo sa tamang destinasyon ang kanilang mga nasasakupan. 

Ang kaibahan nga lamang, tayong mga pasahero ang pumili sa mga magiging kapitan ng sinasakyan nating barko. Tayong mga botante ang pumunta sa presinto upang isulat sa balota ang pangalan ng mga pagkakatiwalaan nating magpapatakbo ng ating barangay. Maaaring hindi nanalo ang pinili natin, ngunit kailangan nating igalang ang pinili ng mas nakararami. At kahit magkakaiba ang ating ibinoto, nananatili tayo sa iisang barko. Maglalayag ito sa gabay ng mga nanalo sa eleksyon.

Kaya naman, hindi natatapos sa pagboto natin kahapon ang pakikilahok natin sa ating barangay. Sa loob ng tatlong taon, pamumunuan ang ating barangay ng mga nanalong kandidato. Maikling panahon ito kung tutuusin ngunit maraming maaaring mangyari. Kaya mahalagang tinututukan natin ang mga may hawak ng manibela ng barkong sinasakyan natin—ang ating barangay.

Maaari ninyong sabihin, “Marami akong ibang pinagkakaabalahan. Wala na akong panahon sa pagbabantay sa barangay.” O kaya naman, “Mahirap madamay sa pulitika. Hayaan na lang natin silang mamuno.” Pwede ring, “Pare-pareho lang naman silang marurumi sa gobyerno. Basta bumoto na lang ako.”

Hindi masisisi ang ilan sa ating ganito ang pananaw sa pamamahala, ngunit mas marami pa rin sana sa atin ang pipiliing makialam sa gobyerno. Bakit? Dahil tayong lahat ay mga pasahero sa barkong kanilang minamaneho. Apektado tayong lahat—mabuti man o hindi ang pamamahala ng ating mga ibinoto.

May mga paraan naman upang alamin kung paano ginagampanan ng mga nasa pamahalaang barangay ang sinumpaan nilang tungkulin. Isa rito ang pagdalo sa barangay assembly. Isa itong mekanismo upang masuri ng mga mamamayan ang mga nagawa ng mga barangay officials. Ito rin ang pagkakataon para makapagmungkahi ang mga tao ng kapakipakinabang na mga programa at proyekto. Nagre-report din sa barangay assembly ang mga opisyal sa kanilang naging paggastos sa pondo ng barangay. Idinaraos ito dalawang beses taun-taon—isang araw sa Marso at isang araw sa Oktubre. Nasubukan na ba ninyong dumalo sa barangay assembly? Sa darating na taon, bakit hindi kayo dumalo sa pagtitipong ito?

Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Laudato Si’, sinabi ni Pope Francis: “local individuals and groups can make a real difference.” Ang pagbabagong ito ay maaari nating masaksihan sa ating mga barangay, kung tayo ay magtutulungan at kung tayo ay makikialam sa buhay ng ating barangay. “Tayong lahat ay bahagi ng isa’t isa,” wika nga sa Roma 12:5, kaya’t pakaisipin sana nating ang paglahok sa barangay—kahit man lang sa pagdalo sa barangay assembly—ay isang paraan ng pagmamalasakit sa isa’t isa. Maging bahagi sana tayo ng bagong simula sa ating barangay. 

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 21,209 total views

 21,209 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 35,865 total views

 35,865 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 45,980 total views

 45,980 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 55,557 total views

 55,557 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 75,546 total views

 75,546 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 21,210 total views

 21,210 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 2,343 total views

 2,343 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 35,866 total views

 35,866 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 45,981 total views

 45,981 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 55,558 total views

 55,558 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 75,547 total views

 75,547 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 47,827 total views

 47,827 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 42,852 total views

 42,852 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 46,421 total views

 46,421 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 58,876 total views

 58,876 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 69,943 total views

 69,943 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 76,262 total views

 76,262 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 80,873 total views

 80,873 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 82,433 total views

 82,433 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 47,994 total views

 47,994 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top